![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Dapat bakahin ang suhetibismo, sa anyo man ng rebisyunismo, empirisismo at dogmatismo. Dapat maging mapagbantay sa pagpasok ng ideolohiyang petiburges sa loob ng Partido. Dapat seryosohin ang mga pulong pag-aaral ng lahat ng mga organo at yunit at ang mga pormal na kurso sa pagaaral sa batayan, intermedya at abanteng antas. Sa larangan ng pulitika, dapat matatag at militanteng isulong ang pangkalahatang linya ng bagong demokratikong rebolusyon sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan. Dapat wasto at mahusay na gamitin ng Partido ang dalawang makapangyarihang sandata ng rebolusyunaryong armadong pakikibaka at nagkakaisang prente. Dapat bakahin ang mga "Kaliwa" at Kanang oportunistang kamalian. Paigtingin ang armadong pakikibaka bilang pangunahing anyo ng pakikibaka at isanib ito sa tunay na reporma sa lupa at pagbubuo ng baseng masa. Dapat paunlarin ang nagkakaisang prente para sa armadong pakikibaka at ikoordina ang rebolusyunaryong pakikibaka sa lungsod at kanayunan. Sa larangan ng organisasyon, dapat itaguyod ang prinsipyo ng demokratikong sentralismo, itayo ang pang-organisasyong lakas ng Partido sa buong bansa at malalim na umugat sa masang anakpawis ng manggagawa at magsasaka. Gawing kasapi ng Partido ang papalaking bilang ng mga pinakaabanteng aktibista ng rebolusyunaryong kilusang masa sa lungsod at kanayunan. Habang lumalala ang krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista at ng naghaharing sistema sa Pilipinas, tiyak na magtatamo ang Partido ng mas malalaking tagumpay sa pamumuno sa rebolusyunaryong pakikibaka ng proletaryado at mamamayan. Walang ibang solusyon sa pang-aapi at pagsasamantala ng mga imperyalista at mga lokal na nagsasamantalang uri kundi ang bagong demokratikong rebolusyon sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan. Kapag sa saligan ay nakumpleto na ang kasalukuyang yugto ng rebolusyong Pilipino, maisusulong ang sosyalistang rebolusyon hanggang sa maabot ang ultimong layunin ng komunismo. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|