Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Guingona, pinatalsik sa DFA dahil sa pagkontra sa Balikatan

 Read this article in English

Muling tumingkad ang hidwaan sa pagitan nina Macapagal-Arroyo at Bise Presidente Teofisto Guingona Jr. nang ianunsyo ni Guingona nitong Hulyo 2 ang kanyang tuluyang pagbibitiw bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) pagsapit ng Hulyo 15. Hindi pinagkakaila ni Guingona ang pagpapabitiw sa kanya ni Macapagal- Arroyo dahil sa kanyang patuloy na pagkontra sa mga patakaran ng rehimeng Macapagal-Arroyo na nagtataguyod sa interbensyong militar ng US at sa mga paglabag sa soberanya ng Pilipinas, kabilang na ang Balikatan at ang Mutual Logistics Support Agreement (MLSA).

Bago ito, tutol na si Guingona sa pagbabaluktot sa mga probisyon ng Visiting Forces Agreement (VFA) para bigyang-katwiran ang matagalang presensya ng mga tropang Amerikano sa bansa.

Tinututulan din niya ang isang probisyon sa trilateral na "antiteroristang kasunduan" ng Pilipinas, Indonesia at Malaysia noong Mayo 7 dahil sa nakasaad ritong depinisyon ng "terorismo" na malawakang sumasaklaw sa "mga banta sa istabilidad, teritoryal na integri dad, pagkakaisang pampulitika at soberanya ng mga independyenteng estado". Ayon kay Guingona, sinasaklaw na nito maging ang mga rebolusyonaryong grupo at makasasagka na ito sa pakikipag-usapang pangkapayapaan sa mga ito. Paano pa aniya maipagpapatuloy ang mga usapang pangkapayapaan kung ituturing na "terorista" ang mga kausap? Ngunit, iginiit ni Macapagal-Arroyo ang pag-apruba rito at inatasan niya si DILG Sec. Jose Lina para siya nang pumirma sa kasunduan, dahil tumangging pirmahan ito ni Guingona.

Lalong lumala ang hidwaan nang tumutol din si Guingona sa MLSA. Magpapahintulot ito sa US na magtayo sa Pilipinas ng mga pasilidad para imbakan ng armas at iba pang gamit at suplay militar. Sikreto itong pinirmahan nina Macapagal-Arroyo at US Pres. George Bush noong nakaraang taon at ngayo�y balak na nilang ipormalisa.

Tinanggap na ni Sen. Blas Ople ang alok ni Macapagal-Arroyo na siya ang pumalit kay Guingona sa DFA. Malaon nang magkatuwang sina Ople at Macapagal-Arroyo sa pagtutulak ng imperyalistang "globalisasyon". Noong pareho pa silang senador, sabay nilang ipinanukala ang pag-apruba sa General Agreement on Tariffs and Trade na nagresulta sa pagsapi ng Pilipinas sa World Trade Organization at pagpapailalim ng bansa sa mga maka-imperyalistang patakaran nito. Si Ople ang pangunahing may panukala, pero si Macapagal-Arroyo ang sumalo at pangunahin nang nagdala nito nang magkasakit si Ople. Si Macapagal-Arroyo naman ay masugid na sumuporta kay Ople nang kanyang ipanukala ang pagpapatibay sa VFA.

Layunin din ni Macapagal-Arroyo sa pagbibigay ng DFA kay Ople na isang myembro ng opisisyon ang mabawasan ng isang krusyal na boto ang oposisyon sa Senado. May pagkukunwari pa si Ople na hindi siya oportunista kaya boboto pa raw muna siya para sa oposisyon sa muling pagbubukas ng Senado. Ngunit kagyat pagkatapos nito, lilipat na siya sa DFA at muling mapapasakamay na ng kampong Macapagal-Arroyo ang mayorya sa Senado.

 


Previous articleBack to topNext article

Hulyo 2002
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Rebolusyonaryong pakikibaka, pag-asa para sa tunay na repormang agraryo

VLT/DPS, punung-puno ng katiwalian
Mga Ulat Koresponsal:
Mahigit 11,000 magsasaka, nakinabang sa rebolusyong agraryo sa Hilagang Silangang Mindanao

Mga Ulat Koresponsal:
Matagumpay na kampanyang Kontra-usura, inilunsad sa Cagayan

Kalagayan ng mga manggagawang bukid sa Hacienda Luisita:
Matabang lupa para sa rebolusyon

Guingona, pinatalsik sa DFA dahil sa pagkontra sa Balikatan
Panghihimasok militar ng US
US, niyayanig ng mga iskandalong pampinansya
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.