Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Editoryal:
Iluwal sa pagpasok ng 2001 ang makapangyarihang unos na magwawakas sa rehimeng US-Estrada

 Read this article in English

Ang sitwasyon sa unang kwarto ng taong 2001, laluna sa maagang bahagi nito, ay paborable upang kumilos para sa kagyat na pagpapatalsik kay Estrada mula sa poder. Upang tiyakin ito, kinakailangang tuluytuloy na isulong, palawakin at paigtingin ang kilusang masang anti-Estrada at ilunsad ang mga dambuhalang demonstrasyon sa lansangan.

HANGGANG SA KASALUKUYAN, SA KABILA NG MGA ligal na maniobra ng mga abugado ni Estrada, ang paglilitis sa Senado laban kay Estrada ay nakapagsisilbing mahusay na porum para sa paglalantad ng kabulukan, katiwalian at kriminal na operasyon ni Estrada. Ipinakikita ng mga testimonya at ebidensya na inihapag ng mga saksi, laluna nina Gob. Luis �Chavit� Singson at Clarissa Ocampo, bise presidente ng bangkong Equitable-PCI, ang walang-prenong paggamit ni Estrada sa kanyang poder upang iligal na magkamal ng yaman at gamitin ito upang busugin ang sarili sa karangyaan.

Gayunpaman, nananatiling ibang usapin pa kung aktwal ngang hahatulang may sala si Estrada. Nakasalalay ito, higit sa lahat, sa patuloy na paglawak ng mga aksyong masa na nananawagan ng pagpapatalsik kay Estrada. Nakasalalay din ito sa lakas ng di mapasusubaliang mga ebidensya o sa direktang utos sa mga senador ng mga tauhan ng US na bitawan na si Estrada.

Kung wala ang malalawak na pagkilos ng masa, ang pangunahing salik para sa paghatol na may sala si Estrada, magkakaroon ng bigat ang mga salik para sa pagpapaliban ng hatol o pagpapawalang-sala kay Estrada. Kinabibilangan ito ng suhol mula kay Estrada at Danding Cojuangco, pagpapatagal ng paglilitis hanggang maunahan ito ng eleksyon at ang posibilidad na maipwesto ang bagong mga senador na maka-Estrada o ang pagbabago sa pusisyon ng US.

UPANG TIYAKING MAPATATALSIK SI ESTRADA SA UNANG BAHAGI ng 2001, kinakailangang mahigpit na panghawakan ang pangunahing tungkuling pukawin, organisahin at pakilusin ang malawak na masa ng sambayanan upang magdulot ng mga hambalos na magwawakas sa rehimeng US-Estrada, alinsunod sa pahayag ni Kasamang Armando Liwanag, Tagapangulo ng Komite Sentral ng Partido nitong Disyembre 26. Naipatutupad ito sa pamamagitan ng pagkukumbina ng kakayahan ng malapad na nagkakaisang prente na pukawin at pakilusin ang milyong mamamayan at ng solidong gawaing masang isinasakatuparan ng mga rebolusyonaryong pwersa.

Kaugnay nito, kailangang ibayong palawakin at patatagin ang nagkakaisang prenteng anti-Estrada. Sa partikular, kinakailangang pagtuunan ng pansin ang pagpapatibay ng konsensus ng iba�t ibang mga pwersang bumubuo nito na mapatatalsik lamang si Estrada pangunahin sa pamamagitan ng pagkilos ng milyong mamamayan at pagkubkob sa palasyo ng Malakanyang.

Importanteng pawiin ang ilusyon ng ilang grupo, laluna sa hanay ng mga reaksyunaryong anti-Estrada, na mapatatalsik si Estrada sa pamamagitan ng paghatol ng Senado kahit walang pagkubkob sa Malakanyang upang pwersahin siyang magbitiw. Ang ganitong ilusyon ay madaling mahulog sa iskema ni Estrada na patagalin ang paglilitis sa Senado at gamitin itong tuntungan upang magbigay ng mga huwad na pangakong rerespetuhin anuman ang maging hatol sa hangaring humupa ang mga protesta at sa gayon ay mapatagal pa ang kanyang rehimen.

Kailangang igiit na tapusin ang paglilitis bago magsimula ang kampanyang eleksyon sa Pebrero. Kinakailangang maglunsad ng mga gahiganteng demonstrasyon upang igiit ang kagyat na paghatol kay Estrada batay sa di mapasusubaliang mga testimonya

Kinakailangang pagtuunan ng pansin ang pagpapatibay ng konsensus ng iba�t ibang mga pwersang bumubuo nito na mapatatalsik lamang si Estrada pangunahin sa pamamagitan ng pagkilos ng milyong mamamayan at pagkubkob sa palasyo ng Malakanyang.
at dokumento at upang tuligsain ang anumang pagtatangka ng mga abugado ni Estrada at ng mga maka- Estradang senador na patagalin ang paglilitis.

Kung sakali mang ipawalang-sala ng Senado si Estrada, kinakailangang maglunsad ng mga aksyong masa na kahalintulad o higit pa sa mga demonstrasyong nagpabagsak kay Marcos noong 1986. Lalong higit na kinakailangang kubkubin ang palasyo ng Malakanyang kung tumangging bumaba sa poder si Estrada anuman ang maging desisyon ng Senado.

Wasto lamang na tiyaking ang mga demonstrasyong ito�y maging mapayapa at militante. Gayunpaman, hindi napapawi ang posibilidad na gumamit ng dahas ang manipis na hanay ng mga loyalistang maka-Estrada, laluna ang ilang pinuno ng militar at pulisya sa pamumuno ni Gen. Panfilo Lacson at mga bayarang grupong lumpen, laban sa mga susing pwersa sa nagkakaisang prenteng anti-Estrada o upang salakayin ang mga aksyong masa. Kung gayon, makatwiran na ang mga pwersang anti- Estrada sa hanay ng militar ay maglunsad ng mga hakbanging pangkontra (tulad ng kontra-paniniktik o pag-aresto sa mga loyalista ni Estrada) hindi upang iupo ang isang military junta kundi upang sumuporta sa pagkilos ng mamamayan para patalsikin si Estrada.

Sakaling gumamit ng dahas ang pangkating Estrada laban sa di armadong mamamayan, nakahanda ang Partido, ang BHB at ang NDFP na kupkupin yaong mga pwersang tinutugis ng militar at pulisya; at ilunsad ang ilang mga espesyal na taktikal na opensiba. Anu�t anupaman, ang desperadong paggamit ng panunupil ay mag-uudyok lamang ng higit na malalaking demonstrasyon at magbibigay-katwiran sa paglulunsad ng hukbong bayan ng mga aksyong pagparusa sa pinakamasasamang elemento ng naghaharing pangkating Estrada.

ISINUSULONG NG PARTIDO ANG MGA tungkulin upang wakasan ang rehimeng US-Estrada kaalinsabay lahatang-panig na pagsulong ng rebolusyonaryong layunin. Malinaw sa lahat ng rebolusyonaryong pwersa ang pagpapabagsak kay Estrada ay hindi katumbas, ngunit naglilingkod sa pangkalahatang layunin ng pambansa-demokratikong rebolusyon.

Upang lumikha ng larawan ng popular na suporta at ikonsolida ang kanyang magiging bagong gubyerno, maaaring magpahayag si Gloria Macapagal-Arroyo ng pagtataguyod sa reporma sa lupa at ilang mga patakarang nagtatanggol sa kapakanan ng mamamayan. Subalit bilang bagong hepe ng reaksyunaryong estado at prinsipal na papet ng imperyalismong US, ang lahat ng mga pangakong ito�y maglalaho sa kanyang pagsasakatuparan ng mga neokolonyal at �neoliberal� na patakarang dikta ng IMFWB at WTO.

Habang lumalalim ang krisis ng naghaharing sistema, lalong napupwersang magmanikluhod ang reaksyunaryong rehimen sa mga idinidikta ng imperyalismo na lalo namang nagpapalalim sa krisis sa ekonomya at pulitika. Bunga nito�y lalong lalala ang mga saligang suliranin ng mamamayan at iigting ang mga paglaban sa hinaharap.

Kung gaano kabilis ilantad ng bagong rehimen ang tunay nitong antinasyunal at anti-demokratikong kulay, gayon din kabilis na mabubuo ang nagkakaisang prente ng mamamayang lalaban dito. Ang organisado at armadong lakas, kakayahan at militansya sa paglaban na naipon ng mamamayan at mga rebolusyonaryong pwersa sa paglaban sa rehimeng Estrada ay gagamitin sa paglaban sa bagong rehimen. Hindi malulutas, bagkus ay lalo pang lalala ang krisis ng bulok-sa-kaibuturang naghaharing sistema.

Nakahanda ang Partido at ang buong rebolusyonaryong kilusan na samantalahin ang higit na paborableng sitwasyon upang tuluy-tuloy at hakbanghakbang na isulong ang bagong-demokratikong rebolusyon.

 


 Back to topNext article

Disyembre 2000
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Iluwal sa pagpasok ng 2001 ang makapangyarihang unos na magwawakas sa rehimeng US-Estrada
Mga sipi:
Pakilusin ang malawak na masa ng sambayanan upang igawad ang pamatay na dagok sa rehimeng Estrada �Armando Liwanag

Rehimeng Estrada: nasa bingit ng kamatayan:
Mabilis na pagsadsad ng krisis ng ekonomya

Rehimeng Estrada sa bingit ng kamatayan:
Papet, bulok, pasista

PANANALANTA NG PASISTANG ESTADO
Kaguluhan sa mga malakolonya
Liga ng mga pakikibaka ng mamamayan ng daigdig, pinaghahandaan
Mga balita sa pakikibaka
Karagdagang balita mula sa Kabikulan
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.