![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Pinag-ibayo na ng rehimeng Macapagal-Arroyo ang kasunod na mga hakbang para palawakin at pataasin ang antas ng interbensyong militar ng US at pahigpitin ang kontrol sa ekonomya at pulitika ng bansa. Puspusan ngayong ihinahabol ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo ang kagyatang pagpapatupad ng mga pagbabago sa mga batas at patakaran ng Pilipinas upang lalong magsilbi sa imperyalistang interes sa bansa. ![]() Itinulak ng US na maaprubahan ang Mutual Logistics Support Agreement (MLSA) bago pa man matapos ang Balikatan 02-1 upang tiyakin ang permanenteng presensya ng mga tropang Amerikano sa bansa. Nakatakdang dumaan sa Pilipinas ngayong Agosto 2 si US State Sec. Colin Powell upang madaliin ang pagpapatibay sa MLSA at buuin ang bagong mga plano para sa pagpapakat ng mga tropang Amerikano sa Pilipinas at pagbibigay ng suportang militar sa rehimeng Macapagal-Arroyo. Upang matiyak na mapipirmahan ang kasunduan, pinatalsik ni Macapagal-Arroyo si Bise Pres. Teofisto Guingona bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA). Hayagang tumutol si Guingona sa MLSA, sa iba pang patakaran at kasunduang nagliligalisa sa interbensyong militar at sa bulag na pagsunod sa �digmang anti-terorista� ng US na sumasaklaw maging sa mga rebolusyonaryong pwersa. Sa ilalim ng MLSA, mas malayang makakapaglabas-masok anumang oras ang mga tropang Amerikano saan mang dako ng Pilipinas. Bibigyang-daan nito ang malayang pagtatayo ng US ng mga pasilidad para mag-imbak ng mga suplay, gamit at armas, kabilang na ang mga sandatang nukleyar. Dahil dito, mas epektibong magagamit ng US ang Pilipinas bilang lunsaran ng mga aksyong militar sa Asia-Pacific at iba pang bahagi ng mundo. Upang pag-ibayuhin ang mga operasyon at ang interbensyong militar ng US sa Pilipinas, ihinahabol ding maipatupad ang sumusunod na mga partikular na kaisahan:
Ang mga ito ay pinagkaisahan mismo nina Macapagal-Arroyo at US Pres. George W. Bush noon pang Nobyembre 2001. Sinusugan ang mga ito at idinetalye sa pulong ng Mutual Defense Board noong Hunyo. Habang pinag-iibayo ang armadong interbensyon sa Pilipinas, puspusan ding iginigiit ng US ang lubusang pagbubukas ng ekonomya ng bansa sa anyo ng pagbabago sa reaksyunaryong konstitusyon at pag-aalis ng mga probisyong pumapatungkol sa pangangalaga sa pambansang patrimonya. Sa isang pahayag noong Hulyo 15, tahasang sinabi ni Frank Ricciardone, ambasador ng US sa Pilipinas, na hangad ng US na malansag ang anumang nalalabing proteksyon ng batas sa mga lokal na negosyo tulad ng paglimita sa dayuhang pamumuhunan sa 40% lamang ng kabuuang kapitalisasyon at ang pagbabawal sa mga dayuhan na mag-ari ng lupa. Bilang tugon, walang kahihiyang sinuportahan ito ni Macapagal-Arroyo at iginiit ang pagsasakatuparan ng mga batas at patakarang umaalinsunod rito. Sa likod ng garapal na pagpapakatuta ni Macapagal-Arroyo sa imperyalismong US ay ang hangarin niyang makuha ang katiyakang siya pa rin ang susuportahan nito sa halalang 2004. Ang walang kapantay na pagpa pakatutang ito ang siya ring dahilan ng mabilis na pagkakahiwalay ni Macapagal-Arroyo sa mamamayan at nagsisilbing banta sa kanyang poder. Ngayon pa lamang, tuluy-tuloy nang dinaranas ni Macapagal-Arroyo ang bigwas ng paglaban ng mamamayan sa bawat pakanang lalong sumisikil sa ekonomya ng Pilipinas, lumalapastangan sa soberanya ng bansa at nagpapahirap sa sambayanang Pilipino. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|