![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Sumasahol ang kundisyong pang-ekonomya ng mga manggagawa sa Tsina sa kasalukuyan. Hinahagupit ng mga neoliberal na patakarang kaakibat ng monopolyong kapitalistang globalisasyon ang industriya at agrikultura nito na lalong nagpapako sa kanilang napakababang sahod. Isinasapribado ang mga pampublikong empresa. Nakatuon sa pag-eeksport ng kalakal
Ito ang isa sa mga anyo ng panunumbalik ng kapitalismo sa Tsina. Ang tawag dito ng mga rebisyunista ay �sosyalismo na may mga katangiang Tsino�. Katunayan, ito ay tahasang pagbaluktot sa teorya at praktika ng syentipikong sosyalismo. Ito ay pagpapahirap at pagsupil sa karapatan ng mga manggagawang Tsino. Busabos na kalagayan Matindi ang tama sa mga manggagawang Tsino nang ibukas ng mga rebisyunistang rehimen ang Tsina sa dayuhang pamumuhunan. Pinanatiling napakamura ng lakas-paggawa bilang insentibo sa mga imperyalistang dayuhan na mamuhunan sa bansa. Ang mga manggagawa sa Shanghai, sentro ng komersyo sa Tsina, ay sumasahod lamang ng $0.90 bawat oras (sa Pilipinas, ang minimum na sahod ng mga manggagawa ay $1.30/oras) na siyang pinakamababa sa buong Asya. Kulang na kulang ito para umagapay sa patuloy na tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin. Umaabot na sa 33% ang tantos ng kawalang-hanapbuhay sa Tsina sa kasalukuyan. Sa mga lunsod, 15.4-16.4 milyong katao ang walang trabaho noong 1998. Humigit-kumulang, tatlo hanggang apat na milyon ang bilang ng mga manggagawang tinatanggal tauntaon. Tinatayang 24 milyon sa 150 milyong empleyado ng estado ang matatanggal sa susunod na 15 taon dahil 300,000 empresa ng estado ang naghihingalo na noon pa mang Marso. Gayundin, sa kanayunan ay tinatayang aabot sa 300 milyong mamamayan ang mawawalan ng hanapbuhay bunga ng pagpapalit-gamit ng mga lupain. Kayat katulad ng desperadong mga Pilipino, libu-libo ring Tsino ang dumadayo sa iba�t ibang bahagi ng Asya at Europa upang maghanap ng ikabubuhay. Samantala, ang mga manggagawang Tsinong may trabaho ay nakararanas ng masahol na kundisyon sa paggawa, kawalan ng benepisyo, mababang sahod at panunupil sa mga karapatan. Noong 1995, 61% ng mga empleyado sa mga empresa ang namamasukan nang higit sa anim na araw bawat linggo at mahigit sangkatlo ang pinipilit na magobertaym nang walang sahod. Wala ring proteksyon ang mga manggagawa sa maraming maliliit na pabrikang dayuhan laban sa nalalanghap nilang nakalalasong kemikal. Paparami ang mga manggagawang namamatay sa gitna ng pagtatrabaho. Mula 1991-93 lamang, 60,000 ang namatay sa mga pagawaan bunga ng napakahirap na kundisyon, kakulangan ng mga protective gadget at mga aksidente. May mga pabrika rin na nagkukulong ng mga manggagawa sa loob upang hindi umano makapagnakaw. Nagiging sanhi ito ng
Inalisan na ng benepisyo ang mga manggagawa gaya ng pabahay, seguro (insurance) at libreng edukasyon bago mabilang sa pwersang paggawa. Dagdag na pahirap ito sa kakarampot na sahod na tinatanggap nila. Ang gubyernong Tsino sa kasalukuyan ang tumatayong punong tagapagpatupad ng sistemang kontrakwal. Sa Shanghai, 98% na ng mga manggagawa sa mga empresang estado ang nasa ganito nang katayuan. Ang welga na pangunahing instrumento ng mga manggagawa upang labanan ang kapitalista ay tahasang ipinagbawal. Nakasaad na noon pa mang 1979 sa konstitusyon ng Tsina ang pagbabawal sa welga. Ipinagbawal din ang mga independyenteng unyon at sa halip ay mga asosasyon ng mga manggagawang kontrolado ng kapitalista at maneydsment ang binubuo. Masugid na binabantayan ng mga awtoridad ang pagbubuklod ng mga manggagawa sa loob at labas ng mga pabrika. Sa kabilang banda, pinalawak ang kapangyarihan ng mga manedyer na magtanggal at magdikta ng sahod ng mga manggagawa. Pagbaluktot sa sosyalismoSa kasalukuyang sitwasyon ng mga manggagawa sa Tsina, wala nang masisilip na bahid ng sistemang sosyalista. Ang mababang sahod, mahirap na kundisyon sa paggawa at kawalan ng benepisyo ay pinananatili ng estado at ginagawang pang-engganyo sa mga dayuhang mamumuhunan. Ang mga manggagawa ay pinagtatrabaho para sa pagkakamal ng tubo ng pribadong sektor at sa burukratikong korupsyon. Wala nang papel ang mga manggagawa sa pag-oorganisa ng produksyon dahil nakabatay itong muli sa pagpiga ng labis na halagang nililikha ng mga manggagawa at nakatuon sa dayuhang pamilihan. Taliwas ito sa sosyalistang prinsipyo na nagtatrabaho ang mga manggagawa batay sa isang sentralisadong planong tumutugon sa mga pangangailangan ng buong lipunan. Organisado ang mga manggagawa at nagtatamasa ng mga benepisyo at subsidyo mula sa sosyalistang estado. Sa panahon ng pamumuno ni Tagapangulong Mao Zedong, tiniyak ang habambuhay na kasiguruhan sa trabaho sa pamamagitan ng mahusay na pagpaplano ng ekonomya. Mayroon ding panahon sa pag-aaral at paglilibang ang mga manggagawa. Malayo na ang iniatras ng Tsina. Subalit hindi nawawalan ng saysay ang pag-unlad na natamo ng mga manggagawang Tsino sa 27 taon ng sosyalistang rebolusyon. Magsisilbi itong tanglaw upang kanilang labanan ang pagsasamantala at pang-aapi ng mga makabagong rebisyunistang naghaharing uri. ![]()
| ||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|