Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Matatagumpay na Opensiba ng BHB
27 armas, nasamsam ng BHB

 Read this article in English

Hindi bababa sa 27 armas ang nasamsam ng BHB mula sa kaaway sa loob ng nakaraang tatlong linggo.

Masbate, Pebrero 16. Tinambangan ng mga Pulang mandirigma sa ilalim ng Romulo Jallores Command ang mga tropa ng 506th PNP Provincial Mobile Group sa Barangay Bagtas, Milagros, Masbate. Bandang 2:30 ng hapon nang ang convoy ng pinagsanib na tropa ng PNP at Scout Rangers ay tamaan ng command-detonated land mine (eksplosibong itinanim sa lupa at kailangang sadyang pasabugin.) Siyam ang patay, kabilang si Sr. Insp. Santiago Tacordo Jr. at tatlo ang malubhang nasugatan sa panig ng 12-kataong PNP.

Ilocos Sur, Pebrero 16. Sinalakay ng BHB ang isang Special Operations Team (SOT) ng 50th IB na humimpil sa Barangay Hall ng Quibit-Quibit, Sinait. Napatay ang timlider nitong sarhento habang sugatan ang tatlong korporal.

Negros Occidental, Pebrero 15. Nilusob ng mga kasapi ng Boy Gatmaitan Command ng BHB-Negros ang detatsment ng CAFGU sa Barangay Mahalang, Himamaylan City. Nasamsam ng mga gerilya ng BHB ang tatlong M14 at tatlong garan bago sila umatras. Dalawang Pulang mandirigma, sina Ka Ricky Agrava at Ronnie Chavez ang namatay sa labanang ito. Walo ang sugatan sa panig ng AFP.

Compostela Valley, Pebrero 14. Sinalakay ng walo-kataong yunit ng BHB ang "Linda" Detachment ng 1102nd Police Provincial Mobile Group sa Barangay Fatima, Nabunturan. Napatay ang isang pulis sa unang bugso ng putukan. Isa pang elemento ng CAFGU ang namatay habang dinadala sa ospital. Nasugatan ang isa pang pulis at isang babae na noo'y nasa loob ng detatsment. Nag-alay ng buhay ang isang gerilya ng BHB sa taktikal na opensibang ito.

Nakasamsam ang mga Pulang mandirigma ng tatlong M16, dalawang M14 at isang .45 pistola.

Quezon, Pebrero 9. Inambus ng BHB ang deputy chief ng Mauban PNP noong Pebrero 9 sa mismong sentro ng bayan. Ayon sa pahayag ng Apolonio Mendoza Command, si SPO3 Paulino Mancenido ay protektor ng iligal na droga, iligal na pangingisda, iligal na logging at ekstorsyon.

Kalinga, Pebrero 6. Sumuko matapos masorpresa ang mga elemento ng CAFGU sa ilalim ng 77th IB nang salakayin ng isang platun ng BHB ang kanilang kampo sa Barangay Limos, Pinukpuk noong Pebrero 8. Sa unang bugso ng mga putok, kumaripas ng takbo ang mga nasorpresang mga elemento ng Philippine Army at CAFGU habang nasugatan ang dalawang paramilitar. Nakakumpiska ng 13 ripleng M14 na may 1,319 bala, 1 Garand na may 81 bala at isang Motrola VHF radyo. Bago umatras, sinunog ng BHB ang kampo ng kaaway.

Cagayan, Pebrero 1. Limang sundalo ng 17th IB at isang elemento ng CAFGU ang agad na namatay sa unang bugso ng putukan nang ambusin sila ng Danilo Ben Command ng BHB sa kanlurang Cagayan. Naklining din ang isang M16 sa pananambang na inilunsad sa Barangay Illuru Sur, Rizal.

Nagpapatrulya ang mga tropa sa mga baryo ng Rizal, Piat, Sto. Ni�o at Lasam nang tambangan sila ng BHB.

Oriental Mindoro, Enero 25. Isang platun ng BHB ang matagumpay na nakipagsagupaan sa mga tropa ng 19th Special Forces Company sa Sityo Gumatos, Barangay Hagan, Bongabong. Nasukol sa ambush site ang mga sundalo nang habulin ng mga ito ang isang kasama na nagsilbing pain. Napatay ang tatlong elemento ng SFC habang ilan pa ang nasugatan.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Pebrero 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Marami pang liko't ikot ang daraanan ng usapang pangkapayapaan

Mga pakinabang ng mamamayan mula sa kasunduan sa Oslo
Mga kinatawan sa JMC, hinirang
Mga aktibista para sa karapatang-tao, pinaslang ng militar
Karahasan laban sa mga progresibong kandidato at partido
Matatagumpay na Opensiba ng BHB
27 armas, nasamsam ng BHB
Mga Ulat Koresponsal:
Pagpaparami ng mga guro ng rebolusyon sa Camarines Sur

Mga Ulat Koresponsal:
Ka Basil, dakilang rebolusyonaryo

Mga Ulat Koresponsal:
Mapait ang asukal sa Negros

Laban sa imperyalistang globalisasyon at gerang agresyon:
Mumbai Resistance 2004, matagumpay na idinaos

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.