Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga Ulat Koresponsal:
Laban sa pandarambong sa yaman ng Kordilyera

 Read this article in English

Sa pangunguna ng Cordillera People�s Alliance (CPA), ipinagdiwang sa ika-17 Araw ng Kordilyera ang magiting na kasaysayan ng mamamayan ng Kordilyera sa pagtatanggol sa kanilang lupang ninuno, buhay, kabuhayan at kayamanan at sa pagsusulong ng pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya. Idinaos ang pagdiriwang nitong Abril 24 sa Mankayan, Benguet.

Gayundin, naglunsad ng mga paggunita sa mga sonang gerilya ang Bagong Hukbong Bayan at iba�t ibang organisasyong masa sa ilalim ng Cordillera People�s Democratic Front (CPDF).

Sa pahayag ng CPDF, sinabi nitong akmang-akma ang tema ng Araw ng Kordilyera ngayong taon na: "Labanan ang pandarambong sa lupa at rekurso ng katutubong mamamayan! Isulong ang pulitika ng pagbabago upang kamtin ang mga hinahangad ng mamamayan!".

Ayon sa CPDF, sa kabila ng pagkakaluklok ng bagong presidente, patuloy na nila lapastangan ng reaksyunaryong estado ang karapatan sa pag papasya-sa-sarili ng mamamayan ng Kordilyera. Bilang mga Pilipino, pinapasan nila ang tatlong batayang suliranin ng imperyalismo, pyudalismo at burukratang kapitalismo. Bilang pambansang minorya, pinapasan din nila ang partikular na problema ng pambansang pang-api.

Walang pagbabago sa mga suliraning kinakaharap ng mga taga- Kordilyera at buong sambayanang Pilipino. Anang CPDF, ni isang saglit ay hindi tinantanan ng mga kaaway ng mamamayan ng Kordilyera at ng buong sambayanang Pilipino ang pagsasamantala at pagpapahirap sa kanila. Sa esensya, ipinagpapatuloy ng rehimeng Macapagal-Arroyo ang tunguhin ng lahat ng naunang rehimen.

Tinuligsa ng CPDF ang reaksyunaryong dalawahang taktika ng rehimeng Macapagal-Arroyo�sa isang banda�y inaamo ang mamamayan ng Kordilyera sa pamamagitan ng pagpunta sa ilang sentrong bayan ng rehiyon at pagpapatupad ng mga proyektong pampasiklab (impact projects); sa kabilang banda nama�y ipinagpapatuloy ng militar sa ilalim ng bagong rehimen ang paghahasik ng lagim, laluna sa Kalinga at Abra.

Tinukoy ng CPDF ang harasment kamakailan sa mga organisasyon ng mamamayan sa Mankayan na lumalaban sa operasyon ng Lepanto Consolidated Mining Co. Ang naturang kumpanya sa pagmimina na pag-aari ng mga imperyalista at burges kumprador. Ipinagpapatuloy din ng rehimenang pagtatayo ng San Roque Dam at ang pagpapatupad ng iba pang patakaran at programang nagdudulot ng malawak at matinding pinsala sa mamamayan ng Kordilyera.

Sa kabilang banda, ang CPA bilang pinakama laki at pinakaorganisadong ligal na demokratikong alyansa ng batayang masa at iba pang sektor sa Kordilyera ay nangunguna sa paglulunsad ng mga pakikibaka laban sa mga kontra-mamamayang pakana tulad ng mga minahan, mga dam, pagtotroso, komersyalisasyon ng agrikultura, mga geothermal plant, mega-tourism projects at iba pang proyektong sumasalanta at sumasaid sa likas na yaman ng rehiyon. Pinangungunahan nito ang pagpupukaw sa mamamayan upang maging mas mulat sila sa kanilang mga karapatan.

Kaakibat ng rumaragasang demokratikong kilusang masa na patuloy na lumalakas taun-taon, nagpupunyagi ang CPDF sa paglulunsad ng digmang bayan, ng makatarungang digmang rebolusyonaryo upang tuluyang makapamayani ang ma mamayan at makapagpasya hinggil sa kanilang kahihinatnan sa ekonomya, pulitika, lipunan at kultura.

Ang pambansa-demokratikong kilusang masa ng mamamayan ng Kordilyera, kapwa armado at diarmado, ay may matutunghayang mayayaman at mahahalagang aral mula sa di mabilang na pakikibaka ng mamamayang Kordilyera � ang pakikibaka laban sa Chico Dam, sa Cellophil Resources Corp., sa San Roque Dam, sa mga minahan, mga pakikibaka laban sa militarisasyon sa mga baryo at marami pang iba. Sa pagtataguyod ng mga aral mula sa mga pakikibakang ito, naiiwasan ang mga pagkakamali at nakabubuo ng epektibong taktika sa pagpapalakas ng kilusang masa at pakikipagkaisang prente at makakamit ang malalaki pang tagumpay.

Nanawagan ang CPDF para sa pagpupunyagi upang iangat ang pakikibaka para sa pambansang pagpapasya-sa-sarili at demokrasya sa mas mataas pang antas. Anang CPDF: "Gawing pangmatagalang inspirasyon nating lahat ang mga sakripisyo ng ating mga ninuno at ang dugo ng ating mga martir."

 


Previous articleBack to topNext article

Mayo 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Walang makabuluhang pakinabang ang bayan sa nagdaang eleksyon

Sa ilalim ng bagong rehimen:
Mga ipinaglalaban ng manggagawang Pilipino

Panayam kay Ka Roger
Muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at GRP, matagumpay na idinaos
Mga Ulat Koresponsal:
Laban sa pandarambong sa yaman ng Kordilyera
Mga Ulat Koresponsal:
Mamamayan sa Gitnang Kabisayaan, masiglang lumahok sa pakikibakang anti-Estrada

Mga Ulat Koresponsal:
Mga taktikal na opensiba, patuloy na inilulunsad sa Kabikulan

Mga Ulat Koresponsal:
Mga pagpaparusa sa Hilagang Mindanao, ipinaliwanag

Mga balita ng pakikibaka
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.