Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga tropang Amerikano:
Muling nagbabase sa Pilipinas

 Read this article in English

Lantaran at tumitindi ang armadong panghihimasok at agresyon ng imperyalismong US sa bansa. Gamit ang balatkayong "military exercises", kasalukuyang ipinupuslit sa bansa ang 160 Special Forces at dagdag na 500 o isang buong batalyon ng sundalong Amerikano. Sa kasalukuyan, ito ang pangalawang pinakamalaking pagdeploy ng mga Amerikanong tropa sa labas ng US kasunod ng Afghanistan.


Ang panunumbalik: Armadong panghihimasok ng imperyalismong US sa Pilipinas

Inangkin ng imperyalismong US ang karapatang panghimasukan at yurakan ang soberanya ng mga bansa sa ngalan ng pagsugpo sa itinuturing nitong mga "terorista". Magbabase ang naturang batalyon sa Zamboanga City sa loob ng anim na buwan. Ngunit ayon na rin sa mga upisyal militar, maaaring tumagal ito hanggang isang taon kung di pa nasusugpo ang mga "terorista". Noong nakaraang taon, may nauna nang dumating na 26 na US Special Forces sa Basilan. Nitong Enero, umabot na sa 65 sundalo ang nasa Zamboanga City. Mayroong 14 na nasa Cebu habang ang 400 ay panimulang nakabase sa Clark Airfield, Pampanga. Mahigit 1,200 sundalong Pilipino ang lalahok sa mga "pagsasanay".

Dahil mahigpit na ipinagbabawal maging ng reaksyunaryong konstitusyon ang pagbabase sa bansa ng mga dayuhang tropa, kung anu-ano ang ikinakatwiran ng gubyerno ni Macapagal-Arroyo upang palabasing lehitimo ang presensya ng mga sundalong Amerikano. Ang mga tropang Amerikano ay magsisilbi umanong mga "tagapayo" at "tagapagsanay" sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga operasyon nito laban sa Abu Sayyaf at sa paglaban sa terorismo.

Sinasabi ring lalahok lamang sila sa magkasanib na pagsasanay kasama ang mga pwersa ng AFP sa ilalim ng Kalayaan-Aguila 2002 at Balance Piston 02-1. Hindi raw tuwirang lalahok sa kombat ang dayuhang mga tropa ngunit papasok ang 160 Special Forces sa mga larangan ng kombat sa Basilan. Binigyan naman sila ng karapatang magpaputok "kung sila mismo ang pinapuputukan". Sinasabing layunin din nila ang pagbawi sa dalawang Amerikanong bihag na walong buwan nang hawak ng Abu Sayyaf, bagamat magpapatuloy pa rin sila kahit mabawi na ang dalawang bihag. Bahagi rin umano ng "pagsasanay" ang paglulunsad ng mga operasyong psywar tulad ng mga aksyong sibiko at sosyo-ekonomikong proyekto.

Lantaran na at walang pakundangan ang pagsagasa ni Gloria Macapagal-Arroyo sa mga itinakdang proseso at limitasyon kahit ng reaksyunaryong mga batas. Hindi lubusang mabigyan ng ligal na katwiran ng rehimen ang pagpasok ng mga tropang Amerikano. Maging ang mga probisyon ng Mutual Defense Treaty (MDT) at ng Visiting Forces Agreement (VFA) ay pilit na binabaluktot ng rehimen upang masabing ligal ang pagpasok ng mga tropang Amerikano. Pinakahuling ginagamit ng rehimen na katwiran ang Mutual Logistics Support Agreement (MLSA), na sikretong inareglo ni Macapagal-Arroyo at George W. Bush noong Nobyembre. Sa katapus-tapusan, iginiit pa ni Macapagal-Arroyo na maaaring maging ligal pa rin kahit magpapasok sa bansa ng mga sundalong Amerikano na sadyang pangkombat�bagay na ikinagagalit ng maging ng mga kapartido niya, tulad ni Sen. Joker Arroyo.

 


Previous articleBack to topNext article

Enero 2002
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Di na matagalan ng mamamayan ang rehimeng Macapagal-Arroyo

Lalong sumisidhi ang hidwaan sa hanay ng naghaharing uri
Pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan: Sinasagkaan ng rehimeng Macapagal-Arroyo
Paglapastangan sa prinsipyo ng pambansang kasarinlan: Nanganganib ang pagpapatuloy ng usapan
Ang panunumbalik: Armadong panghihimasok ng imperyalismong US sa Pilipinas
Mga tropang Amerikano:
Muling nagbabase sa Pilipinas
Pagtutol sa pagpasok ng mga armadong tropa ng US, lumalawak
Mutual Logistics Support Agreement:
Bagong katawagan, lumang kasunduan

Mga ulat-koresponsal:
Di mapagtakpan ang mga pang-aabuso ng 5th ID sa Isabela

Mga ulat-koresponsal:
5th ID, sangkot sa illegal logging

Mga Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.