Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Basic Education Curriculum ng DepEd:
Dagdag na salot sa sistema ng edukasyon

 Read this article in English

Ipinailalim ngayong Hunyo ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng pampublikong paaralan, mula Grade 1-5 at mula sa First hanggang Third Year sa hayskul, sa Basic Education Curriculum (BEC). Laman ng kurikulum na ito ang limang subject: Pilipino, Ingles, Matematika, Agham at ang tinataguriang Makabayan. Pinagsamasama sa Makabayan ang dating magkakahiwalay na subject na Araling Panlipunan; Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan; Musika, Sining at Edukasyong Pangkatawan; at Kagandahang Asal para sa elementarya. Para naman sa hayskul, pinag-isa sa Makabayan ang Araling Panlipunan (tumatalakay sa Kasaysayan at Pamahalaan, Asian Studies, World History at Economics sa apat na baitang ng segundaryong edukasyon); Teknolohiya at Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan; Musika, Sining at Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan; at Edukasyon sa Pagpapahalaga. Mistulang malaki ang oras na inilaan sa Makabayan kumpara sa iba pang subject. Subalit sa aktwal, binawasan ang oras sa pagtuturo ng mga paksang nakapaloob dito para idagdag sa iba pang subject ng BEC.

Ipinapataw ng DepEd ang BEC sa layuning ibayong hulmahin ang kabataan bilang mga kawal ng "globalisasyon". Mismong si Education Sec. Raul S. Roco ang nagsambit na nais ituro ng BEC ang "patriyotismo" na kumikilala sa "pagsasandigan ng mga bansa (global interdependence)" � sa madaling sabi, sa lubos na pagpapailalim sa imperyalistang "globalisasyon".

Ang pagbibigay-diin ng BEC sa mga bokasyunal at teknikal na mga pagsasanay ay ibinatay sa mga rekomendasyon ng Asian Development Bank (ADB) at World Bank (WB) noon pang 1998. Nakasaad rito na ang kakayahan ng Pilipinas na maging "kompetitibo" ay nakasalalay sa pagkakaroon ng mga gradweyt na may mataas na kasanayan sa paggawa sa larangan ng elektroniks, pagmamanupaktura at serbisyong panturismo. Itinakda nito ang papel ng Pilipinas bilang taga-suplay ng mga manggagawa para sa mga multinasyunal.

Ang pagbabawas naman sa mga pangunahing subject ay alin-sunod sa dikta ng ADB at WB na i-streamline ang kurikulum para makatipid at matiyak ang pagbabayad ng Pilipinas ng utang laluna sa mga imperyalistang institusyong gaya nito.

MALINAW NA ANG BEC AY BAHAGI LAMANG NG SERYE ng mga diumano�y reporma sa sistema ng edukasyon na itinutulak ng International Monetary Fund (IMF) at WB mula pa noong dekada 1970.

Noon pa mang 1962 ay binalak na ng IMF-WB na pondohan ang sistema ng edukasyon sa bansa tungo sa pagpapalawak ng bokasyunal na pag-aaral. Ito�y upang mas makatugon ang pwersa sa paggawa ng Pilipinas sa mga pangangailangan ng pandaigdigang sistemang kapitalista. Batay sa isang sarbey na pinondohan ng US, noong 1972 ay ipinataw ng diktadurang Marcos ang Presidential Decree 6-A o Educational Development Decree. Sa ilalim nito, binigyang-diin ang pagsasanay ng mga manggagawang teknikal at bokasyunal. Ipinalathala ang mga teksbuk sa Instructional Materials Corporation, isang institusyong pinondohan din ng US, upang matiyak na aayon sa dikreto ang nilalaman ng mga libro sa paaralan.

Noong 1974, upang itulak ang paparaming mag-aaral na kumuha ng teknikal o bokasyunal na kurso, nilimitahan ang bilang ng mga pumapasok sa kolehiyo sa pamamagitan ng National College Entrance Examination (NCEE). Bagaman paglao�y pinalitan ito ng National Secondary Achievement Test, nanatili ang NCEE sa esensya.

Nang ipataw ng rehimeng Marcos ang Education Act of 1982, tuluyan nang tinalikuran ng estado ang obligasyong bigyan ng serbisyong pang-edukasyon ang mamamayan. Lumiit na nang lumiit ang badyet sa edukasyon. Hinayaan ang mga pribadong paaralan na gawin itong negosyo sa pamamagitan ng walang-rendang pagtataas ng matrikula.

Ang mga hakbang na ito ay ipinagpatuloy lamang sa mga ipinatupad na programa sa sistema ng edukasyon ng mga sumunod na rehimen(sumusunod).

Ilan pang mga programang ipinatupad sa sistema ng edukasyon mula 1986

  • Program for Decentralized Education (PRODED) para sa elementarya at Secondary Education Development Program (SEDP), dekada 1980. Pinalitan nito ang kurikulum ng elementarya at hayskul para tumutok na lamang sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa, pagsulat at aritmetik, na kinakailangan sa pagpasok sa mga pabrika o paghahandikrap. Pinaikli ang oras para sa sibika, kultura at matematika.
  • RA 6655 o Batas na nagtadhana ng libreng hayskul, 1988. Idineklara na libre ang matrikula sa mga pampublikong hayskul. Tiniyak na nilalaman ng kurikulum para sa sekundaryong edukasyon ang mga bokasyunal at teknikal na kurso na "magbibigay sa mga estudyante ng mapagkakakitaang empleyo".
  • General Agreement on Trade in Services (GATS), 1998. Ibayong pinagtibay ang pagiging komersyalisado ng edukasyon nang ibinukas ito sa pagpasok ng mga dayuhang korporasyon.
  • Long-Term Higher Education Development Plan. Sistematikong binawasan ang bilang ng mga kolehiyo at unibersidad na sinusubsidyuhan ng estado mula 109 hanggang 25 pagsapit ng taong 2005. Sa ilalim ng rehimeng Estrada, tuluy-tuloy pang binawasan ang badyet para sa mga paaralang ito.
  • Pagbubuo ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA), 1994. Pinangasiwaan nito ang mga programa sa teknikal at bokasyunal na pagsasanay at apprenticeship ng mga estudyante. Bahagi nito ang pagpapatupad ng Dual Training System Act, ang malawakang pagpapa-praktikum sa mga estudyante sa mga dambuhalang korporasyon.
  • Commission on Higher Education (CHEd) Memo No. 59. Nilimita nito ang mga kurso sa agham panlipunan.

 


Previous articleBack to topNext article

Hunyo 2002
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Labanan ang mabilis na nag-iibayong armadong interbensyon ng US sa bansa

Komedya sa Senado at Kongreso
Basic Education Curriculum ng DepEd:
Dagdag na salot sa sistema ng edukasyon
Kolonyal na oryentasyon
Matrikula muling tumaas ngayong pasukan
Kampanya sa niyugan:
Bikol, umaani ng tagumpay

Tulungan sa pagsasaka:
Ang lusong ni Mang Jose

DYnastiya sa Isabela
Mga anti-mamamayang negosyo ni Dy sa Isabela, poprotektahan ng CAFGU
Pananalanta ng pasistang estado
Tugon ng mamamayan sa mga lansakang paglabag sa mga karapatang-tao sa Oriental Mindoro
Mga anti-globalisasyong pagkilos, sumusulong
Mga kilusang masa laban sa mga imperyalistang dikta, lumalakas sa buong daigdig
Palayain ang mga detenidong pulitikal sa buong mundo!
Mga Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.