Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Bagong gubyernong Macapagal-Arroyo:
Nanunumbalik ang rehimeng US-Ramos

 Read this article in English

Malaking mayorya ng mga bagong hirang na upisyal ng gubyernong Macapagal-Arroyo ay mga retiradong heneral o kaya mga burukratang dati nang nanungkulan sa ilalim ng bulok, papet at militaristang rehimen ni Ramos o mga may malapit na kuneksyon sa kanya. Kailangang puspusang tutulan ng mamamayan ang pagluluklok na ito ng mga tauhan ni Ramos � laluna yaong mga pusakal na pasista at may rekord ng pagyurak sa interes ng masa.

Unang-una sa listahan ng mga tauhan ni Ramos na may mataas na katungkulan ngayon sa rehimeng Macapagal-Arroyo ay si Renato de Villa. Si de Villa, na isang dating heneral sa AFP at dating kalihim ng depensa sa ilalim ni Ramos, ang nagmana ng makapangyarihang pwesto ng executive secretary.

Si Eduardo Ermita, isa pa ring dating heneral, at bagong itinalagang kalihim sa depensa ni Macapagal-Arroyo, ay malaon nang may malapit na kaugnayan kay Ramos. Dati siyang aide-de-camp ni Ramos nang ang huli ang hepe ng Philippine Constabulary sa ilalim ng diktadurang Marcos. Nang maging presidente si Ramos, hinirang niya si Ermita bilang deputy chief of staff ng AFP. Pagkatapos nito, tumakbo rin bilang kongresman si Ermita sa ilalim ng partido ni Ramos sa Lakas-NUCD. Dahil sa kaalaman nito sa psywar, itinalaga ni Ramos si Ermita sa panel ng gubyerno na nakipagnegosasyon noong 1997 para ayusin ang pagsuko ng Moro National Liberation Front.

Si Dep. Dir. Gen. Leandro Mendoza, bagong hepe ng Philippine National Police (PNP), ay kabilang sa paksyong maka-Ramos. Sangkot siya sa mga kasong pagpatay, kidnap-for-ransom, hweteng, mga maanomalyang transaksyon sa PNP at iba pang kriminal na aktibidad.

Si PNP Dep. Dir. Gen. Reynaldo Wycoco, ang bagong hepe ng National Bureau of Investigation, ay tagapagsalita ng pulisya at nanungkulan din bilang hepe ng PNP sa National Capital Region sa ilalim ni Ramos.

Si Col. Victor Corpus, isa pang eksperto sa psywar at bagong hirang na pinuno ng Intelligence Service of the AFP, ay alaga na ni Ramos mula noong kalihim pa siya ng depensa sa ilalim ng rehimeng Aquino. Ilang taon na sinubaybayan at ginabayan ni Ramos ang karera-militar ni Corpus, hanggang sa maluklok ito sa kasalukuyang pwesto. Si Corpus ang isa sa mga nagdisenyo ng kontrarebolusyonaryong serye ng kampanyang militar na Lambat Bitag noong dekada 1980 hanggang 1990.

Si Renato Corona, ang chief of staff at pansamantalang tagapagsalita ni Macapagal-Arroyo, ay dating assistant executive secretary at Presidential Legal Adviser ni Ramos.

Si Hernando Perez, ang bagong kalihim ng Department of Justice, ay tagapagsalita ng Lakas-NUCD na partido ni Ramos.

Si Emilia Boncodin, ang bagong kalihim sa badyet, ay undersecretary ng departamentong ito sa ilalim ni Ramos.

Si Richard Gordon, ang bagong kalihim ng turismo, ay dating tagapangulo ng Subic Bay Metropolitan Authority sa ilalim ni Ramos.

Si Dante Canlas, ang kalihim ngayon ng National Economic Development Authority ay dati nang nanungkulan bilang teknokrat at deputy director ng naturang ahensya sa gubyernong Ramos.

Si Paul Dominguez, ang Presidential Assistant for Regional Development at special envoy sa Brunei, Indonesia at Malaysia ng gubyernong Macapagal-Arroyo, ay dating Presidential Assistant for Mindanao Affairs ni Ramos.

Si Simeon Datumanong, ang bagong kalihim ng Department of Public Works and Highways, ay prominenteng myembro ng Lakas-NUCD.

Si Winston Garcia, ang bagong presidente at general manager ng Government Service Insurance System, ay kabilang sa angkang Garcia ng Cebu na kilalang tagasuporta ni Ramos.

Bakas na bakas din sa pagtatalaga ni Macapagal-Arroyo ng mga maka-IMF na teknokratang dati nang nanungkulan kay Ramos na siya ay magiging masugid ring tagapagtaguyod ng imperyalistang "globalisasyon."

Si Roberto Romulo, na itinalagang envoy for international competitiveness, ay dating kalihim ng Department of Foreign Affairs sa ilalim ni Ramos.

Si Rizalino Navarro, special envoy para sa Southeast Asia at Australia, ay dating kalihim ng Department of Trade and Industry ng gubyernong Ramos.

Si Raul Rabe, special envoy sa Americas at mga bansang Islamiko, ay dating ambassador sa US sa ilalim ni Ramos.

Si Ramos mismo ay binigyan ng prominenteng papel ni Macapagal-Arroyo bilang special envoy sa World Economic Forum.

 


Previous articleBack to topNext article

Enero 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Anihin ang mga tagumpay ng pakikibaka sa pagbabagsak sa rehimeng US-Estrada!
Patuloy na palakasin at paigtingin ang rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayang Pilipino sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo!

Parusahan si Estrada!
Bagong gubyernong Macapagal-Arroyo:
Nanunumbalik ang rehimeng US-Ramos
Paksyon-paksyon sa pulisya at militar
Ang papel ni Eduardo "Danding" Cojuangco sa huling mga buwan ni Estrada sa Malakanyang
Ang mga dambuhala, militante at mapayapang aksyong masa na nagpatalsik kay Estrada
Campaign Plan Balangai:
Patuloy na pasistang pananalakay sa Timog Katagalugan

Mga Pahayag:
Hinggil sa mga bihag ng digmang nasa pangangalaga ng BHB

Mga Pahayag:
Hinggil sa pambobomba sa Metro Manila

Mga Balita ng Pakikibaka
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.