Mga tampok na kilos protesta
Indonesia, Pebrero 9: Umabot sa 50,000 ang nagprotesta sa harap ng embahada ng US. Ito ang pinakamalaking kontra-gerang rali sa Indonesia.
Switzerland, Enero 26: Nagrali ang may 1,500 demonstrador sa World Economic Forum habang nagtatalumpati roon si US State Sec. Colin Powell.
Indonesia, Enero 26: Nagrali sa tapat ng embahada ng US ang may 2,000 katao upang tuligsain ang balak nitong pagsalakay sa Iraq.
Greece, Enero 26: Libu-libong mamamayan mula sa iba�t ibang grupo ang nagrali sa bahaging timog ng bansa.
Australia, Enero 25: Halos 1,000 ang nagrali sa Australia kasabay ng pagpapadala ng gubyernong Australyano ng mga sundalo sa Middle East bilang suporta nito sa US.
Germany, Enero 25: Libu-libo ang nagmartsa sa mga lansangan ng iba�t ibang syudad rito. Hinarangan ng mga demonstrador ang daan sa isang pasilidad ng NATO at nagpiket sila sa tapat ng mga gusali ng US. Umabot sa 10,000 ang lumahok sa protesta sa syudad ng Cologne.
France, Enero 19: Umabot sa 200,000 ang nagrali sa Paris at 41 pang syudad ng France. Sa Paris, 25,000 ang nagmartsa.
Japan, Enero 19: Nagmartsa ang 5,000 sa sentral na distritong komersyal ng Tokyo.
Scotland at London, Enero 19: Umabot sa 10,000 ang naglunsad ng magkakahiwalay na martsa.
Ireland, Enero 19: Mahigit 2,000 ang nagprotesta sa desisyon ng gubyerno nilang gamitin ng US ang Shannon Airport laban sa Iraq.
Spain, Enero 19: Umabot sa 30,000 ang nagrali sa Madrid.
Belgium, Enero 19: Mga 10,000 ang nagmartsa sa Brussels.
Sweden, Enero 19: 4,000 ang nagrali sa Gottenburgh. "Drop Bush, not bombs!" ang sigaw nila.
Syria, Enero 19: Mga 15,000 ang nagmartsa sa sentrong lunsod.
Egypt, Enero 19: May 1,000 ang nagrali sa lunsod ng Cairo at nanawagang huwag pahintulutang gamitin ng US at Great Britain ang Suez Canal.
Lebanon, Enero 19: Nagrali ang 8,000 sa tapat ng mga upisina ng United Nations sa Hilagang Beirut.
Russia, Enero 19: Daan-daan ang nagrali sa tapat ng embahada ng US.
Italy, Enero 18: Nagtipon ang 5,000 nagpoprotestang Italyano sa syudad ng Florence. Nagkaroon din ng mga protesta sa mga syudad ng Milan, Bologna, Rome at Naples.
U.S.A., Enero 18-19: Itinakda ng iba�t ibang grupo sa US na koordinadong pambansang araw ng protesta ang mga araw na ito bilang paggunita sa alaala ni Martin Luther King, isang lider-aktibista na nanguna sa kilusan ng mamamayan laban sa pang-aapi sa mga katulad niyang African-American at sa gera ng US sa Vietnam.
Ayon sa ANSWER, pandaigdigang koalisyon na nag-organisa sa rali, umabot sa 500,000 ang nagrali sa Washington, DC. Isa ito sa pinakamalalaking rali na naganap sa kasaysayan ng US matapos ang gera sa Vietnam noong dekada 1970. Tampok ang paglahok dito ng maraming Pilipinong nakatira sa US. Umabot din sa 350,000 ang nagrali sa San Francisco at puu-puong libo pa sa 38 syudad sa US.
Canada, Enero 18: Hindi bababa sa 52,000 katao ang nagrali sa 30 syudad ng Canada. Pinakamalaki rito ang rali sa Montreal (25,000) at Vancouver (15,000).
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|