![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Sa maraming naluluging bangkrap na government-owned and -controlled corporations (GOCC), ang National Power Corporation (Napocor) ang may pinakamalaking pagkalugi. Sa nakaraang anim na taon, umabot sa mahigit `166 bilyon ang nalugi ng Napocor. Ngayong taon, inaasahang malulugi ito nang `114 bilyon. Noong nakaraang taon pa lamang, ang kabuuang `1.3 trilyong utang nito ang bumuo sa 42% ng kabuuang utang ng bansa. Labis-labis ang pagkalugi ng Napocor, hindi dahil nakapagbibigay ito ng murang kuryente sa mamamayan, kundi
Isa na rito ang tagapangulo nitong si Rogelio Murga na tumatanggap ng `107,000 kada buwan bukod pa sa mga benepisyo at sarisaring pribilehiyo. Nabunyag ang malaking iskandalong ito nito lamang Setyembre at dahil dito�y napilitang maghapag ng pagbibitiw si Murga. Sa halip na kastiguhin si Murga sa pagpapakasasa nito at sa pagpapabaya sa Napocor, pinuri pa ito ng rehimeng Arroyo dahil umano sa �mabubuting� nagawa nito sa kumpanya. Isa sa tusong naipatupad ni Murga ang pagpapababa sa mga gastusin ng Napocor sa pamamagitan ng streamlining o pagpapatalsik ng mga manggagawa at kawani. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, binawasan ang bilang ng mga manggagawa ng Napocor mula 8,000 tungong 3,700. Nagmula ito sa 13,000 noong 1998. Nakatipid umano ang gubyerno ng `800 milyon mula rito. Ngunit kasabay ng ipinangangalandakang pagtitipid, gumastos ng mahigit `10 bilyon ang Napo-cor para sa retirement benefits ng matataas na upisyal nito. May mga nagsipagretiro namang muling binigyan ng pwesto. Halimbawa, ang dating presidente ng Napocor na si Roland Quilala ay muling pinaupo bilang senior vice president for corporate services ng Napocor. Sa harap ng pagkakabunyag ng mga anomalyang ito, ipinanawagan lamang ng rehimen sa matataas na upisyal ng korporasyon na �magtitipid� alinsunod sa balangkas ng pakitang-taong kampanya ng gubyerno. Kunwari ay nagtuturuan ngayon ang rehimen at ang kongreso kung sino ang maysala sa pagpapaubaya sa mga upisyal na ito na magkaroon ng matataas na sweldo. Ngunit kasabay nito�y ipinagtatanggol ng rehimen ang masisibang upisyal sa pangangatwirang ang tinatanggap ng mga ito ay katumbas lamang sa mga katapat nilang upisyal sa pribadong sektor. Sa kasalukuyan, umaabot na sa P5.4 trilyon ang kabuuang utang ng bansa. Ang P3.3 trilyon nito ay direktang inutang ng reaksyunaryong gubyerno habang ang P2.1 trilyon ay utang ng mga korporasyon ng gubyerno. Ngunit sangkatlo o P1 trilyon ng P3.3 trilyon na utang ng gubyerno ay sa aktwal mga utang ng mga GOCC na isinabalikat ng gubyerno. Noong Hulyo, iniatas ni Arroyo ang pagsasapribado sa 70% ng generation assets ng Napocor sa loob ng 18 buwan. Ito na diumano ang pinakasolusyon upang masalba ang gubyerno sa malaking pagkakautang na hindi kayang bayaran. Ipinambobola pa nito na sa pagpasok ng mga dayuhang kumpanya na bibili sa Napocor, bababa ang presyo ng kuryente dahil sa kumpetisyon. Tila sirang plaka ito sa pagtatambol ng pribatisasyon kahit alam na alam na naman ng mamamayan na magdudulot lamang ito ng ibayong pagtaas ng presyo ng kuryente. ![]()
|
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|