Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Bwitre ng Cagayan
Col. Aguinaldo, pinarusahan ng BHB

 Read this article in English

Ginawaran ng rebolusyonaryong hustisya nitong Hunyo 12 si dating Col. Rodolfo Aguinaldo sa tapat ng mismong tirahan niya sa Tuguegarao City. Si Aguinaldo, na kilalang nangungunang manonortyur sa bansa at tinaguriang "bwitre ng Cagayan" dahil sa pagiging pusakal na pasista at kontra-rebolusyonaryo, ay pinarusahan ng isang tim mula sa Fortunato Camus Command (FCC) ng BHB-Cagayan.

Sa pahayag nito, sinabi ng FCC na malaon nang humihiyaw ng hustisya ang mga naging biktima ni Aguinaldo. Pinarusahan siya dahil sa kanyang mahabang listahan ng mga krimen laban sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan, kabilang na ang pagsalbeyds, pagtortyur at pang-aabuso sa mga nadarakip na kadre at aktibista, panggagahasa sa mga asawa at kamag-anak na babae ng pinaghihinalaang mga Pulang mandirigma, sapilitang pagpapalikas, maramihang pang-aaresto at pananakot sa mga tagasuporta ng rebolusyonaryong kilusan. Sangkot din siya sa ismagling ng iligal na droga, troso at tao at sa terorismo at pandaraya sa eleksyon.

Nakarekord ang maraming karumal-dumal na kasalanan ni Aguinaldo sa mga publikasyon ng Amnesty International, Task Force Detainees (TFD), SELDA, sa isang class suit na isinampa ng mga bilanggong pulitikal laban sa kanila ng yumaong Gen. Favian Ver at iba pang pinuno ng AFP noong 1985, sa isa pang class suit ipinanalo ng SELDA sa Hawaii laban sa diktadurang Marcos, at sa marami pang ibang dokumento. Sa isang ulat ng TFD noong 1980, inilarawan si Aguinaldo bilang "isang masugid at sistematikong manonortyur" at "kilalang-kilala na ang kanyang mga sesyon ng hibang na panonortyur... ay nag-iwan ng mga permanenteng pinsala sa maraming detenido". Anang Catholic Bishop's Conference of the Philippines (CBCP), ang pagpatay kay Aguinaldo ay "isang komentaryo sa kabiguan ng sistema ng hustisya". Ayon sa pangulo ng CPCB na si Arsobispo Orlando Quevedo ng Cotabato, di kailan man sineryoso ng administrasyon nina Aquino at Ramos ang pag-uusig sa mga opisyal ng militar na inakusahan ng mga paglabag sa karapatang-tao. At ito ang dahilan kung bakit ang BHB ang siyang inaasahan ng mamamayan para igawad ang mga kaparusahang bigong naipapatupad ng sistema ng hustisya sa bansa.

Si Aguinaldo ay myembro ng Philippine Military Academy Class '72. Sa unang mga taon ng batas militar, kabilang siya sa pusakal na 5th Constabulary Security Unit. Naging PC Provincial Commander siya ng Cagayan noong unang bahagi ng dekada 1980. Bilang provincial commander, nagpatupad siya ng serye ng mga mapanupil na kampanyang militar, kabilang ang "Oplan North Star". Kasama rin siya sa mga naglunsad ng kudeta laban sa rehimeng Aquino noong 1987 at 1989.

Sa bisa ng malawakang terorismo at pandaraya, naging gubernador siya ng Cagayan mula 1988 hanggang 1998, at kongresista ng ikatlong distrito ng prubinsya mula 1998 hanggang natalo siya sa eleksyon noong Mayo 14. Tampok sa kanyang panunungkulan bilang gubernador at kongresista ang mga kaso ng pangungurakot na isinampa sa kanya.

 


Previous articleBack to topNext article

Hunyo 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Ilantad at labanan ang mga maka-imperyalista at anti-mamamayang patakaran at hakbangin ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo

Power Reform Act:
Nagbibigay-daan sa higit na dayuhang dominasyon sa ekonomya

Singil sa serbisyong tubig, tataas
Pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo:
Patuloy na pagkakamal ng superganansya ng mga dambuhalang kumpanya ng langis

Pananalanta ng pasistang estado:
Sa ikalawang kwarto ng taon

Mga Ulat Koresponsal:
Tinuligsa, tumitinding militarisasyon sa Oriental Mindoro

Mga Ulat Koresponsal:
Makatarungan ang pagpaparusa kina Mayor Platon at Rep. Punzalan -- Melito Glor Command

Pagsuspinde ng GRP sa usapang pangkapayapaan, binatikos ng NDFP
Bwitre ng Cagayan
Col. Aguinaldo, pinarusahan ng BHB
Hudyat sa pag-iibayo ng pandaigdigang pakikibaka:
Pandaigdigang liga sa pakikibaka ng mga mamamayan, itinatag

Mga balita ng pakikibaka
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.