Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

40 taon ng Kabataang Makabayan

 Read this article in English

Sa darating na Nobyembre 30, ipagdiriwang ang ika-40 anibersaryo ng Kabataang Makabayan (KM). Ipagdiriwang ang okasyon sa gitna ng mga hamong labanan ang mga pahirap sa kabataan at mamamayan.

Ayon kay Kasamang Andres Guerrero II, tagapagsalita ng KM, "Napakahalagang tungkulin ng buong pamunuan at kasapian ng KM ang pagpapasigla at pagpapalawak ng pampulitikang edukasyon. Sa gitna ng krisis, higit na kailangang masapol ang sistemang umiiral at ang sagot sa krisis na ito."

Itinatag ang KM noong 1964 sa YMCA Auditorium sa Maynila bilang pambansa-demokratikong organisasyon ng mga kabataan. Ang mga unang kasapi nito ay mga kabataang estudyante, manggagawa, magsasaka, maralitang lunsod at propesyunal.

Matapos ang kongreso, itinatag ang maraming mga lokal na balangay ng KM sa iba't ibang eskwelahan sa Manila-Rizal, Central Luzon at Southern Luzon. Ang mga balangay na ito ay nagsilbing batayan para sa estratehikong pagpapalawak at konsolidasyon ng KM sa kanayunan. Tumulong din ang mga kasapi ng KM sa pagbubuo ng mga militanteng unyon.

Sa panahon ng 1965-1966, inilunsad ang mga kampanya at aksyong masa laban sa imperyalismong US, sa rehimeng Marcos at sa mga pahirap nito sa mamamayan. Pumutok ang mga paglaban sa bulok na sistema ng edukasyon. Kumalat sa buong bansa ang kilusang protesta ng mga estudyante noong 1968-69. Maraming mga organisasyon ang nakiisa sa KM sa pakikibaka para sa reporma sa eskwelahan. Kabilang ang mga kasapi ng KM sa mga unang nagboluntaryong sumapi sa BHB noong 1969 at nagpunyagi sa pagsusulong ng armadong pakikibaka.

Noong Enero hanggang Marso 1970, pinangunahan ng KM ang sunud-sunod at papalaking mga demonstrasyon. Ito ang Sigwa ng Unang Kwarto na nilahukan ng puu-puong libong mga kabataan at ng kanilang mga progresibong organisasyon.

Matapos ipataw ang batas militar noong Setyembre 1972, binuwag ang ligal na pambansang istruktura ng KM. Sistematikong itinalaga ang mga lider at kasapi nito sa kanayunan upang gumampan ng gawaing masa sa hanay ng magsasaka at maging mga Pulang mandirigma ng BHB. Marami sa mga aktibista ng KM ang tumulong at nanguna sa pagsisimula ng mga larangang gerilya sa iba�t ibang prubinsya sa buong bansa.

Sa pamamagitan ng lihim na pagkilos, nagpatuloy ang KM sa mga gawain sa pag-oorganisa at propaganda sa kalunsuran, lalo na sa Metro Manila. Noong 1977 muling binuo ang lihim na pambansang istruktura ng KM.

Noong dekada 1980, natangay ang KM sa agos ng paglihis ng buong rebolusyonaryong kilusan. Sa isang panig, nalulong ito sa repormismo; sa kabilang panig, nabatak ito sa mga insureksyunistang pagkilos. Noong ika-4 na kongreso ng KM, pinawi sa konstitusyon nito ang pagkilala sa pamumuno ng Partido Komunista. Humina ang organisasyon.

Nang ilunsad ng Partido ang Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto, mainit ang naging pagtugon dito ng rebolusyonaryong kilusang kabataan-estudyante at ng KM. Inilunsad ang mga pag-aaral sa mga batayang dokumento at mahigpit na tumalima sa panawagang magwasto. Muling lumawak ang kasapian ng KM. Muling nakapagtalaga ang KM ng mga aktibista sa kanayunan at signipikanteng bilang ng mga kadre't organisador sa hanay ng rebolusyonaryong kilusang manggagawa. Naitatatag na ang mga balangay ng KM sa mga eskwelahan at komunidad. Nasa pusisyon ito ngayon para ibayong magpalakas at magpalawak ng organisasyon.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Nobyembre 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Ituon ang makauring galit sa rebolusyonaryong pagbabagsak sa mga nagsasamantalang uri at buong naghaharing sistema

Sigaw ng mga manggagawa sa Hacienda Luisita
Di kami uurong

Mga Ulat Koresponsal
Depensiba sa Tarlac, naipihit tungong taktikal na tagumpay

Tuluy-tuloy na binibigyang-sigla ng kabataan ang Partido at rebolusyonaryong kilusan
40 taon ng Kabataang Makabayan
Mga aral at tagumpay sa pagbubuo ng mga balangay ng Kabataang Makabayan
Bukas na liham ni Ka Roger sa mga sundalo at pulis, pinalalaganap
10 punto ng pagkilos ng mga armadong tauhan ng reaksyunaryong estado
Mga tagumpay ng sosyalistang rebolusyon at konstruksyon sa China ng 1949-1976
Sagot sa krisis pang-ekonomya: Rebolusyon at sosyalistang konstruksyon

Matatagumpay na opensiba ng BHB
10 tropa ng kaaway, napatay sa pakikipagsagupaan sa BHB ngayong Nobyembre

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.