Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Sa Ibayong Dagat
Imperyalistang pananalakay sa Balkan Peninsula

 Read this article in English

Upang alisin ang lahat ng balakid sa pagtataguyod ng kapangyarihan nila sa Peninsula ng Balkan, inilunsad ng mga imperyalistang manunulsol ng digma, sa pangunguna ng United States, ang malawakang pagpapaulan ng mga bomba at missile sa bansang Yugoslavia at sa 10 milyong mamamayan nito simula noong huling linggo ng Marso.

Bilyun-bilyong dolyar na ang nilustay ng US at ng mga kasabwat nito sa North Atlantic Treaty Organization o NATO (na kinabibilangan ng Germany, United Kingdom, France, Italy, Canada at iba pang bansa) upang paluhurin ang gubyernong Yugoslav at pwersahang ipasok ang mga imperyalistang tropang mananakop.

Ang mga missile at bombang ibinabagsak ng NATO sa pangunguna ng US ay pumupuntirya di lamang sa makinarya at istrukturang militar ng Yugoslavia, kundi pati sa mga imprastrukturang sibilyan sa loob ng bansa, laluna sa Belgrade, ang punong lunsod nito. Tinarget din ang mga estratehikong industriya at plantang pang-enerhiya nito bago ipinataw ang blokeyong ekonomiko laban sa Yugoslavia.

Bunga ng imperyalistang pambobomba, daan-daan libong mamamayan ng Kosovo, isang prubinsya ng Yugoslavia, ang napalikas mula sa kanilang mga bayan. Daan-daang mga Serb at Kosovar na rin ang pinatay ng mga bomba at missile ng US at NATO. Ang Peninsula ng Balkan Ang Peninsula ng Balkan ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Europa. Binubuo ito ng mga bansang Slovenia, Croatia, Bosnia-Herzegovina, Macedonia, ng Federal Republic of Yugoslavia (na kinabibilangan ng Serbia at Montenegro), Albania, Greece, Romania, Bulgaria, at bahagi ng Turkey na nasa Europa. Nasa kanluran nito ang Dagat Adriatico; nasa timog naman ang Dagat Mediterranean at nasa silangan ang Dagat Aegean at ang Black Sea.

Ang pagkontrol sa Peninsula ng Balkan ay isang estratehikong usapin para sa mga imperyalista. Sa rehiyon ng Balkan nagtatagpo ang Asya at Europa. Tumatagos dito ang tanging ruta sa lupa mula sa Black Sea at Dagat Caspian patungo sa Dagat Mediterranean na nagsisilbing ruta sa dagat para sa mga kalakal patungo sa ibang bahagi ng Europa o Hilagang Amerika. Pinag-aagawan din ng mga imperyalista ang kontrol sa Black Sea at Dagat Caspian dahil sa mayayamang deposito ng langis na matatagpuan dito.

Para sa alinmang imperyalistang kapangyarihan, estratehiko rin ang Peninsula ng Balkan para sa epektibo at mabilis na pagdedeploy ng mga pwersang panalakay sa Gitnang Silangan, sa Gitnang Asya kabilang na ang Rusya, sa kalakhan ng Europa at maging sa Aprika. Sa loob ng ilang dantaon, pinag-agawan ng iba�t ibang mga imperyalistang kapangyarihan sa Europa ang Peninsula ng Balkan. Sa kasalukuyan, ang Germany at ang United States ang pinakainteresadong kumontrol dito. Ang pagpapailalim ng peninsula sa kontrol ng imperyalistang Germany ay magbubukas para sa huli ng pinakamaiksing ruta patungo sa Gitnang Silangan at sa yamang-langis na naroroon. May partikular na interes din ang US na kontrolin ang mga bansa sa rehiyon ng Balkan upang madugtungan ang serye ng mga base militar ng US mula sa Gitnang Silangan (Kuwait at Saudi Arabia), Turkey, Italy at Greece patungo sa puso ng kontinenteng Europa na nasa ilalim pangunahin ng imperyalistang Germany. Ngunit di basta napayuyuko ang mamamayan sa Peninsula ng Balkan sa harap ng imperyalistang pananalakay.

Mayaman ang kanilang kasaysayan ng rebolusyonaryong paglaban para sa paglaya. Ang karamihan ng mga bansa sa Balkan ay ibinunga ng paglaban para sa pagpapalaya mula sa imperyong Ottoman noong huling bahagi ng ika-19 na siglo. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pinalayas ng mga mandirigmang gerilya at partisano sa Yugoslavia at Albania ang daan-daan libong mga imperyalistang tropang mananalakay sa pangunguna ng Germany at Italy. Sa batayan ng tagumpay na ito naitaguyod ang malayang demokratikong gubyerno ng bayan sa Yugoslavia at Albania. Itinatag noong 1945 ang Federal Republic of Yugoslavia na kinabilangan ng mga bansang Slovenia, Bosnia-Herzegovina, Croatia, Serbia, Montenegro at Macedonia.

Gayunpaman, mula noong dekada ­50, sa ilalim ng taksil na si Josep Broz Tito, ang Yugoslavia ay naging rebisyunista at nanumbalik dito ang kapitalismo. Itinali ni Tito ang ekonomya ng bansa sa pandaigdigang sistemang kapitalista at binigyan ng buong layang makapasok dito at makapaghari ang imperyalismo, laluna ang imperyalismong US.

Imperyalistang panghihimasok sa dekada ­90 Itinulak ng imperyalismong US at Germany ang paghihiwa-hiwalay ng pederasyon ng Yugoslavia upang hati-hatiin ang mamamayan at madaling paluhurin ang rehiyon ng Balkan sa mga dikta at interes ng mga imperyalista. Kasabwat ng dalawang imperyalistang kapangyarihan, sinulsulan ng mga lokal na reaksyunaryong lider ang pag-usbong ng reaksyunaryong tipo ng nasyunalismo, etnisismo at tunggalian sa relihiyon. Ginatungan nila ang apoy ng pasismo. Nagpataw ng blokeyo sa ekonomya upang sumabog mula sa loob ang Yugoslavia.

Simula noong 1990, aktibong sinulsulan, pinondohan at inarmasan ng imperyalismong US at Germany ang mga lokal na reaksyunaryong uring Slovo, Bosnian, Croat, Macedonian at iba pa upang mag-aklas, kumalas at labanan ang Serbia. Sinakmal ng lumpen burgesya at mga sindikatong kriminal ang pamunuan ng burukrasya at militar at ginamit ang makinarya ng estado upang linlangin ang mga mamamayan at mang-upat ng tunggaliang etniko.

Nagbunga ito ng mababangis na digmaang etniko na kumitil sa daan-daan libong buhay at nagdulot ng grabeng pinsala sa Croatia (1991-92) at Bosnia-Herzegovina (1992-95). Milyun-milyon ding mamamayan mula sa iba�t ibang grupong etniko at panrelihiyon ang napalikas sa kanilang mga bayan at kabuhayan. Isa-isang nagdeklara ng awtonomya ang mga bansang dating bumubuo sa pederasyon hanggang sa tanging Serbia at Montenegro na lamang ang nalabi sa dating pederasyon ng Yugoslavia.

Nasa interes ng imperyalismo na maghiwa-hiwalay ang Yugoslavia upang mapawi ang dominasyon ng Serbia sa Peninsula ng Balkan. Habang matagal na nakikipagsabwatan sa imperyalismo, isinusulong ng reaksyunaryong burges na Serb ang kanilang ultra-nasyunal na interes laban sa ibang grupong etniko sa Balkan. Palagiang nakonsentra sa Belgrade ang produksyong industriyal habang ang ibang bansa sa dating Yugoslavia ay pinanatiling atrasado at nakaasa sa mga kalakal ng Serbia. Upang pangalagaan ang interes nito sa Balkan, ang reaksyunaryong uring Serb ay tumitindig laban sa imperyalistang panghihimasok sa rehiyon.

Sa pamamagitan ng mga digmaang etnikong kanilang sinulsulan, pinahina ng imperyalismong US at Germany ang dominasyon ng Serbia. Isinangkalan ng US ang usapin ng �karapatang-tao at kapayapaan� upang bigyang-matwid ang direktang pakikialam nito sa digmaan sa Croatia at Bosnia-Herzegovina. Sa ngalan ng �pangangalaga sa kapayapaan�, binomba ng US ang mga pwersang Serb at isinalaksak ang Kasunduang Dayton1 na naging daan upang ipwesto ng US at Germany noong 1995 ang 35,000 tropa nito sa loob ng Bosnia-Herzegovina na kanugnog lamang ng Yugoslavia.

Ginatungan naman ng imperyalismo mula noong 1997 ang nasyunalismong Albanian ng mga mamamayan sa Kosovo, isang prubinsya sa timog ng Serbia sa hangganan ng Macedonia at Albania. Kaiba sa kalakhang bahagi ng Serbia, mayorya ng naninirahan sa Kosovo ay mga etnikong Albanian.

Ginagamit ng US at Germany ang lehitimong interes ng mamamayang Kosovo laban sa dominasyong Serb upang palabasing nararapat ang pagpapaulan nito ng mga bomba at missile sa Yugoslavia. Lihim na pinopondohan, inaarmasan at sinasanay ng dalawang imperyalistang kapangyarihan ang Kosovo Liberation Army (KLA o Hukbong Mapagpalaya ng Kosovo). Binubuyo ang KLA na paigtingin ang tunggaliang etniko sa Kosovo at patindihin ang panloob na krisis sa Yugoslavia.

Matapos na pasiklabin ang kaguluhan sa Kosovo, nais ng US at NATO na ipailalim ang Kosovo sa �proteksyon� ng US at ihiwalay ito sa Yugoslavia. Ihinahanda na ang pakete ng pagpapautang ala Marshall Plan para sa �rehabilitasyon� ng ekonomya ng Kosovo sa ilalim ng imperyalismong US.

Ang ngayo�y mahigit nang limang linggong pambobomba sa Yugoslavia ay naglalayong pabagsakin ang ultra-nasyunalista at pasistang gubyernong Serb ni Slobodan Milosevi�, pilayin ang gulugod ng oposisyon sa imperyalistang dominasyon sa rehiyon ng Balkan at ipwesto ang mga imperyalistang tropa sa loob ng Kosovo at Yugoslavia.

 


Previous articleBack to topNext article

04 Marso 1999
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Paghandaan at labanan ang mas maigting pang mga opensibang militar at panunupil pagkatapos palayain ang mga bihag sa digmaan

Paninindigan ng NDFP
Paggalang sa Karapatan ng mga Bihag sa Digmaan

Sa okasyon ng ika-30 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan
"Labanan ang kaaway hanggang sa tagumpay ng bagong demokratikong rebolusyon!"

Sagisag ng Bagong Hukbong Bayan
Mga Ulat Koresponsal
Pananaig sa konserbatismo at pagsusulong ng armadong pakikibaka sa Gitnang Kabisayaan

Mga Ulat Koresponsal
Pagtalikod Sa Reaksyon, Pagsanib Sa Rebolusyon

Panunupil sa Texas Instruments
Pambubusabos sa mga manggagawa

Panunupil sa Texas Instruments
Pang-aapi sa kababaihan

Ang ICMLPO
Tungo sa pandaigdigang proletaryong pagkakaisa at pagtutulungan

Ang ICMLPO
MGA SIPI

Sosyalistang pagkakaisa?
Ang usapin ng pagkakaisa at ang mga Contra

Sa Ibayong Dagat
Imperyalistang pananalakay sa Balkan Peninsula
Pinagtubuan ang digma
Pahayag
Itigil ang digmang pananalakay ng U.S. at NATO

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.