![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
TINANGKANG patayin ng mga elemento ng 41st IB ang ilang lider-magsasaka sa Baggao, Cagayan noong Hulyo 1. Pinagtataga ng mga sundalo sa harap mismo ng kampo ng RSOT/41st IB sina Benito Abarientos, Isabelo Adviento, Ronald Reyes at Joey Javier. Halos mahiwalay ang isang braso ni Javier at maraming taga ang iba�t ibang bahagi ng kanyang katawan. Sina Adviento at Reyes ay nakatakbo at humingi ng tulong sa mga mamamayan upang dalhin sa ospital si Javier. Si Javier ang tagapangulo ng CAGUIMUNGAN, isang progresibong alyansa ng mga magsasaka sa prubinsya. Makailang ulit na tinangkang patahimikin ng 41st IB ang militansya at pagkilos ng mga magsasaka sa Cagayan sa pamamagitan ng paghahasik ng matinding panunupil at pandarahas. Sa harap ng matinding militarisasyon sa kanilang lugar, nananatiling maningning ang rekord ng mga magsasaka ng Baggao sa militanteng pagtataguyod ng kanilang mga karapatan at matatagumpay na pagkamit ng benepisyo at kagalingang panlipunan. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|