Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Pandaraya sa mga estadistikang pang-ekonomya, nabunyag

 Read this article in English

Sadyang napakadesperado ng rehimeng Macapagal-Arroyo na lumikha ng magandang larawan ng ekonomya ng Pilipinas. Nabunyag kamakailan na dinuduktor ng gubyerno ang mga datos pang-ekonomya para palabasing sumusulong ang ekonomya ng bansa.

Kung kaya pinagdudahan ng marami ang ipinagmalaki ni Macapagal-Arroyo na 4.6% paglago ng GDP (gross domestic product o kabuuang produksyon sa loob ng bansa) noong 2002 at 5.2% paglago ng GNP (gross national product o kabuuang kita sa loob at labas ng bansa).

Dagdag-bawas sa kalakalan. Unang kinwestyon ng IMF (International Monetary Fund) at mga dayuhang korporasyong pampinansya ang iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na netong $3.929 bilyong sarplas sa balance of payments(BOP o ang kabuuang labas-masok ng salapi sa bansa) noong nagdaang taon.

Sa pagrerepaso ng mga estadistika, natuklasan na aabot sa 3-5 bilyong dolyar ang ginawang pagpapatong ng bangko Sentral ng Pilipinas sa datos ng BOP. Ayon sa pinakabagong estadistikang inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas, sa aktwal ay nagtala pa ng $339 milyong depisit ang BOP. Hindi ito kagulat-gulat lalupa't tampok sa taong ito ang tuluy-tuloy na malakihang pagtalilis ng dayuhang kapital at pagbabayad ng panlabas na utang na humigop ng malaking bahagi ng kabuuang kita ng bansa.

Lumalabas na sobrang pinalaki nang halos $5 bilyon ang estadistika sa balanse ng kalakal at ng labas-masok ng kapital (current accounts, isang entrada sa balanse ng bayaran). Nag-udyok ito ng imbestigasyon sa kongreso kung saan nasasalang ang marami pang ipinagmamayabang na estadistika ng gubyerno. Upang maabot ang estadistikang ito, sadyang pinaliit ang kabuuang halaga ng pumasok na mga import sa bansa at pinalaki ang kabuuang halaga ng eksport.

Kung iwawasto ang mga anomalya sa datos, lalabas na higit na mas malaki kaysa sa naiulat ang tunay na pagbagsak ng manupaktura na di maiwasang maipakita kahit sa pinagandang estadistika na tuluy-tuloy na bumabagsak pa rin nang 3-5 porsyento laluna nitong mga huling buwan. Ang manupaktura ang siyang bumubuo ng malaking bulto ng eksport ng bansa at 21% ng GDP. Sa gayon, malinaw na isang malaking panloloko ang sinasabing malaking paglago ng GDP at GNP noong 2002. Kung tutuusin, maaaring maging negatibo pa nga ito.

Pandaraya ng mga dayuhang kumpanya. Liban pa sa pambabaluktot ng mga estadistika ng gubyerno, nalantad rin sa pagsusuri ng mga estadistika ang masahol pang pandaraya at pananabotaheng ginagawa ng mga dayuhang kumpanya sa bansa.

Lumalabas sa imbestigasyon ng oversight committee ng kongreso na itinatago ng naturang mga kumpanya ang pagluluwas ng kapital sa pamamagitan ng pagpapalobo ng iniuulat na halaga ng kanilang mga eksport, kahit walang pumapasok na bayad at walang katiyakang may papasok na katumbas na bayad dahil sa pamamaraang consignment o pagpapabayad na lamang kapag ang mga "eksport" ay maidispatsa sa mga mother company (punong kumpanya) ng mga kumpanya sa eksport. Samantala, ang datos sa importasyon ay pinaliit sa pamamagitan ng hindi pagsasama sa kwenta ng mga produktong dumaan sa mga tax-free zones (tulad ng mga export-processing zone), pangunahin na mga pyesang elektronik at iba pang hilaw na materyales para sa lokal na industriyang pang-eksport. Tinatayang sa ganitong paraan, aabot sa $47.8 bilyon ang madayang inilabas mula sa bansa ng mga dayuhang kumpanya mula 1999 hanggang 2001.

Para sa 2002, tinatayang sa minimum ay aabot sa $11.4 bilyon ang inilabas ng mga naturang kumpanya sa gayon ding paraan.

"Maling kalkulasyon". Sa harap ng pagkwestyon ng IMF, mga internasyunal na bangko pati na rin ng ilang mga kongresista, pinalalabas na lamang ng rehimen na nagkaroon lamang ng pagkakamali sa kalkulasyon at hindi sadya ang pagduduktor. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, di sinasadyang napasobra ang datos sa pag-eeksport at masyadong napaliliit naman ang mga datos sa pag-iimport. Ayon sa BSP, lalabas na mula pa taong 2000 ay di makatotohanang napalalaki ang diumanong sarplas sa labas-masok ng kalakal at kita ng bansa.

Ngunit ayon kay Rep. Joey Salceda, tagapangulo ng oversight committee ng kongreso na nagsisiyasat sa mga anomalya sa estadistika ng gubyerno, masyadong malaki ang pinag-uusapang halaga para sabihing simpleng nagkamali sa kalkulasyon.

Sadyang hindi sinasalamin ng magagandang numerong inianunsyo ni Macapagal-Arroyo ang katotohanang dumaranas ng matinding kahirapan ang mamamayang Pilipino.

 


Previous articleBack to topNext article

Pebrero 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal: Para sa pagsuporta nito sa pang-uupat ng gera sa Iraq
Pagbayarin ang rehimeng Macapagal-Arroyo!

Malawak ang pandaigdigang pagtutol sa pananalakay sa Iraq
Mga tampok na kilos protesta
Mga kilos-protesta sa Pilipinas laban sa bantang gera ng US sa Iraq, lumalawak
Ang kriminal at kontra-rebolusyonaryong si Romulo Kintanar, pinarusahan
Macapagal-Arroyo, hayagan nang pumabor sa cha-cha
Pandaraya sa mga estadistikang pang-ekonomya, nabunyag
Ang krisis na ikinukubli ng pandirigma ni Bush
Mga Ulat Koresponsal:
Pakikibakang agraryo sa Cagayan at Isabela:
Kampanya sa pagpapataas ng presyo ng mais, tagumpay

Mga Ulat Koresponsal:
Lupang inagaw, binawi ng mga magsasaka sa Isabela

Mga Ulat Koresponsal:
Kampanyang magsasaka sa Ilocos Region, lumalawak

Mga Ulat Koresponsal:
Paano binawi ni Mang Ador ang kanyang lupa

Dekada '70: Pelikulang may panlipunang kabuluhan
Balita
Bilang pagtutuwid
Mensahe sa mga manggagawa ng PLDT

Pagtutuwid
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.