Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Editoryal:
Ang mga tungkulin ng rebolusyonaryong kilusan kaugnay ng reaksyunaryong eleksyong 2001

 Read this article in English

Ang eleksyon sa Mayo 2001 ay isang reaksyunaryong eleksyon na nasa ilalim ng kontrol ng mga mapagsamantala at mapang-aping uri. Bagamat hindi tuwirang lalahok dito, ang Partido at ang Bagong Hukbong Bayan ay magsasagawa ng mga hakbangin upang epektibong makialam sa reaksyunaryong eleksyon tungo sa pagkamit ng mga rebolusyonaryong layunin.

Gagamitin ng mga rebolusyonaryo at progresibong pwersa ang lahat ng pagkakataon upang ihiwalay at labanan ang sagadsaring mga reaksyunaryo, lalong palakasin ang rebolusyonaryong armadong kilusan at ang mga pakikibakang masa para sa tunay na pagbabagong panlipunan. Kaalinsabay nito, isasagawa rin ang mga lihim at di pormal na paraan ng pakikipagtulungan sa mga mapagkaibigan at progresibong kandidato upang manalo sa halalan at buksan ang larangan ng pagkilos sa loob ng reaksyunaryong parlamento bilang karagdagang larangan ng pakikibaka.

Hindi lulutasin ng eleksyong 2001 ang masidhing krisis ng naghaharing sistema. Dahil sa walang lubay na pukpukan ng mga nagtutunggaling paksyon, pinakamalamang na ang eleksyon sa Mayo ay magiging isa sa pinakamarumi, pinakamarahas at kung saan nagaganap ang pinakagarapal na dayaan. Bagamat maaari itong magsilbi tungo sa konsolidasyon ng rehimeng Macapagal-Arroyo sa pamamagitan ng pagpapapanalo ng mga kandidato, ang tindi ng dayaan at karahasan sa darating na eleksyon ay tiyak na magbubunga ng mas maiigting na banggaan ng mga nagtutunggaling reaksyunaryong paksyon.

Sa pamamagitan ng kontrol sa kayamanan, pulis at militar, sa burukrasya at masmidya, ipinaiilalim ng mga reaksyunaryong naghaharing uri sa kanilang kapangyarihan ang eleksyon sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng kontrol na ito, epektibong inaalis ng reaksyunaryong sistema ang anumang posibilidad na makabuluhang makalahok sa eleksyon ang mga partido o grupong kumakatawan sa interes ng masang anakpawis.

Ang mga reaksyunaryong eleksyon ay may layuning lumikha ng ilusyon ng demokrasya gayong ang katotohana�y nakapangyayari ang makauring diktadura ng mga mapang-api�t mapagsamantala. Malaking panlilinlang ang sinasabing may demokratikong karapatan ang mamamayan dahil maaari silang pumili sa dalawa o higit pang partido samantalang ang epektibo lamang na nakalalahok dito ay ang malalaking reaksyunaryong partido. Ang pagbibigay ng limitadong puwang na makalahok ang ilang progresibo at pangmasang organisasyon at partido ay nagsisilbi rin sa panlilinlang na ito.

Sa pangunahin, ang reaksyunaryong eleksyon ay isang paligsahan sa pagitan ng mga nagtutunggaling paksyon ng naghaharing uri upang pagpasyahan kung sino sa kanila ang mangingibabaw at kung papaano nilang pagsasaluhan ang pakinabang ng pampulitikang kapangyarihan.

MGA TUNGKULIN NG REBOLUSYONARYONG KILUSAN SA PANAHON NG ELEKSYON

Nananatiling sentral na tungkulin ng Partido Komunista, ng Bagong Hukbong Bayan at buong rebolusyonaryong kilusan na isulong ang armadong pakikibaka upang ibagsak ang imperyalistang dominasyon at ang makauring diktadura ng malalaking burgesyang kumprador at malalaking panginoong maylupa. Kung kaya�t hindi ito maaaring tuwirang lumahok sa reaksyunaryong eleksyon.

Gayunpaman, sasamantalahin nito ang mga pagkakataong bubuksan ng eleksyon upang ibayong paigtingin ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka, isulong ang mga pakikibakang masang anti-imperyalista, antipyudal at antipasista, higit na palakasin ang impluwensya ng rebolusyonaryong kilusan at palawakin ang pambansang nagkakaisang prente. Sa partikular, maaari itong makialam sa eleksyon sa pamamagitan ng mga paraang lihim at di pormal at makabuluhang impluwensyahan ang resulta nito na may layuning ihiwalay at biguin ang sagadsaring reaksyunaryong kandidato, manalo ang mga kandidatong progresibo at mapagkaibigan upang magamit bilang karagdagang larangan ng pakikibaka ang pagkilos sa loob ng reaksyunaryong parlamento.

ILANTAD ANG REAKSYUNARYONG KATANGIAN NG ELEKSYON. Kinakailangang ipakita sa masa na ang eleksyon ay isang pampulitikang instrumento na nasa kontrol ng mga reaksyunaryong naghaharing uri at ginagamit para sa pagpapatibay ng kanilang paghahari. Kailangang ilantad ang panlilinlang na sa pamamagitan ng eleksyon ay mayroong demokratikong karapatan ang mamamayan na mamili ng mga tao sa gubyerno sa pamamagitan ng paglalantad sa iisang esensya ng malalaking partidong pampulitika na pawang maka-imperyalista at nagtataguyod sa interes ng malalaking burgesyang kumprador at panginoong maylupa.

Kailangang pawiin ang repormista at parlamentaristang ilusyon na makakamit ang pundamental na pagbabagong panlipunan sa pamamagitan ng eleksyon. Kailangang bigyang partikular na pansin ang paglalantad sa teorya ng ebolusyunismo na pinalalaganap ng mga kontra-rebolusyonaryong �ikatlong pwersa� na makakamit ang pagbabago sa dahan-dahang pagpapalakas ng impluwensya sa loob ng parlamento at burukrasya. Kailangang ilinaw ang sentral na halaga ng rebolusyonaryong armadong pakikibaka sa pagkamit ng tunay na pagbabago na hinahadlangan pangunahin ng reaksyunaryong armadong pwersa; at ang sekundaryo ngunit esensyal na importansya ng iba�t ibang anyo ng di armadong pakikibaka � at ang pagiging pangunahin ng pag-oorganisa at sama-samang pagkilos ng masa kumpara sa lahat ng anyo ng pakikibakang di armado.

Habang maaaring magkaroon ng iba�t ibang paraan ng lihim at di pormal na paghikayat at pagsuporta sa mga patriyotiko at progresibong indibidwal at partido sa kanilang paglahok sa halalan, kailangang magsikap ang Partido at mga rebolusyonaryong pwersa na ilinaw sa kanila at sa masang boboto ang magiging mga limitasyon ng gawain sa loob ng reaksyunaryong parlamento at burukrasya.

PAIGTINGIN ANG ARMADONG PAKIKIBAKA. Kinakailangang tuluy-tuloy na isulong ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka at basagin ang ilusyon na umiiral ang matiwasay at demokratikong kaayusan sa harap ng malawak na pagpapahirap sa masa at pamamayani ng karahasan at kriminalidad sa iba�t ibang antas ng estadong neokolonyal.

Kinakailangang tuluy-tuloy na paigtingin ang malalaki at maliliit na taktikal na opensiba laban sa AFP at PNP. Patuloy na sunggaban ang lahat ng pagkakataong magdulot ng mga sugat at bigwas laban sa mga reaksyunaryong armadong pwersa at palakasin ang Bagong Hukbong Bayan. Kinakailangang tuluy-tuloy na palawakin ang rebolusyonaryong baseng masa sa kanayunan at isulong ang mga pakikibakang antipyudal ng masang magsasaka.

Ang mga pusakal na kaaway ng bayan ay hindi dapat pabayaang mamayagpag na walang pananagutan sa kanilang mabibigat na krimen laban sa mamamayan. Sinupin at ilathala ang mga sakdal laban sa kanila. Labanan at wasakin ang kanilang pampulitika at armadong makinarya at kampanya na manatili o makaupo sa poder. Sa abot ng makakaya, isakatuparan ang pagparusa sa kanila.

Kailangang lalong sinupin at mas palawakin pa ang pagsasakatuparan ng pangungulekta ng kabayaran sa pahintulot na makapangampanya ang mga kandidato sa mga teritoryong nasa ilalim ng rebolusyonaryong kapangyarihang pampulitika. Sa ating karanasan, ang mga sinisingil ng ganitong kabayaran ay mas madalas na tumatalima kaysa lumalabag dito. Yaong lumalabag ay nararapat na gawaran ng angkop na parusa. Ang patakaran ng pagsingil ng kabayarang ito ay maaari ring gamitin para itaguyod ang mga taktikal na alyansa.

Gamitin ang lahat ng pagkakataon na makakalap ng armas at iba pang tipo ng suporta para sa rebolusyonaryong armadong pakikibaka.

PALAKASIN ANG MGA PAKIKIBAKANG MASA AT PALAWAKIN ANG NAGKAKAISANG PRENTE. Nasa mahusay na pusisyon ang kilusang masa na mas sumulong pa at makabuluhang impluwensyahan ang mga pangunahing labanan sa pulitika sa labas at loob ng reaksyunaryong eleksyon at parlamento. Nakasalalay ito sa tuluy-tuloy na pagkilos ng masa sa lansangan at pagsusulong ng mga pakikibakang anti-imperyalista, antipyudal at antipasista.

Kinakailangang tuluy-tuloy na igiit ang mga hinaing ng mamamayan na nagbuklod sa kanila sa pag-aalsang EDSA 2. Sa pangunahin, kinakailangang tuluy-tuloy na igiit ang pag-aresto at pag-usig kay Estrada at sa kanyang mga pangunahing kasapakat laluna sa gitna ng mga maniobrang ligal at pampulitika upang iligtas si Estrada sa kaparusahan.

Kasabay nito, kailangang labanan ang mga anti-mamamayang patakaran at hakbangin ng rehimeng Macapagal-Arroyo at ipaglaban ang interes ng anakpawis kabilang na ang reporma sa lupa, karagdagang sahod, ang pagtigil sa pagtaas ng presyo ng langis at iba pa.

May iiral na malawak na puwang para sa gawaing alyansa dahil sa igting ng mga labanan sa panahon ng eleksyon at kahit pagkatapos nito. Kailangang gamitin ang mga puwang na ito mula sa lokal hanggang sa pambansang antas upang palaganapin ang panawagan para sa pagsasakatuparan ng adyenda ng mamamayan, lalong ihiwalay ang pinakareaksyunaryong mga kandidato at hadlangan ang kanilang pagpwesto sa poder at tulungan ang pagpwesto ng mga progresibo at mapagkaibigang kandidato.

Kailangang gamitin ang mga pagkakataon sa nagkakaisang prente upang lalong palawakin ang mga lihim at hayag na ugnay ng mga rebolusyonaryong pwersa at pagsilbihin ito sa ibayong pagpapalawak ng mga pagkakataon para sa pag-oorganisa at pagpapakilos ng masa. Kailangang gamitin ang mga puwang na binubuksan ng halalan upang maisakatuparan ito sa pinakamabilis na paraan.

 


 Back to topNext article

Pebrero 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Ang mga tungkulin ng rebolusyonaryong kilusan kaugnay ng reaksyunaryong eleksyong 2001
Lacson: Berdugo, trapo
Ang patuloy na pamamayagpag ng mga pamilya at kroni ni Joseph Estrada
Kailangang tumayo ang usapang pangkapayapaan sa pundasyon ng mga nakaraang kasunduan
Palayain ang lahat ng mga bilanggong pulitikal!
Balik-tanaw sa modelo ni Gloria Macapagal-Arroyo:
Ang papet na rehimeng Macapagal (1962-65)

Mga Ulat Koresponsal:
Balita mula sa rehiyon ng Cagayan Valley

Mga Balita ng Pakikibaka
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.