|
Pananalanta ng Pasistang Estado: Aktibistang pangkapayapaan, iligal na ikinulongMariing kinundena ng GABRIELA ang pagdukot at iligal na pagkulong kay Angelina Bisu�a-Ipong, isang aktibistang pangkapayapaan mula sa Western Mindanao. Nasa pulong-konsultasyon si Bisu�a sa Anastacia Mission Village sa Lumbayao, Aloran, Misamis Occidental nang dukutin siya ng mga elemento ng 1st "Tabak" ID-Philippine Army noong Marso 8.
Tahasang paglapastangan sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) ang pagkabinbin kay Bisu�a. Kasalukuyan siyang nakabimbin sa Pagadian City Jail sa Zamboanga del Norte at sinampahan ng kasong rebelyon. Hindi siya pinayagang magpyansa.
Sa unang 12 araw ng kanyang pagkakakulong, ipinagkait kay Bisu�a ang kanyang karapatang makipag-ugnayan sa kanyang mga kamag-anak at abugado. Ilang beses siyang tinortyur. Noong Marso 12, siya ay piniringan, iginapos at sekswal na inabuso habang pumapailalim sa interogasyon. Makailang beses siyang inilipat-lipat upang hindi agad matagpuan ng mga naghahanap na kamag-anak at mga organisasyong nagtataguyod ng karapatang-tao.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 07 Mayo 2005 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|