|
|
Isang tenyente ng Philippine Army at isa pang sundalo ang hawak ngayon ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Bicol. Nabihag sila nang tambangan ng mga Pulang mandirigma ang kanilang yunit sa Barangay Banga, Tinambac, Camarines Sur noong Marso 2. Ang mga nabihag ay sina 1Lt. Ronaldo Sedelino, commanding officer ng 42nd IB, at Pfc. Ronel Lemiño. Nasa pangangalaga sila ngayon ng Romulo Jallores Command (RJC) ng BHB-Bicol Ipinapaubaya ng RJC sa negotiating peace panel ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang pakikipag-usap sa gubyerno ng Pilipinas kaugnay ng pagpapalaya sa mga bihag ng digma. Habang nasa pangangalaga sila ng BHB, tinitiyak ng BHB ang kaligtasan at maayos na trato sa mga bihag alinsunod sa nauukol na mga patakaran ng BHB at rebolusyonaryong kilusan, Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) at mga internasyunal na alituntuning pandigma. Tatlong sundalo, kabilang ang isang korporal, ang namatay sa naturang ambus at nasamsam sa kanila ang dalawang M203 at isang M14. Walang kaswalti sa panig ng BHB. Samantala, nabihag din ng mga kasapi ng Bonifacio Pasakan Command-Larangang Gerilya 2 ng Negros si Eduardo Raya, isang elemento ng CAFGU, nang salakayin ng mga Pulang mandirigma ang hedkwarters ng 44th CAFGU Coy ng 61st IB sa Barangay Mahalang, Himamaylan City noong Pebrero 15.
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|