Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Matatagumpay na opensiba ng BHB

 Read this article in English

Labanan sa Bulacan: 7 patay, 11 sugatan sa kaaway

MATAGUMPAY NA NABALIKTAD NG BHB-Eastern Bulacan ang tangkang pangungubkob ng magkasanib na pwersa ng PNP at AFP noong Marso 29 sa Angat, Bulacan. Pitong sundalo ang napatay at labing isa pa ang nasugatan sa hanay ng kaaway. Dalawang Pulang mandirigma ang namartir.

Nakatipon sa araw na iyon ang isang 25-kataong platun ng BHB-Eastern Bulacan sa Pulong Yantok, Angat upang maglunsad ng pagaaral at pagdiriwang sa okasyon ng ika-34 anibersaryo ng BHB. Alas-5:30 ng umaga nang una nilang namataan ang papalapit na mga pwersa ng pulis at sundalo. Nasa bentahe silang pusisyon kaya una silang nakapagpaputok sa kaaway.

Sa kabila ng superyor na armas at mas malaking bilang ng pwersa ng kaaway, namantine ng BHB ang inisyatiba sa buong labanan. Nakakumpiska ang mga Pulang mandirigma ng anim na M16, isang .45 pistola at anim na bandooleer ng mga bala. Liban sa dalawang mandirigma na agad na namartir, ligtas na nakaatras ang iba pang mga kasama. Walang katuturan ang paghahabol umano sa kanila ng mga pulis hanggang Barangay Matandang Sili at Engkanto, sa bayan ng Pandi.

Kabilang sa mga namatay si Chief Inspector Expedito Delgado, haliling direktor ng 305th PMG. Kabilang naman sa mga sugatan sina Supt. Fernando Villanueva, kumander ng 305th PMG ng PNP, na tinamaan sa kanang tainga at kanang balikat, si Insp. Lauro Apostol ng Meycauayan PNP, Insp. Solomon ng Special Action Force ng PNP at Capt. Mario Marron ng 56th IB PA.

Kinilala at pinararangalan ng buong kilusan ang kabayanihan ng dalawang martir na sina Arnel San Juan (Ka Gerald) at Norbel Ortega (Ka Cani). Pinaabutan din ng taimtim na pakikiramay ang kanilang mga mahal sa buhay.

Sa ibang dako ng bansa...

NAGING MATAGUMPAY ANG PAGLULUNSAD NG mga taktikal na opensiba sa iba't ibang dako ng bansa kasabay ng paggunita sa ika-34 na anibersaryo ng BHB. Labinlima ang patay sa mga tropa ng AFP sa mga sagupaan laban sa Bagong Hukbong Bayan (BHB) mula ikalawang hati ng Marso.

Oriental Mindoro. Tinambangan at napatay ng BHB noong Marso 22 ang limang sundalo ng 68th IB ng Philippine Army (PA) sa Pinamalayan. Nasamsam sa kanila ang apat na M16 armalayt at isang M203 grenade launcher.

Pinasabugan ng bomba ang kanilang sasakyan na ikinamatay agad ng apat na tropa, kabilang ang kanilang kumander. Ang isang sugatan ay napag-alamang napatay din.

Noon namang gabi ng Marso 27 sa Bongabon, inambus ang isang platun ng 16th IBPA at Task Force Arrowhead sa Sitio Balite, Barangay Hagan. Patay kaagad ang isang sundalo habang ang isa ay nalagutan ng hininga bago makarating sa Roxas District Hospital.

Palawan. Patay ang isang CAFGU at sugatan ang isang kasapi ng 2nd Marine Battalion Landing Team ng Philippine Marines nang maengkwentro nito ang BHB sa Barangay San Rafael, Puerto Princesa City noong Marso 26.

Bohol. Dalawang sundalo ang dinala sa Central Command Hospital sa Camp Lapu-Lapu, Cebu City noong Marso 28 nang makasagupa nila ang mga Pulang gerilya sa Sitio Masingin, Barangay Tabuk, bayan ng Danao. Sa binti ang tama ng sarhento ng 6th Special Forces Battalion habang ang isang tropa ng Charlie Coy, 15th IBPA ay sa kaliwang paa. Dalawang araw lamang ito makaraang isang sundalo ang napatay sa Sitio Penducon, Barangay Cabatuan, Danao.

Bukidnon. Tatlong sundalo ng 31st Special Forces Battalion at isang CAFGU ang napatay sa ambus sa Barangay Dao, San Fernando noong ika-34 kaarawan ng pagkatatag ng BHB. Nasawi ang isang Pulang mandirigma sa labanang ito.

Albay. Inambus ng BHB ang nagpapatrulyang 22nd IBPA sa Barangay Tababo, Pio Duran noong hapon ng Marso 30. Sa unang bugso ng mga putok, tinamaan at agad na namatay ang isang sundalo.

Libu-libo, dumalo sa libing ni Ka Bob

Umabot sa 2,500 mamamayan ang dumalo sa libing ni Ismaelito "Ka Bob" Giganto sa Tapaz, Capiz noong Marso 29. Namartir si Ka Bob, kumander ng Jose Percival Estocado Command, sa inilunsad na operasyong pananambang ng BHB noong Pebrero 24. Sa operasyong ito, napatay ang pitong sundalo ng SOT ng Task Force Panay sa Barangay Daan Sur, Tapaz.

Karamihan sa nakipaglibing ay nakadamit pula bilang pakikiisa sa rebolusyonaryong kilusan at pakikidalamhati sa kamatayan ng isang rebolusyonaryo. Dala-dala ng mga kamag-anak ni Ka Bob ang mga bandila ng PKP at BHB. Binasa sa libing ang mga pahayag ng Coronacion "Waling- Waling" Chiva Command ng Isla ng Panay at ng Jose Percival Estocado Command-Central Front.

Ebakwasyon sa Mindanao, lumalala

Dumadami ang bilang ng mga refugee sa Mindanao. Sa huling talaan, nilampasan na nito ang nagdaang mga rekord ng mga nagsisilikas sa isla bunga ng mga gera sa nakaraang limang taon.

Sa loob lamang ng dalawang buwan, umaabot na sa 122,114 ang mga nagsilikas. Karamihan dito ay mula sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM), North Cotabato at Sultan Kudarat. Sa mga refugee center ng Pikit, North Cotabato pa lamang, aabot na sa 47,000 ang mga bakwet. Kabilang dito ang 15,000 bata. Sa pinakahuling talaan, mayroong 36 bata ang namatay dito; 13 ang nadagdag nitong Abril 2. Aabot naman sa 366 bata ang nasa mga ospital sanhi ng iba't ibang karamdaman.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Abril 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Mga mananakop sa Iraq, layas!

Madugong pananalakay at pananakop sa Iraq
Mga patriyotikong grupo, tuluy-tuloy na nagprotesta
Mga pambobomba sa Davao
Ulat Koresponsal:
Nandito na naman ba si Michael Meiring?

Ulat Koresponsal:
Presyo ng saging, napataas

Ulat Koresponsal:
Isang tagumpay sa propaganda at edukasyon

Ulat Koresponsal:
Cassava Plantation Project:
Higit pang pahirap at pagsasamantala sa mga magsasaka

Matatagumpay na opensiba ng BHB
Pasada sa mga Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.