Nueva Ecija: Matingkad na PagsulongIsa ang Nueva Ecija sa mga lalawigan ng Gitnang Luzon na nakapagkakamit ng matitingkad na pagsulong. Ang bilang ng kasapi ng Partido at tauhan ng Hukbo na dating pabawas ay muling napalaki nang mahigit 10% mula 1996 hanggang 1997. Lumawak nang halos isa at kalahating ulit ang mga rebolusyonaryong organisasyong masa. Lumawak din nang may 10% ang bilang ng baryong saklaw ng mga larangang gerilya. Napanatili ang pagkilos sa mga estratehikong lugar tulad ng mga bahaging mabundok at maburol at dugtungan ng mga munisipalidad. Nabalikan din ang ilang eryang pansamantalang naiwan dahil sa tindi ng atake ng kaaway.
Mahalagang banggitin na napakilos sa lalawigan ang maraming bilang ng masang aktibista na masiglang umako ng mga mapagsakripisyong responsibilidad sa gawaing rekoberi na dati ay nakasentro sa maliit na bilang ng mga kadre at kasapi ng Partido.
Naging inspirasyon din ng maraming kadre, pwersa at masa sa prubinsya ang mga naisagawang taktikal na opensiba ng Hukbo, lalo na ang dalawang matagumpay na ambus na magkasunod na inilunsad noong 1997 sa Carranglan at Cuyapo.
Bukod rito, nakapaglulunsad ng maliliit na aksyong militar kung saan naparurusahan ang mga sagad-saring impormer at masasamang elemento na perwisyo sa masa. Nitong Enero 24, pinarusahan si SPO1 Eleony �Ely� Cariaga sa Caliwanagan, San Jose City. Si Cariaga, na nakatalaga sa 308th PNP Mobile Group ay isang pusakal na pulis na maraming utang na dugo sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan. Bago nito, pinarusahan ang upisyal sa paniktik na si ret. PNP Insp. Celedonio Baniaga noong Enero 12 sa Pulong Mayaman, Aliaga.
Maging ang pagkasawi ng dalawang mandirigma sa isang depensibong laban noong Hulyo 17, 1997 ay natransporma sa pampulitikang tagumpay dahil sa pagtaas ng mapanlabang diwa at militansya ng masa, kamag-anak at kaibigan sa ginawang parangal sa mga nasawi. Higit sa lahat, kagyat na hinalinhan ang dalawang kasama ng anim na kabataang nagboluntaryong sumapi sa Hukbo.
Sa hayag na kilusang masa, mula Agosto 1996 ay nagmarka sa lalawigan ang papalaking bilang ng masigla, pili at mapangahas na pagkilos. Breyktru sa panahong ito ang pagtindig-sa-sarili (self-reliance) ng mga pagkilos at pagtamasa ng makabuluhang suporta mula sa masa at alyado. Nagsilbing militanteng paaralan ang mga pagkilos sa mga kalahok na naging batayan upang sila�y maorganisa sa kilusang lihim at marekrut sa Bagong Hukbong Bayan. Sa partikular, nasimulan na ang pagdeploy sa kanayunan ng mga kadre at aktibista mula sa hanay ng kabataan-estudyante sa lalawigan. Inaasahang magpapatuloy ang pagsapi ng paparaming bilang ng kabataan-estudyante sa Hukbo.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|