Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Panggigipit sa mga progresibong partido:
Walang tigil ang paninira at pamamaslang

 Read this article in English

Sa pangunguna ng kleriko-pasistang si Norberto Gonzales, National Security Adviser ng Malakanyang at ahenteng paniktik ng US, ang mga pasista sa gubyerno at Armed Forces of the Philippines ay naglunsad nitong Abril ng isang masugid at matinding kampanya para siraan ang mga progresibong partido at kandidato sa mata ng mamamayan, at ihudyat ang pag-iibayo ng karahasan at panunupil laban sa kanila.

Sumusunod ang ilang tampok na kaso sa loob lamang ng huling dalawang linggo ng Abril:

  • Malisyosong ipinagkakalat ng PNP sa Leyte na ang Anakpawis ay may kaugnayan sa Bagong Hukbong Bayan (BHB). Ito raw ay dahil nagkalat ang mga poster ng Anakpawis sa Alang-alang, Leyte nang tambangan sila rito ng BHB noong Mayo 3. Halatang pilit lamang na naghahagilap ang PNP nang maisasangkalan para tugisin ang Anakpawis dahil ayon sa pahayag ng Efren Martires Command ng BHB sa Eastern Visayas, ni walang kinasangkutang labanan ang BHB sa lugar at petsang nabanggit.

  • Pinagbabaril noong gabi ng Abril 29 sa Barangay Silangang Malicboy, Pagbilao, Quezon ang mag-asawang sina Rogelio Perez, 46, pangalawang pangulo ng Pamalakaya-Quezon at tagakampanya ng Bayan Muna, at Cristina, 52, pangkalahatang kalihim ng Bayan Muna-Pagbilao. Namatay si Rogelio samantalang si Cristina ay agaw-buhay nang dalhin sa ospital. Galing ang mag-asawa sa isang pagpupulong. Noong araw ding iyon, binaril at napatay si Juland Cautasan, kasapi ng Bayan Muna, sa labas ng isang paaralan sa Pagbilao.

  • Pinaulanan ng bala sa Barangay Pachoca, Calapan City, Mindoro Oriental noong gabi ng Abril 28 si Isaias Ma�ano Jr., 23, pangkalahatang kalihim ng Anakpawis-Mindoro Oriental. Patay si Ma�ano at sugatan ang kasama niyang si Guillermo Coz, 47, pangalawang pangulo ng Anakpawis. Galing ang dalawa sa pakikipag-usap sa isang kandidato sa pagkaalkalde nang sila'y pagbabarilin.

  • Pinagbabaril ng mga sundalo ng 78th IB hanggang sa mapatay sina Charlie Mandaya Davao, Ganadi Pinamaylan at Charlie Utag, mga Ata-Manobo na kasapi ng Bayan Muna, habang kumakain sila noong Abril 24 sa isang restawran sa poblasyon ng Laac, Compostela Valley. Pinaratangan ng militar na mga kasapi ng BHB ang tatlo.

  • Dinukot ng militar noong Abril 25 sina Oliver Ostoral, 27, taga-Mauban, Quezon at Ramil Adornado, 19, taga-Real, Quezon, kapwa mga myembro ng Anak ng Bayan-Southern Tagalog. Huli silang nakita noong alas-6 ng umaga ng Abril 25 sa Barangay Mangilang, Candelaria, Quezon. Naroon sila para mang-imbita para sa kumbensyon ng Bayan Muna-Quezon.

  • Sa Camarines Sur, 25 myembro na ng Bayan Muna at Anakpawis ang naiulat na dinukot at patuloy pang nawawala mula nang tumindi ang mga operasyong militar sa mga bayan ng Tinambac, Lagonoy, Goa, Presentacion, Caramoan at Garchitorena. Iniulat din ng Anak ng Bayan-Bicol ang apat na kaso ng pamamaslang. Dalawa sa mga biktima ay sina Virgie Vetmen, 19, myembro ng Anakpawis, at Jesus Bongalon, isang barangay konsehal ng Payak, Bato, Camarines Sur. Ginahasa at pinatay si Vetmen at pinagputul-putol ang kanyang bangkay.

  • Iligal na inaresto ng mga elemento ng PNP-Dumaguete noong Abril 21 sa Bais City, Negros Oriental si Ronald Ian Evidente, isang nominee ng Anak ng Bayan. Isinasangkot siya sa pananambang at pagpatay sa ilang kasapi ng bandidong grupong Revolutionary Proletarian Army.

  • Sa Davao Oriental, nagpapalaganap ang mga elemento ng 72nd IB kasama ang Special Forces at PNP Criminal Investigation and Detection Group ng mga polyeto kung saan binabansagang "mga anak ni Satanas" ang mga progresibong partido.

  • Tinutukan ng baril ng isang elemento ng militar si Apolinario Alvarez, presidente at pangunahing nominee ng Anak ng Bayan nang makipagnegosasyon siya sa mga elemento ng 42nd IB na nangharang sa kanilang motorcade sa Tigaon, Camarines Sur noong Abril 18. Ang motorcade ay kabilang sa limang-araw na Peace Caravan na umikot sa apat na prubinsya ng Bicol. Samantala, si Leo del Rosario, kasapi ng Anak ng Bayan, ay ginulpi ng isang sundalo.

  • Pinaligiran ng may 100 naka-full battle gear na elemento ng 803rd Infantry Brigade at PNP ng Catarman, Northern Samar ang upisina ng Bayan Muna sa Sityo Bukhasan, Barangay Cawayan, Catarman noong gabi ng Abril 13. Nagpilit silang pumasok sa upisina dahil may tinutugis umano silang limang myembro ng "sparrow unit" ng BHB. Dahil walang maipakitang anumang mandamyento ang mga militar at pulis, hindi sila pinapasok ng mga taga-BM. Napilitang umatras ang mga pasistang tropa pagkalipas ng dalawang oras.

  • Pinalibutan ng siyam na lasing na sundalo ng 78th IB noong Abril 14 ang mga kasapi ng Anakpawis at Bayan Muna sa Danao City, Cebu. Ayon kay Glemar Bacusmo, pangulo ng Anakpawis-Central Visayas, at Magilda Abella, organisador ng Bayan Muna, pinigilan sila ng mga tropa ng 78th IB na mangampanya sa Barangay Santican. Kinumpiska ng militar ang kanilang materyales na pampropaganda.

  • Kinaladkad ng isang nakamotorsiklong sundalo si Ronalyn Olea, presidente ng College Editors' Guild of the Philippines at isang nominee ng Anak ng Bayan, sa Angeles City noong Abril 9. Pauwi siya noon mula sa upisina ng Anak ng Bayan sa lunsod. Isang linggong naospital si Olea dahil sa tinamong mga gasgas, sugat at pasa sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Walang pakundangang nilalabag at sinisikap gibain ng mga pasista ang ligalidad ng mga hayag na demokratikong organisasyon at partido para bigyang-katwiran ang karahasan at panunupil sa mga progresibo. Dapat tuluy-tuloy na ilantad at batikusin ang mga karahasang ito bilang tanda ng desperasyon ng mga reaksyunaryo tuwing may pag-usad ang mga rebolusyonaryo at mga progresibo sa anumang larangan ng pakikibaka at nahaharap sa malaking banta ang interes ng mga reaksyunaryo.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Mayo 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Walang pundamental na pagbabagong idudulot ang eleksyon sa Mayo 10

Panggigipit sa mga progresibong partido:
Walang tigil ang paninira at pamamaslang
Mga kandidatong lumabag sa PTC, dinisarmahan ng BHB
Imperyalismong US, nanghihimasok sa eleksyon
Koleksyon ng mga litrato ng BHB, inilunsad
Itakwil ang mga gumagamit sa OPML para walang tigil na siraan ang Partido —Ka Basil
Mga ulat koresponsal:
Mga tulisan, instrumento ng AFP sa Northeastern Mindanao

Mga ulat koresponsal:
Cordillera Day 2004:

Kasaysayan ng magiting na pakikibaka sa Cordillera, ipinagbunyi

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.