Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Pambansang badyet para sa 2002: Pondo para sa pasismo at pagpapakatuta [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]

 Read this article in English

Ang P780.8 bilyong pambansang badyet para sa taong 2002 ay sumasalamin sa pinag-iibayong pasismo at pagkapapet ng rehimeng Macapagal-Arroyo.

Dinagdagan nang 27% ang badyet ng militar at pulis samantalang 40.1% (o P44.3 bilyon) ang idaragdag sa awtomatikong alokasyon sa pagbabayad sa utang panlabas. Ang pambayad sa utang panlabas ang kumain ng pinakamalaking bahagi ng badyet. Umabot ito sa P359.8 bilyon o 46% ng kabuuang badyet. Ibig sabihin, P986 milyon ang aaksayahin araw-araw sa pagbabayad sa di napakinabangang utang panlabas. Ang kabuuang badyet para sa Department of National Defense, AFP at PNP ay mahigit P100 bilyon o halos 12.8% ng kabuuang badyet. Ibig sabihin, P274 milyon ang lulustayin araw-araw para patabain ang pasistang makinarya.

Samantala, 6.7% lamang ang idinagdag sa badyet sa edukasyon at 6.4% sa kalusugan. Sa kabila ng mga programang pabahay na ipinagyayabang ni Macapagal-Arroyo , ang badyet na inilaan dito ay babawasan pa nang 10%. Ang inilaan lamang para sa kalusugan ay P0.35 bawat tao, bawat araw, para sa edukasyon ay P3.00, at para sa pabahay P0.05. Habang bukambibig nito ang reporma sa lupa, binawasan naman nang mahigit 30% o mahigit P3 bilyon ang badyet na nakalaan sa Department of Agrarian Reform.

 


Previous articleBack to topNext article

Disyembre 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal: Isang taon ng pagpapahirap at pagmamalupit sa mamamayan
National Socio-Economic Summit: Higit pang pasismo at pagtatali ng Pilipinas sa neokolonyalismo [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Special Purpose Assets Vehicle: Pagsagad sa neokolonyal na katayuan ng Pilipinas [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Pambansang badyet para sa 2002: Pondo para sa pasismo at pagpapakatuta [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Krisis sa ekonomya: Ilang mahahalagang datos [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Ang salamangka sa datos sa disempleyo [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Resesyon sa US, Japan at Germany: Krisis sa mga sentro ng kapitalismo [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Danding Cojuangco namamayagpag pa rin: Nakapamamayagpag pa rin si Danding sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo
Kasunduang SMC-Kirin: Maniobra para konsolidahin ang kontrol ni Danding sa SMC
Pinakamalaki sa kasaysayan ng papet na republika: Danding, nangangamkam ng lupa sa Isabela
Mga Ulat Koresponsal: Rebolusyong agraryo, umaani ng tagumpay sa Isabela
Mga Ulat Koresponsal: Ka Haren at Ka Baste: Rebolusyonaryong kagitingan sa harap ng kaaway
Mga Ulat Koresponsal: Paglilinaw hinggil sa kalagayan ng mga bihag ng digma sa Dulong Timog Mindanao
Pananalanta ng pasistang estado: Labing-isang buwang kalbaryo ng militarisasyon sa kanayunan
Sa suporta ng imperyalismong US: Pinaiigting ang pananalakay ng Israel sa mamamayang Palestino
Bunsod ng napakalubhang krisis: Pag-aalsa, sumiklab sa Argentina
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.