Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga Ulat Koresponsal:
Paglaban sa iligal na droga
sa Eastern Visayas

 Read this article in English


�Pampabango lang iyan kay Gloria. Mabibira ang maliliit na pusher pero dahil ang puno�t dulo ng problema sa droga sa bansa ay ang reaksyunaryong gubyerno rin at ang sandatahang pwersa nito, hindi ito mareresolba.� Ito ang reaksyon ni Ka Peping, isang namumunong kadre ng Partido na matagal nang kumikilos sa Samar.

Kung ang pagbabatayan ay mga tawag ng mamamayan at pahayag ng mga komentarista sa radyo, aniya, iisa lang ang sinasabi nila: Wala na silang pag-asang malulutas pa ng PNP o AFP ang problema sa droga dahil ang mga ito ang sangkot at sa katunaya�y nasa likod ng mga sindikato sa droga. Ang BHB na lamang ang makalulutas nito.

Ang totoo, sa anumang bahagi ng rehiyon kung saan namamayani na ang Pulang kapangyarihang pampulitika ng mamamayan, napuksa na ang problema sa iligal na droga o kaya�y hindi na nagkaroon ng pagkakataong lumaganap pa ito. Kung may ilang kaso pa mang natutuklasan, mabilis itong inaagapan sa pamamagitan ng mapagpasyang mga hakbangin ng mga rebolusyonaryong organisasyong masa at, kung kinakailangan pa, ng hukbong bayan.

Ayon kay Ka Peping, ang isa sa mga unang hakbangin sa pagpasok ng rebolusyonaryong kilusan sa anumang lugar ay ang pag-alam kung sinu-sino ang masasamang elemento sa komunidad. Kabilang dito ang mga taong sangkot sa mga anti-sosyal o kriminal na gawain tulad ng pagnanakaw, pangangalabaw, prostitusyon at pagtutulak ng iligal na droga.

Ang pangunahing paraan ng pagharap sa mga ordinaryong taong sangkot sa ganitong gawain ay pulitikal: matiyagang pagpapaliwanag ng mabuting layunin ng rebolusyon at ng halaga ng pagkakaisa ng mamamayan laban sa tunay na kaaway. Inililinaw sa kanila na ang pagkakasangkot sa mga kriminal at anti-sosyal na gawain ay mapangwasak sa rebolusyonaryong pagkakaisa at mapanira sa kapakanan ng mamamayan. Sa kaso ng ipinagbabawal na gamot, ipinaliliwanag ang masamang epekto nito sa kalusugan.

Sa mga unang hakbangin pa lamang na ito, ani Ka Peping, nagkakaroon na ng dramatikong epekto. �Matunugan lamang ng mga drug pusher ang presensya ng BHB sa isang baryo ay may awtomatiko at signipikante nang pagbawas sa kanilang bilang at aktibidad.�

Sa ibayo pang pag-unlad ng pampulitikang gawain sa baryo, nagkakaroon ng papalaking papel ang mismong mga organisasyong masa sa pagtitiyak na malinis ang kanilang lugar sa mga ipinagbabawal na gamot.

Ani Ka Peping, kapag may nababalitaan silang taong nagtutulak ng droga, kinukumpronta nila ang mga ito at pinapaliwanagan para tumigil. �Kadalasan,� aniya, �ay nakukumbinsing tumigil ang mga ito.� Kung may mas malalalim pa silang problema ay tinutulungan din silang lutasin ang mga iyon. Patuloy ding nagsisiyasat at nagsusubaybay ang mga upisyal ng organisasyon kung tunay nga bang nagbago na ang mga ito.

Pero kapag sa kabila ng paulitulit na pakikipag-usap ay hindi pa tumitigil ang mga ito, idininudulog ng organisasyon sa BHB ang problema. At mas malamang kaysa hindi, ang babalang binibitiwan sa kanila ng BHB ang tuluyang nakapagpapatigil sa pagtutulak nila ng droga.

Ang mga ordinaryong taong gumagamit ng droga ay matiyaga at walang-sawang pinaliliwanagan, hinihimok at tinutulungan. Dahil pinakabulnerable sa droga ang kabataan, susi sa pagtiyak na hindi sila mabibiktima nito ang pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapaaktibo sa kanila para sa rebolusyon. �Sa mga konsolidado at kinokonsolidang baryo,� ani Ka Peping, �halos buong-panahong nakatutok ang organisasyon ng kabataan sa mga pampulitika at pang-ideolohiyang pag-aaral, sa pagpapalaganap ng patriyotiko at progresibong kultura, sa pag-oorganisa at sa gawaing produksyon. Wala na silang panahon o interes pa sa mga bulok at dekadenteng aktibidad.�

Habang lumalalim ang pagugat ng rebolusyon sa isang lugar, ang tunguhin ng organisadong kabataan ay kumilos nang buong panahon para sa rebolusyon. �Sa katunayan,� ani Ka Peping, �ang dating malakas na tunguhin ng kabataang Samare�o na lisanin ang kanilang mga baryo para magtrabaho sa Maynila ay unti-unti nang nababaligtad. Ang nagiging tunguhin ay �papaloob� o pagpupultaym sa hukbong bayan.�

Pinalalaganap ng mga organisasyong masa sa mga baryo ang �Kampanyang Salinlahi� o ang panawagang mag-ambag ng anak sa rebolusyon ang bawat pamilya para masalinan ng bagong dugo ang kilusan at magkaroon ng mga kapalit ang mga kasamang nagkakaedad na o nalalagas sa pakikibaka. �Mismong mga magulang ang nanghihikayat sa kanilang mga anak na magpultaym sa Hukbo,� paliwanag ni Ka Peping. �Bahagi na ng pang-araw-araw na buhay sa baryo ang rebolusyon at pinakapangarap ng kabataan ang pagsapi sa hukbong bayan at paglilingkod sa rebolusyon. Papaano pa makakaisip magdroga ang kabataan sa gayong kalagayan?�

Ibang-iba pa rin ang sitwasyon sa mga sentrong bayan at iba pang lugar na hindi pa naaabot ng kilusan o maging sa mga baryong matagal na naiwan ng BHB. Sa isang baryo sa Northern Samar na napilitang iwan ng BHB at natayuan ng detatsment ng AFP noong maagang bahagi ng 1990, mismong ang mga militar ang nagtulak ng droga para bulukin ang mga tao at wasakin ang rebolusyonaryong baseng masa. Sa loob ng apat na taon, sistematikong binitag ng militar ang tukoy na mga myembro ng organisasyon ng kabataan at kababaihan para gumamit ng shabu. Tumigil lamang ito nang matagumpay na mapalayas ng mamamayan ang detatsment sa baryo.

Sa Catarman, kabisera ng Northern Samar, pati mga pulis ay binebentahan ng shabu ng mismong hepe ng anti-drugs operations ng PNP�si SPO3 Vic Delfin. �Isa rin siyang sagadsagarang kontra-rebolusyonaryo at lider ng sindikato ng mga holdaper na nakabase sa Maynila,� ani Ka Peping.

Sa San Juan, San Isidro, Northern Samar, iniulat ng masa na mismong ang kumander ng patrol base ng AFP ang nagpabili ng shabu sa ibang baryo nang maubusan ang yunit niya ng suplay nito.

Sa Allen, Northern Samar, ang suplayer ng shabu ay si PNP Maj. Andy Suan, na kasalukuyang nakatalaga sa Maynila. Kilala siyang kadikit ni Panfilo Lacson.

Sa Guiuan, Eastern Samar, mismong ang meyor nito ang nagsisilbing drug lord. Gamit ang kita sa droga, balak pang kumandidato ng meyor na ito sa kongreso o pagkagubernador sa 2004.

Noong Pebrero 2002, udyok ng mahigpit na kahilingan ng mamamayan, pinarusahan ng Mt. Amandewin Command ng BHB sa Leyte si Inaki Guljuran, isa sa pinakamalalaking drug lord sa Ormoc City at mga karatig-bayan.

�Kilala namin ang bawat isa sa mga numero unong nagtutulak ng droga sa rehiyon,� ani Ka Peping. �Binabalaan namin sila na tumigil na sa kanilang kriminal na gawain.�

 


Previous articleBack to topNext article

21 Hulyo 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Labanan at biguin ang panunupil
sa ligal na demokratikong kilusan

Karahasan at pandaraya sa eleksyon
sa Isabela

Mga lider-magsasaka sa Cagayan,
tinangkang patayin ng 41stIB

Tumitindi ang giriang Cojuangco-Arroyo
Matatagumpay na opensiba ng BHB
Mga Ulat Koresponsal:
Pagbubuo ng balangay ng MAKIBAKA sa isang baryo sa Bikol

Mga Ulat Koresponsal:
Paglaban sa iligal na droga
sa Eastern Visayas
Mga Ulat Koresponsal:
Ang AFP at PNP ang pinakamalalaking sindikato sa droga sa bansa

Mga Ulat Koresponsal:
3 elemento ng RHB, nilitis
sa hukumang Bayan

Obispo ng Mahihirap
Mabababang upisyal at karaniwang kawal ng AFP, ligalig
Sa ibayong dagat:
Papalalang kundisyon ng ekonomya
ng US

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.