![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Ipinaliwanag kamakailan ng Fr. Frank Navarro Command (FFNC) ng BHB-Hilagang Mindanao ang parusang kamatayang iginawad kay Mayor Lope Asis ng Bayugan, Agusan del Sur noong Abril 17 at kay Oscar Torralba, dating alkalde ng bayan ng La Paz sa kaparehong prubinsya noong Abril 21. Sa magkahiwalay na pahayag na ipinaabot sa AB, inisa-isa ni Ka Bagani Dagohoy Bonifacio, tagapagsalita ng FFNC, ang mga krimen ng dalawa. Ani Kasamang Bonifacio, si Asis ay may mabibigat na krimen laban sa mamamayan ng Bayugan at sa rebolusyon. Aktibo siya sa mga kontra-rebolusyonaryong kampanya sapul pa nang siya�y sundalo hanggang sa naging alkalde. Pasimuno siya sa pagtatayo ng mga lambat-paniktik at pagmamantine ng mapang-abusong CAFGU. Sinuportahan niya ang mababangis na operasyong militar kabilang ang pambobomba sa Bayugan. Dagdag pa ni Kasamang Bonifacio, malaki ang kinita ni Asis sa negosyo sa iligal na droga. Katunayan aniya, isang malaking drug pusher si Asis hindi lamang sa Bayugan kundi maging sa Caraga Region. Isa rin siyang warlord. Nagkakanlong siya ng berdugong armadong goons at kinukunsinte niya ang mga abusadong pulis sa Bayugan. Marami rin umanong kaso si Asis ng pagpapapatay ng mga inosenteng sibilyan. Bilang alkalde, malaki ang ninakaw ni Asis mula sa pondong publiko. Pinarusahan naman ng FFNC si Oscar Torralba sa sumusunod na batayan: pagpapapatay kay Fr. Mark Estorba na siyang nagbunyag sa iligal na pagtotroso ni Torralba noong 1988 sa Butuan City, pagmasaker sa pamilyang Villahermo sa sa isang baryo sa La Paz na nais kamkaman ni Torralba ng lupa at pagpapapatay sa municipal treasurer ng La Paz dahil nagpapaki ta ito ng mga ebidensya at saksi ito sa mga anomalya ni Torralba sa naturang bayan. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|