Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Editoryal:
Patawan ng rebolusyonaryong kaparusahan si Imelda at mga kasapakat ng diktadurang Marcos

 Read this article in English

Ipinapahayag ng Partido Komunista ng Pilipinas, sa okasyon ng ika-13 taong anibersaryo ng pagbagsak ng pasistang diktadurang USMarcos, ang paninindigan ng rebolusyonaryong kilusan at mamamayang Pilipino na igawad ang angkop na kaparusahan kay Imelda Romualdez Marcos at sa mga pangunahing pinuno at kasapakat ng nasirang diktador na si Marcos.

Ang pagbabaligtad ng mga tagumpay ng Edsa

Sa gitna ng napakalubhang krisis sa ekonomya at laganap na masidhing paghihirap ng mamamayang Pilipino, ibinabalik at pinapaburan ngayon ng gubyernong Estrada ang pinakamalaki at pinakakinamumuhiang mga reaksyunaryong nagtaguyod at nakinabang sa diktadurang Marcos. Sa ilalim ng proteksyon ng dati nilang utusan at ngayo�y pangulong Estrada, buong-laya nilang muling inaangkin ang mga ninakaw nilang yaman at dinadambong ang ekonomya at kabang-bayan. Sagad-sagarang isinasaisantabi at niyuyurakan ang hangad na katarungan at interes ng mamamayang Pilipino, laluna ng laksa-laksang biktima ng batas militar.

Patuloy na itinatangging kilalanin ng reaksyunaryong pampulitikang awtoridad sa Pilipinas ang mga krimen laban sa sangkatauhan ng diktadurang US-Marcos. Ipinagkakait ang nararapat na indemnipikasyon o danyos-perwisyos sa mga naging biktima ng pasistang rehimen na esensyal na aspeto ng kanilang hangaring katarungan. Sa halip, ang mga kasapakat pa ng diktadura ang binigyan ng karapatan at lubos na kalayaang bawiin ang mga nakaw na yaman, tanganan ang kapangyarihang pampulitika at baluktutin ang kasaysayan.

Walang kakayahan ni kapasyahan ang naghaharing sistema na bigyang-katuparan ang hangaring katarungan ng mamamayang Pilipino. Sa kabila ng katotohanang ang reaksyunaryong rehimeng Aquino ay nakatayo bunga ng kilusang anti-pasista at anti-Marcos, hindi nito nagawang mapagpasyang parusahan ang mga pinuno at kasapakat ng pasistang diktadura. Ang sumunod na reaksyunaryong rehimeng Ramos ay hindi lamang nabigong seryosong usigin ang mga Marcos at mga kasapakat nila, hinawan pa nito ang daan sa unti-unting panunumbalik nila sa kapangyarihan at pribilehiyo. Kaya 13 taon matapos ibagsak ang diktadurang Marcos, sina Imelda Marcos, Eduardo �Danding� Cojuangco Jr., Lucio Tan at mga kasabwat nila ay nagtatamasa ng mas papalaki pang kapangyarihan sa pulitika at ekonomya ng Pilipinas.

Ang pagkakahalal kay Joseph Estrada bilang pangulo ng reaksyunaryong gubyerno ang pinakamalaking tagumpay ng mga Marcos mula 1986 sa kanilang pagsisikap na makapanumbalik sa poder. Sa loob lamang ng ilang buwan sa ilalim ng rehimeng Estrada, lumawak nang lumawak ang impluwensya at kapangyarihan ng mga Marcos at ng kanilang mga kasapakat. Estratehikong nakapwesto ngayon sa mga sentral na makinarya ng estado poder ang dating mga tauhan ng diktadura na nagtitiyak ng mga patakaran, kautusan at desisyong pabor sa mga Marcos at alipures nila.

Dalawampu�t pitong kaso na ng katiwalian laban sa mga Marcos at kanilang alipures na isinampa ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang pinawalang-saysay na ni Aniano Desierto, Ombudsman ng Sandiganbayan at loyalistang maka- Marcos. Sangkot sa 14 na kaso ang mahigit P69.5 bilyon. Nakaambang ipawalang- saysay din ni Desierto ang 34 pang kaso.

ANG PAGKAKAHALAL KAY JOSEPH ESTRADA BILANG PANGULO NG REAKSYUNARYONG GUBYERNO ANG PINAKAMALAKING TAGUMPAY NG MGA MARCOS MULA 1986 SA KANILANG PAGSISIKAP NA MAKAPANUMBALIK SA PODER. SA LOOB LAMANG NG ILANG BUWAN SA ILALIM NG REHIMENG ESTRADA, LUMAWAK NANG LUMAWAK ANG IMPLUWENSYA AT KAPANGYARIHAN NG MGA MARCOS AT NG KANILANG MGA KASAPAKAT.
Kinatigan ng Korte Suprema ang mga desisyong ito ni Desierto noong Disyembre 1998 sa pamamagitan nina Jose A.R. Melo, Vicente Mendoza, Antonio Martinez at Reynato Puno, pawang mga itinalaga noon ni Marcos. Si Melo, Mendoza at Puno, bukod pa kay Santiago Kapunan at Fidel Purisima, mga husgado rin ng Korte Suprema, ay pawang nagsilbi sa ilalim ni Estelito Mendoza, solicitor general sa panahon ni Marcos at pangunahing abugado ngayon ni Imelda.

Ang kaso ng katiwalian laban kay Imelda Marcos kaugnay ng proyektong Light Railway Transit ay pinawalang-saysay din ng Korte Suprema noong Oktubre 1998. Nauna rito ay pinawalang-sala naman ng Regional Trial Court sa Lunsod ng Quezon si Imee Marcos sa kaso ng katiwalian sa dating Kabataang Barangay. Iniatras din ng Korte Suprema noong Disyembre 1998 ang pagbabawal sa paglalakbay at mandamyento de aresto laban kay Danding Cojuangco. Ang P26.5 bilyong kaso naman ng di pagbabayad ng buwis laban kay Lucio Tan ay patuloy na nabibimbin at dinuduktor ng BIR (Bureau of Internal Revenue) at DOJ (Department of Justice) upang tiyak na makalusot si Tan.

Dahil sa natatanggap niyang pabor at proteksyon sa ilalim ng gubyernong Estrada, may lakas ng loob si Imelda na lantarang ipaggiitan at angkinin ang mahigit 200 malalaking korporasyong nagkakahalaga ng mahigit P500 bilyon, kabilang na ang San Miguel Corporation, Philippine Airlines, Philippine Long Distance Telephone Company, Fortune Tobacco, United Coconut Planters Bank, Allied Bank at Asia Brewery.

Nais ni Estrada na magsilbing koordinador at padrino ng malalaking magnanakaw sa panahon ng diktadurang Marcos kapalit ng bahagi ng nakaw na yamang kanilang binabawi. Subalit dahil sa sumusulak na tunggalian sa pagitan ng mga Marcos at ng mga pinagkatiwalaang kroni ng nasirang diktador, hindi niya ito basta-basta maisagawa. Sa isang banda ay tinitiyak ni Estrada na makalulusot sa mga kasong kriminal at sibil ang pamilyang Marcos upang mabuksan ang daan sa pagbawi ng kanilang mga ninakaw na yaman. Ngunit sa kabilang banda, pinahihintulutan din niyang angkinin ng mga kroni ang malalaking korporasyon at ari-ariang ipinagkatiwala sa kanila ni Marcos na ngayo�y binabawi na ni Imelda.

Nagsampa na ng kaso si Imelda upang bawiin mula sa kanilang mga dating kroni ang diumano�y lehitimo niyang pag-aari sa mahigit 200 malalaking korporasyon. Ang usaping nais na lutasin sa mga kasong ito ay kung aling magnanakaw ang may karapatang magmay-ari sa mga kayamanang sama-sama nilang dinambong. Subalit anupaman ang maging anyo o sidhi ng tunggaliang ito, alinmang panig ang makapangibabaw, interes ng mamamayang Pilipino ang tiyak na mayuyurakan.

Ang mga krimen ng diktadurang Marcos laban sa mamamayang Pilipino

Kaakibat ng rehabilitasyon sa pulitika at ekonomya ni Imelda Marcos at ng kanyang mga kasapakat ay ang malakihang pambabaluktot sa kasaysayan. Sa partikular, pinagtatakpan at pilit na binubura ang madugong kriminal na rekord at sagad-sagarang pandarambong ng pamilyang Marcos at mga alipures sa panahon ng kanilang paghahari.

Upang ituwid ang pambabaluktot na ito at ilatag ang kongkretong batayan ng hangarin ng mamamayang katarungan at anyo ng kaparusahansa mga kriminal, kailangan nating itala ang rekord ng mga krimen ng diktadurang USMarcos laban sa mamamayang Pilipino. Ito ay isang panimulang pagtatala ng mga krimeng sasaklawin ng pananagutan ni Imelda Marcos at iba pa bilang paghahanda sa kanilang kaso at paglilitis sa espesyal na hukumang bayan.*

Pagnanakaw at pandarambong sa ekonomya. Ginamit ng pamilyang Marcos ang absolutong kapangyarihan ng estado upang dambungin ang ekonomya at magkamal ng yaman. Tinatayang aabot sa P1.1 trilyon ang kinamal ng pamilyang Marcos at kanilang mga kasapakat sa kabang-bayan sa panahon ng diktadura. Ang pinakamalaking bahagi ng mga nakaw na yaman ay sinakmal ng mga Marcos at inilagak sa anyo ng mga depositong dolyar sa ibang bayan, mga primera klaseng lote at mga gusali sa Amerika at Japan, mga korporasyon, mamahaling alahas at iba pa.

Lumaki mula $2 bilyon hanggang $26 bilyon ang utang panlabas ng Pilipinas na ginamit ng diktadurang Marcos para sa malalaki subalit di-produktibong proyektong pangimprastruktura, sa pagpapalaki at pag-aarmas ng reaksyunaryong hukbo, sa pagpopondo ng malalaking korporasyon ng mga kroni at sa ala-Imeldang pagwawaldas at karangyaan ng mga naghaharing uri.

Sa kabilang banda, inilugmok ng diktadurang USMarcos ang mamamayang Pilipino sa mas malalim na kumunoy ng kahirapan sa pamamagitan ng mga patakarang lalong nagpatibay sa imperyalistang kontrol sa ekonomya at pagsasamantala sa mga manggagawa at magsasaka. Ipinatupad ang pekeng reporma sa lupa (PD 27) na ipinantabing sa malawakang pangangamkam ng lupa ng mga Marcos, mga kasapakat nila at malalaking dayuhang korporasyon. Kaakibat nito�y isinakatuparan ang programang Masagana 99 at �Green Revolution� na nagtambak ng mga imported na abono, pestisidyo at mga agrikemikal sa lokal na pamilihan at naglubog sa mga magsasaka sa utang dahil sa sapilitan silang pinasapi sa mga bogus na kooperatiba at proyektong pang-irigasyon.

Sa kagalakan ng malalaking dayuhang kapitalista, ipinatupad rin ni Marcos ang Investment Incentives Law, Export Incentives Law at iba pang mga batas na lalong nagpatibay sa atrasadong katayuan ng ekonomya ng Pilipinas at nagsuko ng ating pambansang patrimonya sa imperyalismo.

Pasistang karahasan at krimen laban sa sangkatauhan. Ipinailalim ni Marcos sa kanyang solo at absolutong kontrol ang buong pasistang makinarya ng militar at pulisya nang idineklara niya ang batas militar noong 1972. Itinalaga ni Marcos ang kanyang mga pinakatapat na tauhan sa pamunuan ng AFP upang ikumpas ito sa pagsupil sa mamamayan. Binuo ang Civilian Home Defense Force at mga panatikong grupong paramilitar at ibayong pinalaki ang pwersa ng AFP at pulisya mula 50,000 hanggang 250,000. Ang mga ito ang nagsilbing pangunahing instrumento sa pagpataw ng kapangyarihan ng diktadura.

Ginamit ni Marcos ang kanyang absolutong kapangyarihan upang magpataw ng mga dekreto at batas na sumupil sa mga karapatan ng mamamayan. Kaakibat ng batas militar, inilabas ni Marcos ang Arrest, Search and Seizure Order (ASSO), ang Preventive Detention Act (PDA) at ang Presidential Commitment Order na nagpahintulot sa mga pang-aaresto at panghahalughog nang kahit walang kaukulang mandamyento; ang Presidential Decree (PD) 1866 (laban sa iligal na pag-iingat ng baril sa pagsusulong ng rebelyon); ang batas ng Anti-Subersyon; ang PD 772 (kriminalisasyon ng iskwating); ang mapanupil na Labor Code (PD 442) at ang mga kaugnay na PD 823 (pagbabawal ng welga), Batas Pambansa 130 (Batas sa Bagong Relasyon sa Paggawa) at Batas Pambansa 227 (pagpapahintulot sa paglabas-masok ng produkto sa panahon ng welga).

Sa ilalim ng diktadurang Marcos, anim na milyon ang pwersahang pinalikas sa kanilang mga tahanan at kabuhayan. Resulta ito ng mga walang patumanggang operasyong militar sa kanayunan na kinatangian ng mga masaker, pambobomba, istraping, pwersahang konsentrasyon ng populasyon o hamletting, blokeyo sa pagkain at ekonomya, pagnanakaw at panggagahasa. Mahigit 160,000 ang pinatay, karamiha�y mga magsasaka na biktima ng kontrarebolusyonaryong digma ng estado; daan-daang libo ang iligal na inaresto at ikinulong, kabilang ang mahigit 70,000 sa loob lamang ng isang buwan nang ipinataw ang batas militar; libu-libo ang sistematikong isinailalim sa tortyur; at halos 800 ang iligal na dinukot, sinalbeyds at itinangging ilitaw ang mga bangkay (desaparecido).

Parusahan ang mga Marcos at ang kanilang mga kasapakat Taglay ng rebolusyonaryong kilusan ang pampulitikang awtoridad na igawad ang katarungang bayan laban sa mga pinuno at kasapakat ng diktadurang

TAGLAY NG REBOLUSYONARYONG KILUSAN ANG PAMPULITIKANG AWTORIDAD NA IGAWAD ANG KATARUNGANG BAYAN LABAN SA MGA PINUNO AT KASAPAKAT NG DIKTADURANG MARCOS... PAPAPANAGUTIN NG HUKUMANG BAYAN SI IMELDA MARCOS AT IBA PA SA LAHAT NG KRIMEN NILA SA MAMAMAYANG PILIPINO. SILA AY WALANG PAGAATUBILING LALAPATAN NG REBOLUSYONARYONG KAPARUSAHAN PARA SA MGA MAPATUTUNAYANG PAGKAKASALA NILA.
Marcos. Nananatili ang bisa ng atas ng Komite Sentral ng PKP sa lahat ng yunit ng Bagong Hukbong Bayan na arestuhin si Imelda Romualdez Marcos at Ferdinand �Bongbong� Marcos Jr., bilang pangunahing kasapakat ng nasirang diktador na si Marcos, upang iharap at litisin sa hukumang bayan. Saklaw din ng atas na ito ang pag-aresto kay Danding Cojuangco, Lucio Tan at iba pang mga pangunahing alipures ng diktadurang Marcos.

Papapanagutin ng hukumang bayan si Imelda Marcos at iba pa sa lahat ng krimen nila sa mamamayang Pilipino. Sila ay walang pag-aatubiling gagawaran ng rebolusyonaryong kaparusahan para sa mga mapatutunayang pagkakasala nila.

Hindi kailanman magagawang burahin ang mga krimen ng diktadurang US-Marcos sa alaala ng mamamayang Pilipino. Hindi kailanman mauupos ang hangarin ng sambayanan para sa katarungan at ang paninindigang parusahan ang mga Marcos at ang pangunahing mga alipures nila.

Sa kabila ng matagumpay na pagpapabagsak sa pasistang rehimeng Marcos noong 1986, hindi pa lubos na nakakamit ang hangad na katarungang ito. Pinatutunayan ng mapagsamantalang naghaharing uri at sistema na hindi ito bukal ng katarungan para sa mamamayang Pilipino. Katunayan, silang may tapang ng apog na magpatawad at kumandili sa mga Marcos ang sila ngayong nandarambong at nandarahas sa aping mamamayan.

Napatunayan na ng kasaysayan na hindi sapat ang pagaalsang Edsa upang ganap na kamtin ng mamamayang biktima ng diktadurang Marcos ang katarungan. Patuloy na ibinubunsod ng neokolonyal na sistemang pampulitika ang katiwalian, pagnanakaw sa gubyerno, pandarambong sa ekonomya at pasistang karahasan laban sa mamamayan.

Ang sistemang ito at lahat ng mga kaakibat nitong kabuktutan ay mawawakasan lamang sa pamamagitan ng rebolusyonaryong armadong pakikibaka. Ang digmang bayan ang tanging makapaggagawad ng katarungan sa mamamayan hindi lamang para sa mga krimen ng diktadurang US-Marcos, kundi para sa lahat ng krimen ng mga mapagsamantalang naghaharing uri.


** Hinihikayat ng PKP ang mga mambabasa ng AB na magsumite ng mga komentaryo at mga mungkahi upang lalong mapaunlad ang talaan na ito.

 


 Back to topNext article

00 Enero 1999
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Patawan ng rebolusyonaryong kaparusahan si Imelda at mga kasapakat ng diktadurang Marcos
Kontra-rebolusyonaryong digma at pasismo sa kanayunan
Ang mga pasistang krimen ni Hen. Panfilo Lacson sa Cebu
Laban sa Warrentless Arrest ni Lacson
Heneral ng AFP, 2 pang upisyal
Inaresto ng BHB

Sino ang itinuturing na kombatant?
Rebolusyonaryong kilusan sa Mindanao:
Sa landas ng matatag na pagsulong

Alyansa ng NDF at MILF
Pagkakaisa at pagtutulungan laban sa reaksyunaryong kaaway

Sa ngalan ng batas
Pangangamkam ng lupa sa Cagayan Valley

Mabuhay ang proletaryong internasyunalismo!
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.