Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Dekada '70: Pelikulang may panlipunang kabuluhan

 Read this article in English

Pana-panahon, sumusulpot sa komersyalisadong mundo ng pelikulang Pilipino ang isang sineng tulad ng Dekada �70 na may pampulitika at panlipunang kabuluhan at mayroon ding mataas na kalidad at porma.

Mahusay na sinalamin ng pelikulang Dekada �70 ang mga kalagayan at pangyayari sa ilalim ng pasistang rehimeng US-Marcos -� ang malawak at mabagsik na panunupil, kalupitan at paglabag sa karapatang-tao; gayundin ang masidhing paglaban ng mamamayan. Sa simple ngunit malinaw na paraan, nailarawan ng pelikula ang panlipunan at pampulitikang krisis sa panahon ng diktadura na nagluwal ng pagragasa ng malawak na kilusang masa at pagdaluyong ng rebolusyunaryong kilusan.

Ang pelikula ay halaw sa nobela ni Lualhati Bautista na inilimbag noong 1983 at 1988. Nanalo ito ng Gawad Palanca noong 1983. Si Bautista rin ang nagsulat ng iskrip ng pelikula kaya nanatili itong tapat sa esensya at mensahe ng nobela. Ang pelikula ay isinali ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival (MMFF) noong Disyembre 2002.

Isinasalaysay ng sentral na karakter sa pelikula na si Amanda Bartolome (ang "ina ng tahanan" na ginampanan ni Vilma Santos) ang kasaysayan ng kanyang pamilya at kung paano sila namulat. Bagamat nakadiin ang pelikula sa pagtalakay ng matitingkad na mga usapin sa loob ng kanilang pamilya, nailarawan nito ang konteksto ng mga pangyayaring panlipunan at pangkasaysayan at ang interaksyon ng mga ito sa kanilang pag-unlad bilang mga indibidwal at bilang isang pamilya. Tampok sa istorya ang proseso ng unti-unting pagkamulat ni Amanda � sa buong dekada 1970 � mula sa pagiging babaeng kimi at sunud-sunuran tungo sa isang babaeng mulat na nakikisangkot sa mga usaping panlipunan.

Mahalaga ang naging papel sa kanyang pag-unlad ng panganay niyang anak na si Jules (Piolo Pascual) na naging aktibista at sumapi sa Bagong Hukbong Bayan; ng pagiging kritikal na manunulat ng anak niyang si Em (Marvin Agustin); at ng pagpatay ng mga pulis sa anak niyang si Jason (Danilo Barrios) na dinampot sa paglabag sa umiiral noong curfew.

Sa pagpapakita ng kanilang mga karanasan at pag-unlad ng kanilang kamulatan � pati na ng padre de pamilyang si Julian (Christopher de Leon) � bumukadkad sa pelikula ang drama ng isang pamilyang binagbag at pinagtibay ng krisis ng lipunan.

Ang pinakamatitingkad na mga eksena sa pelikula na nagtahi sa buong kwento ay ang umpisa at panghuling mga eksena kung saan matapang at militanteng naninindigan si Amanda sa isang rali. Sa unang eksena, inihalintulad ni Amanda ang kanyang sarili sa isang kamay na tagahele lamang ng sanggol sa duyan � walang ibang pinagkaabalahan kundi ang pag-alaga ng mga anak ngunit nagtatanong kung ito lamang ba ang kanyang kapalaran.

Militante niyang ipinamalas sa huling eksena ang paghihimagsik na kanyang nararamdaman sa diktadura. Tumindig siya hindi lamang bilang isang ina ng kanyang mga anak, kundi bilang isang babaeng mulat at nakikiisa sa marami pang ibang nagtatanggol at lumalaban para sa interes ng mga anak ng inang bayan.

Kabaligtaran sa nais palabasin ng mga kritiko na makabuluhan lamang ang pelikula sa panahong sinaklaw nito (mula kalagitnaan ng dekada 1960 hanggang unang bahagi ng 1980), sinasalamin ng Dekada �70 ang nagpapatuloy na realidad ng walang pakundangang paglabag ng estado sa mga karapatang-tao; ng unti-unting pagkakamulat ng maraming mamamayan dahil dito; ng mga kontradiksyong dinaranas ng mga pamilyang petiburges at ng pagtindig ng maraming inang katulad ni Amanda na namumulat at kumikilos para sa rebolusyonaryong pagbabago ng lipunan.

 


Previous articleBack to topNext article

Pebrero 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal: Para sa pagsuporta nito sa pang-uupat ng gera sa Iraq
Pagbayarin ang rehimeng Macapagal-Arroyo!

Malawak ang pandaigdigang pagtutol sa pananalakay sa Iraq
Mga tampok na kilos protesta
Mga kilos-protesta sa Pilipinas laban sa bantang gera ng US sa Iraq, lumalawak
Ang kriminal at kontra-rebolusyonaryong si Romulo Kintanar, pinarusahan
Macapagal-Arroyo, hayagan nang pumabor sa cha-cha
Pandaraya sa mga estadistikang pang-ekonomya, nabunyag
Ang krisis na ikinukubli ng pandirigma ni Bush
Mga Ulat Koresponsal:
Pakikibakang agraryo sa Cagayan at Isabela:
Kampanya sa pagpapataas ng presyo ng mais, tagumpay

Mga Ulat Koresponsal:
Lupang inagaw, binawi ng mga magsasaka sa Isabela

Mga Ulat Koresponsal:
Kampanyang magsasaka sa Ilocos Region, lumalawak

Mga Ulat Koresponsal:
Paano binawi ni Mang Ador ang kanyang lupa

Dekada '70: Pelikulang may panlipunang kabuluhan
Balita
Bilang pagtutuwid
Mensahe sa mga manggagawa ng PLDT

Pagtutuwid
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.