|
|
Ang mga ito ay permanenteng tatak ng ekonomya ng Pilipinas. Sa ilang panahon ay napagtatakpan ito ng pagbuhos ng dayuhang kapital na nag-uudyok ng artipisyal na aktibidad sa ekonomya. Kabilang dito ang pamumuhunan sa pamilihan ng stocks, sa real estate, sa pampublikong konstruksyon, at sa isang antas, sa mga export processing zone. Pinapalamutian lamang ng mga ito ang bulok na sistema. Hindi nagdudulot ang mga ito ng solido at pangmatagalang pakinabang sa usapin ng empleyo at kapasidad ng ekonomya sa produksyon. Ito ang nangyari sa mga taong 1993-96 at lalo na noong 1996 nang humugos papasok ang dayuhang pamumuhunang ispekulatibo1 matapos todo-todong inilarga ng reaksyunaryong gubyerno ang liberalisasyon ng ekonomya alinsunod sa mga dikta ng imperyalistang amo nito. Matapos magkamal ng tubo, simula 1997 ay mabilis na nilimas ng dayuhang malalaking kapitalista ang ipinuhunang kapital na nagbunsod ng mas malalang krisis sa pinansya at ekonomya. Hinubdan nito ng palamuti ang ekonomya at inilantad ang bulok na malapyudal na ubod nito�ang kawalan ng baseng industriyal at ang pagluluwas nito ng mga murang hilaw na materyales at murang lakas-paggawa bilang kakaragkarag na motor na nagpapatakbo sa Pilipinas. Ang plano ni Estrada para sa ekonomya ay higit pang liberalisasyon upang lalong akitin ang dayuhang kapital. Isa sa mga layunin ng planong pagbabago sa konstitusyon ay ang pagbibigay sa mga dayuhang kapitalista ng mga karapatan at kalayaang dati�y tinatamasa lamang ng mga Pilipino, kabilang na ang pagari ng lupa, 100% pag-aari ng mga empresang lokal at iba pa. Ang mga desperadong patakarang ito ay bunga ng matinding kumpetisyon mula sa iba pang mga bansang malakolonyal at malapyudal sa Asya, Amerika Latina at Aprika sa pagganyak ng dayuhang kapital. Ngunit bumuhos man ang dayuhang kapital sa Pilipinas, mauuwi lamang ito sa krisis na mas malalim sa naunang lundong dati nitong kinabagsakan. Bubulusok ang ekonomya hangga�t hindi ipinatutupad ang tunay na repormang agraryo na magpapalaya sa higit na nakararaming mamamayan mula sa pagsasamantalang pyudal at masidhing karukhaan at hangga�t hindi naipupundar ang baseng industriyal na magsisilbing nangungunang salik sa pag-abante ng produksyon at pagtataas ng antas ng kabuhayan ng mamamayan. Kayat ang usapin ng pag-unlad ng ekonomya ay usapin ng rebolusyonaryong pagbabago ng sistemang panlipunan�sa madaling salita, usapin ito ng kung aling uri ang may tangan ng kapangyarihang pampulitika. Nasa interes at pakinabang ng mga naghaharing uri sa Pilipinas, ng malaking burgesyang kumprador at mga malaking panginoong maylupa, na patuloy na makipagsabwatan sa mga imperyalista upang hadlangan at labanan ang industriyalisasyon at repormang agraryo bilang mga saligang hakbang sa pagbabago ng ekonomya. Tanging ang mga magsasaka at manggagawang Pilipino ang may interes, kakayahan at kapasyahang lubos na baguhin ang malakolonyal at malapyudal na sistema at wakasan ang palagiang krisis sa ekonomya. (1) Tinatawag ding pamumuhunang portfolio ang pawang di produktibong pamumuhunan sa larangan ng real estate, pamilihan ng stocks at bono[Back]
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|