Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Matatagumpay na opensiba ng BHB

 Read this article in English

Sunud-sunod na mga taktikal na opensiba, inilunsad ng BHB ngayong Agosto

Labing-walong sundalo ang napatay at di bababa sa limang malalakas na armas ang nasamsam sa anim na matatagumpay na taktikal na opensibang inilunsad ng BHB ngayong Agosto sa iba�t ibang dako ng Pilipinas. Anim ding sundalo ang nasugatan at limang maiikling armas ang nasamsam, bukod sa iba pang kagamitan.

Sa Quezon. Sinalakay nitong Agosto 19 ng mga Pulang mandirigma ng Apolonio Mendoza Command ng BHB ang barko ng Philippine Navy (PN) na nakadaong sa Barangay Ungos, Real, Quezon at ang kalapit na himpilan ng Philippine Coast Guard (CG).

Tanghaling tapat nang biglang paulanan ng mga bala ang barkong Patrol Fast Craft-352. Pagkatapos nito ay sinalakay ang hedkwarters ng CG sa Real, na may 50 metro lamang ang layo sa himpilan ng PN. Nasamsam ng BHB ang isang M60 light machine gun (LMG), isang 9 mm, dalawang .45 at dalawang M16.

Dalawang sundalo ang namatay at lima ang nasugatan sa reyd, kasama ang mga tropang panaklolo ng gubyerno.

Sa Oriental at Occidental Mindoro. Halos dalawang oras lamang pagkatapos ng pagsalakay sa Quezon, apat na elemento ng 19th Special Forces Company ang napatay nang pasabugan ng bomba ang kanilang sinasakyang dyip sa Barangay Malitbog, Bongabong. Kabilang sa mga namatay si 2Lt. Cayetano Curitana.

Dalawang sundalo at isang pulis naman ang namatay nang tambangan sila ng BHB sa Sablayan, Occidental Mindoro nitong Agosto 20.

Sa Davao Oriental. Tinambangan at napatay ang limang tropa ng Philippine Army 55th Engineering Brigade nito ring Agosto 19 sa Baganga, Davao Oriental. Isa pang sundalo ang nasugatan sa ambus na isinagawa ng 2nd Pulang Bagani Company.

Sa Catanduanes. Pinarusahan ng BHB noong Agosto 16 si Chief Insp. Loreto Tablizo, deputy director ng PNP sa prubinsya. Kalalabas ni Tablizo sa sabungan sa Barangay Valencia, Virac nang tambangan siya ng mga Pulang mandirigma.

Sa Negros Occidental. Tatlong sundalo ng 11th IB, kabilang ang isang upisyal, ang namatay sa ambus ng BHB sa Barangay Linuthangan, Canlaon City noong Agosto 6. Napatay sa ambus sina 1Lt. Geisson Regner, commanding officer ng Charlie Company ng 11th IB, S/Sgt. Edwin Alen, kumander ng detatsment sa Asay, La Castellana at isa pang sundalo. Lulan sila ng isang dyip patungong Moises Padilla nang sila�y tambangan. Nasamsam ang tatlong M16, isang .45, mga cellphone, bakpak at bota.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Agosto 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Tinatahak ng AFP ang landas ng kabiguan

Matinding korapsyon sa AFP
Ang garapal na pagpatay kay Jessica Chavez
Mga Ulat Koresponsal:
Pananaig ng rebolusyonaryong kilusan sa Southern Tagalog

Pagpapaigting ng pampulitikang interbensyon ng US sa bansa:
Paggamit sa prosesong pangkapayapaan

Tumitinding pakikibakang unyon sa SMC
Ka Bert Olalia�dakilang bayani ng uring manggagawa
Matatagumpay na opensiba ng BHB
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.