Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mula sa tagapaglathala:
Bagong kapasyahang muling ilathala ang Ang Bayan

Mayroong bagong kapasyahang ilabas ang Ang Bayan (AB) nang madalas�sa abot ng kaya at tuwing kinakailangan�alinsunod sa pangkalahatang linya ng bagongdemokratikong rebolusyon, sa patnubay ng Marxismo-Leninismo- Maoismo at ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto. Muling binuo ang patnugutan at patuloy itong palalakasin. Ang Komite Sentral, bilang tagapaglathala, ay determinadong ilabas nang regular ang mga isyu.

Lubos na kinakailangan ang paglalathala ng AB upang magsilbing balangkas (scaffolding: metapora ni Lenin) sa pagbubuo ng Partido. Ang AB ay nagbibigay ng impormasyon at edukasyon sa kasapian ng Partido at gumaganap ng napakaimportanteng papel sa pag-oorganisa ng Partido.

Mula nang muling itatag ang Partido noong 1968, itinuring ang AB bilang esensyal at mayor na instrumento sa pagbubuo ng Partido at sa rebolusyonaryong pakikibaka. Ang mga proletaryong rebolusyonaryong kadre ay natututo sa �Ano Ang Dapat Gawin� ni Lenin hinggil sa mapagpasyang halaga ng pahayagan ng Partido.

Nakahihinayang na sa maramiraming taon, paminsan-minsan at bihira lamang na nailabas ang AB. Ganito ang nangyari kahit noong mahigpit na kinakailangan ang AB bilang kasangkapan sa pagpuna at pagtatakwil sa malulubhang pagkakamali ng mga ayaw magwastong oportunista at taksil sa pagsulong ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto, gayundin sa paglaban sa pinaigting na digmang sikolohikal ng kaaway.

Bilang opisyal na pahayagan ng Komite Sentral ng Partido, ang AB ay nag-uulat ng mga pahayag at desisyon ng Komite Sentral, ng rebolusyonaryong gawain ng Partido at iba pang rebolusyonaryong pwersa, iba�t ibang pakikibaka ng masa at pinakamakabuluhang mga pangyayari sa bansa at daigdig.

Sisikapin ng AB na maagap na ibalita ang mga taktikal na opensiba sa digmang bayan, iba�t ibang anyo ng paglaban ng masa, mga pagsulong sa gawaing masa, pagpapatupad ng patakaran sa nagkakaisang prente, mga pagsusuri sa maiinit na isyu sa kasalukuyan at mga opinyon ng mga mambabasa nito.

Sasalaminin ng mga balita at artikulo ng AB ang mga prinsipyo, linya at patakaran ng Partido. Ngunit matagumpay lamang na magagawa ito kapag kongkreto ang paraan at tumpak ang mga datos. Ang layunin ay di lamang salaminin ang mga pangyayari kundi bigyang-inspirasyon din ang buong Partido at rebolusyonaryong masa na sumulong sa rebolusyonaryong pakikibaka.

Bilang pahayagan ng buong Partido sa ilalim ng direksyon ng Komite Sentral, ang AB ay determinadong gawing napapanahon, nagpapabatid at nagtuturo ang mga ulat at pagsusuri nito. Lagi itong handang tumanggap at maglathala ng mga ulat at opinyon mula sa kasapian ng Partido at masa.

Ang nilalaman at estilo ng AB ay naglilingkod sa pangkalahatang kasapian ng Partido at rebolusyonaryong masang manggagawa at magsasaka. Sisikaping simple, direkta at matalas ang estilo nito. Dapat madali itong isalin sa iba�t ibang wika ng Pilipinas.

Upang maging mahusay at epektibo sa kanilang gawain, ang patnugutan ng AB ay umaasa hindi lamang sa kanilang sariling kakayahan at pagsisikap kundi pati sa lambat ng mga koresponsal at kontribyutor ng mga ulat at maiikli pero malinaw na mga artikulong mapanuri.

Hinihimok at hinihikayat ng AB ang lahat ng namumunong komite ng Partido, lahat ng pamatnugutan ng Bagong Hukbong Bayan at namumunong komite ng mga rebolusyonaryong organisasyong masa na maagap na magpaabot ng mga ulat hinggil sa mga pangyayari at aktibidad na ipinapalagay nilang nararapat ilathala.

Syempre pa, ang mga pinuno ng mga organo sa propaganda at patnugot ng iba�t ibang rebolusyonaryong pahayagan ay kailangang magpadala sa patnugutan ng AB ng mga materyal na pwedeng ilathala. Nagtatalaga ang pahayagang AB ng mga regular na koresponsal mula sa mga kadre sa gawaing propaganda at maaasahang kontribyutor.

Maaaring magpadala ng mga artikulo at materyales sa AB ang mga koresponsal at kontribyutor sa pamamagitan ng mga lihim na sistema ng Partido. Maaari ring ipadala ang mga ito sa mga �web site� ng NDFP sa Internet sa ligtas na paraan. Ang mga ito ay ipoproseso ng patnugutan para mailathala sa AB.

 


Previous articleBack to topNext article

00 Abril 1998
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Erap Kontra Mahirap

Mula sa tagapaglathala:
Bagong kapasyahang muling ilathala ang Ang Bayan
Ang pagbabalik ng mga Marcos sa poder
KS: Arestuhin ang mga alipures ng diktador
Rebolusyonaryong Kilusan sa Gitnang Luzon
Pagbangon at Pagpapanibagong-Lakas

Nueva Ecija: Matingkad na Pagsulong
Tungkol sa mga Buladas ng Triong Magdangal-Bill-Olive
Hambalos ng "Globalisasyon" at Krisis sa Manggagawang Pilipino
Rebolusyonaryong Kilusang Lihim sa Pabrika, Sumusulong
25 Taong Tagumpay sa Rebolusyonaryong Nagkakaisang Prente
Paggalang sa karapatang-Tao:
Integral sa kondukta ng digmang-bayan

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.