Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga Balita

 Read this article in English

Welga pumutok sa PLDT

Sa piketlayn nag-Pasko ang mga kasapi ng Manggagawa ng Komunikasyon sa Pilipinas (MKP) ng Philippine Long Distance Company (PLDT) nang magwelga sila sa buong bansa noong gabi ng Disyembre 23. Nagdesisyon ang MKP na ituloy ang welga pagkatapos magkaroon ng deadlock ang negosasyon para sa collective bargaining agreement (CBA) sa pagitan ng unyon at maneydsment na sinimulan noong Disyembre 18. Mula Nobyembre ay naglulunsad na ng iba�t ibang anyo ng protesta ang mga manggagawa.

Tutol ang 6,700 kasapi ng MKP sa pagsibak sa 550 opereytor ng telepono (na karamihan ay nasa mga prubinsya) at sa planong restructuring ng PLDT. Ani Pete Pinlac, pangulo ng MKP, sa malao�t madali ay papalitan ng mga kontraktwal ang lahat ng mga regular na manggagawa sa PLDT bunga ng restructuring.

Planta ng NAPOCOR, binarikadahan ng taumbaryo

Napilitang itigil ang operasyon ng Masinloc coal-fired plant ng National Power Corporation (Napocor) nang magbarikada ang taumbaryo sa Barangay Bani, Masinloc, Zambales noong Disyembre 20. Kasama ang mga upisyal ng barangay sa barikada.

Iginiit ng mga taumbaryo ang karagdagang bayad para sa malaking pinsalang idinudulot sa kanilang komunidad ng operasyon ng Napocor. Dalawang power generating unit (makinang lumilikha ng kuryente) ang nagsara bunga ng aksyong protestang ito. Umaabot sa P4.9 milyon kada araw ang nawawala sa Napocor pagkasara ng naturang mga power generating unit.

Tigil-byahe, inilunsad sa Cebu, Panay

Pinaralisa ng mga tsuper, konduktor at mekaniko ang transportasyon sa Cebu City at Panay nang maglunsad sila ng mga welga noong Disyembre.

Halos 90% ng transportasyon sa loob at labas ng Cebu City ang paralisado nang magwelga ang mga drayber at opereytor na kasapi ng Transport Unity Forum noong Disyembre 16. Tinutulan ng nasabing organisasyong binubuo ng pitong malalaking samahan ng mga drayber ang antidrayber na mga ordinansa ng syudad at mga patakaran sa trapiko.

Samantala, sa Panay, tuloy pa rin ang welga ng mga kasapi ng Seventy Six (76) Liners Drivers and Mechanics para tutulan ang paglabag ng maneydsment sa CBA at tangkang pagbuwag sa kanilang unyon.

Sa Luzon, bumalik na sa trabaho noong Disyembre 21 ang mga manggagawa ng Philippine Rabbit Bus Line pagkatapos ng 50 araw na welga. Sa sampung kahilingang iginiit nila, dalawa na lamang ang hindi naibigay ng maneydsment, ayon sa unyon.

Pagmaltrato sa mga deportee, binatikos

Kinundena ng Migrante ang pagmamaltrato ng US Immigration sa 85 Pilipinong ipinadeport pabalik sa bansa noong Disyembre 14. Ayon sa Migrante, nakaposas at nakakadena ang karamihan sa kanila habang sakay ng eroplano mula sa US. Pangalawang pagkakataon na itong nangyari. Noong Hunyo 2002, 63 deportees din ang nakaposas at nakakadenang dumating sa Pilipinas mula sa US.

Mga estudyanteng Nepalese, nagwelga

Mahigit 500,000 estudyante sa 2,000 pribado at 2,000 pampublikong paaralan ang nagboykot ng kani-kanilang mga klase sa Kathmandu Valley bilang pagtugon sa limang araw na welgang idineklara ng All Nepal National Free Students� Union-Revolutionary (ANNFS-R) noong Disyembre 9-13.

Nagtawag ng welga ang ANNFS-R upang igiit sa gubyerno ang karapatan sa libreng edukasyon ng lahat ng kabataan hanggang 16 taong gulang at bawasan ang mga binabayarang matrikula sa mga pribadong institusyon. Iginiit din nilang bawiin ang teroristang bansag ng gubyerno sa ANNFS-R.

Pulong ng EU, binatikos

Sinalubong ng protesta ng 5,000 demonstrador ang pagtatapos ng European Union Summit sa Copenhagen, Denmark noong Disyembre 12. Habang nagmamartsa sa mga kalsada ng lunsod, inihayag ng mga demonstrador ang kanilang pagkabahala sa laganap na karalitaan sa mundo at sa napipintong gera ng US sa Iraq. Labinlimang aktibista mula France, Germany, Norway at Sweden ang inaresto ng mga pulis.

Iligal na pang-aaresto sa Italy, kinundena

Ilampung libong Italyano ang nagprotesta sa iba�t ibang dako ng bansa noong Disyembre dahil sa iligal na pang-aaresto at iba pang paniniil ng estado sa mga dumalo sa rali noong Nobyembre 9 laban sa European Social Forum at sa pinakamalaking demonstrasyong anti-gera sa bansa na nilahukan ng isang milyong katao. Tatlumpong libong mamamayan ang nagrali sa Florence habang 60,000 ang nagprotesta sa Cosenza upang palayain ang mga bilanggong pulitikal.

Apatnapu�t dalawang katao ang dinakip sa 45 reyd na inilunsad ng mga pulis sa Italy mula Nobyembre 14 hanggang Disyembre 14. Ang mga dinakip ay sinampahan ng sari-saring kaso, kabilang ang paggawa at pag-iingat ng mga eksplosibo, bandalismo at paglaban sa awtoridad.

Mga protesta sa Argentina, lumalawak

Ilampung libong mamamayan ang naglunsad ng mga kilos-protesta noong Disyembre 19-20 sa Buenos Aires, kabisera ng Argentina, laban sa krisis pang-ekonomya at para igiit ang pagpapatalsik sa gubyerno. Kinundena ng mga demonstrador sa dalawang araw na martsa-protesta kapwa ang nakaraan at kasalukuyang gubyerno dahil sa laganap na gutom, karalitaan at disempleyo sa Argentina. Binarikadahan nila ang mga kalsada at sinunog ang mga bandila ng US at United Kingdom para ipakita ang kanilang matinding galit sa patakaran ng imperyalistang "globalisasyon." Anila, nagdudulot ito ng matinding krisis sa pinansya sa bansa. Ibinigay nilang halimbawa ang 70% pagbagsak ng halaga ng Argentine peso kumpara sa dolyar.

Mga anti-US na kilos-protesta, lumalaganap

Sa South Korea. Muling iginiit ng mamamayang Koreano ang pagpapatalsik sa 37,000 tropa ng US mula sa kanilang bansa matapos mapawalang-sala sa hukuman sa US ang dalawang sundalong Amerikanong sumagasa at nakapatay sa dalawang batang babaeng mag-aaral na Koreano noong Hunyo. Nangyari ang insidente habang inilulunsad ang isang pagsasanay-militar.

Halos araw-araw na nagdaos ng mga rali-protesta ang mamamayang Koreano. Noong Disyembre 15, mga 100,000 ang nagprotesta sa Seoul at mahigit 400,000 din ang nagrali sa 61 lunsod at bayan. Muling sumiklab ang protesta noong Disyembre 21, isang linggo pagkatapos mahalal ang bagong pangulo ng South Korea na si Roh Moo-hyun. Mula sa palaban nitong pusisyon, naging pabor si Roh sa mga patakaran ni Presidente George Bush ng US.

Sa Germany. Lumalakas din ang pagtutol ng mga mamamayan dito sa mga base militar ng US. Noong Disyembre 14, nagsagawa sila ng mga rali sa tapat ng Spangdahlem Air Base at sa iba pang base militar ng US sa Ramstein at Rhein-Mane. Nanawagan ang mga demonstrador sa gubyerno ng Germany na maging matatag laban sa mga balak ng US na digmain ang Iraq. Anila, hindi dapat pahintulutan ang paggamit ng mga base militar ng US sa bansa at ng himpapawid ng Germany sa napipintong gera laban sa Iraq. Ang mga kilos protesta ay inilunsad sa kabila ng matinding taglamig.

Sa US. Inilunsad noong Disyembre 10 ang "Artists Say Win Without War," ang kilusan ng mga artista sa Hollywood laban sa planong pagsalakay sa Iraq. Sinabi ni Martin Sheen, isang aktibista at premyadong artista, na tutol sila sa paglulunsad ng gubyernong Bush ng "preemptive military strike" laban sa Iraq. Kaugnay nito, dumalaw sa Iraq noong Disyembre 14 si Sean Penn, isa pang kilalang artista. Sa isang talumpati, sinabi ni Penn sa mamamayan ng Iraq na sisirain ng agresyong militar ang kapayapaan at seguridad hindi lamang ng mga bansa sa Persian Gulf kundi ng buong daigdig.

 


Previous articleBack to top 

Enero 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Lahatang-panig na isulong ang rebolusyon!

Rebolusyonaryong pagbubuwis:
Isang lehitimong gawain sa paggugubyerno

Matatagumpay na opensiba ng BHB
(ero)Planong 747:
Bagong bansag sa lumang gimik

(ero)Planong 747:
Bagong bansag sa lumang gimik

Mga pantastikong laman ng Plan 747

Krisis pang-ekonomiya:
Ilang estadistika ng krisis

Krisis pang-ekonomiya:
Salbabida

Krisis pang-ekonomiya:
Mahirap ang buhay ng mga DH sa Hongkong

Mga maniobra ni Macapagal-Arroyo hanggang 2004 at lampas pa rito
Karanasan sa Maynilad:
Kabulukan ng patakarang pribatisasyon

Karanasan sa Maynilad:
Mga pangakong napako

Pasismo ng Estado
Pasismo ng Estado:
"Huwarang berdugo"

Pasismo ng Estado:
Pagkamatay ng mga peryodista, pinaiimbestigahan ng Amnesty International

Pasismo ng Estado:
UN Rapporteur, nagulantang sa laganap na paglabag sa mga karapatan ng mga pambansang minorya

Lumalaganap ang mga kritikal na dokumentaryong video
Mga Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.