Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Editoryal:
Paiigtingin ng Bagong Hukbong Bayan ang mga armadong opensiba

 Read this article in English

Ilulunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang paparaming mga armadong opensiba laban sa rehimeng US-Arroyo. Ito ang sagot ng BHB sa panawagan ng Komite Sentral na paigtingin ang armadong rebolusyon bilang tugon sa walang kapantay na krisis na kinasasadlakan ngayon ng bansa. Ito rin ang tugon ng BHB sa mahigpit na kahilingan ng mamamayan na parusahan ang rehimeng Arroyo.

Mismong ang rehimeng US-Arroyo ang nagtutulak sa mamamayan sa landas ng rebolusyon. Walang hangganan ang pagpapakatuta nito sa imperyalismong US. Masugid nitong ipinatutupad ang pinakamasasahol na patakaran ng liberalisasyon, pribatisasyon at deregulasyon. Kasabwat ito ng malalaking dayuhang korporasyon na tuluy-tuloy na pumipiga ng supertubo mula sa naghihirap na mamamayan. Inilalantad nito ang sariling baho at kabulukan sa walang tigil na girian sa kanilang hanay at serye ng nabubunyag na mga anomalya at kurakutan. Hangal nitong sinusuportahan ang imperyalistang agresyon at bukambibig nito ang litanyang "gera kontra-terorismo" ng US upang bigyang-katwiran ang pasistang pananalakay nito sa mamamayan at imbitahin ang panghihimasok ng US sa bansa.

Tiyak ang paglakas ng kilusang masa ng mamamayang wala nang masusulingan kundi ang kumilos at lumaban. Yayanigin nito sa kaibuturan ang dati nang mabuway na paghahari ng rehimeng US-Arroyo. Kasabay nito, maglulunsad ng paparami, papatindi at mas madalas na mga taktikal na opensiba ang BHB bilang suporta sa paghihiwalay at pagpapabagsak ng rehimen.

Palalawakin at paiigtingin nito ang pakikidigmang gerilya upang abutin ang mas maraming distrito at munisipalidad, batakin ang armadong pwersa ng kaaway sa mas maraming bahagi ng bansa at pahinain ang kapit nito sa mga estratehikong larangang gerilya na kinokonsentrahan ngayon ng AFP.

Makailang beses nang napatunayan ang epektibidad ng kombinasyon ng malalaking demonstrasyon at paglakas ng mga armadong opensiba sa pagpapabilis ng pagbagsak ng nakaupong rehimen. Hindi nito maibabagsak ang buong sistema ngunit palalawakin at patatatagin nito ang demokratiko at rebolusyonaryong kilusang tuluy-tuloy na kikilos at lalaban sa naghaharing sistema hanggang sa tagumpay.

Ang paglulunsad ng digmang bayan sa balangkas ng bagong demokratikong rebolusyon ang pinakamaaasahan at pinakaepektibong paraan ng paglutas sa krisis. Sa tagumpay lamang nito maipatutupad ang mga batayang patakarang magwawakas sa paghahari ng imperyalismong US at ng lokal na malalaking burukrata-kapitalista at panginoong maylupa sa bansa.

 


 Back to topNext article

07 Oktubre 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Paiigtingin ng Bagong Hukbong Bayan ang mga armadong opensiba
Matatagumpay na Opensiba ng BHB
Arturo Tabara, pusakal na kriminal at kontra-rebolusyonaryo
Ang tambalan ni Tabara at ng reaksyunaryong rehimen
Pasistang dahas at panlilinlang, katambal ng imperyalistang pagmimina sa Samar
Tanggalan sa Hacienda Luisita, nilalabanan
Laganap na kagutuman at karalitaan sa bansa
Sigaw ng mga taga-GSIS:
Patalsikin si Garcia!

Pagbabayaran ng rehimeng Bush ang pananalakay at pananakop nito sa Iraq
Patung-patong na kaswalti ng US sa Iraq
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.