|
Pinagtubuan ang digma
Ang isa sa mga pangunahing nakikinabang sa pananalakay sa Yugoslavia ay ang malaking negosyong militar-industriyal. Sa mga unang linggo pa lamang ng pananalakay sa Yugoslavia, umakyat nang 17% ang presyo ng stocks ng Raytheon Co., 12% sa Boeing Co. at 8% sa Lockheed Martin Corporation, pawang mga nagmamanupaktura ng mga kagamitan at eroplanong pandigma. Nakatakdang gumastos pa ang gubyernong US ng $6.05 bilyon para sa kanilang pananalakay sa Yugoslavia at kalakhan nito�y ipambibili ng dagdag pang mga sandata at gamit pandigma. Sa kabuuang ito, humigit-kumulang $420 milyon ang mapupunta sa Raytheon Co.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 04 Marso 1999 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|