VLT/DPS, punung-puno ng katiwalian
Isa sa mga pakana ng mga panginoong maylupa upang umiwas sa pagpapatupad ng reporma sa lupa ay ang Voluntary Land Transfer/Direct Payment Scheme (VLT/DPS). Ito ang pinakamadalas nang ginagamit sa mga diumano�y pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), laluna mula 1996. Ang VLT/DPS ay pinagtibay na rin ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo bilang estratehiya sa pagpapatupad ng CARP.
Sa VLT/DPS, pumipili ang mga panginoong maylupa ng mga pinapaborang "benepisyaryo" na direkta nang "magbabayad" sa kanila. Ang tanging papel na lamang dito ng DAR ay ang paggawa ng mga sertipiko at iba pang upisyal na dokumento, pagpapasarbey at pagtanggap ng transfer tax (buwis sa paglipat).
Maging sa pagsisiyasat ng Audit Management and Investigation Committee of the Presidential Agrarian Reform Council (AMIC-PARC), napatunayang ito ngayon ang ginagamit na iskema ng karamihan ng mga panginoong maylupa para lusutan ang CARP. Sa ilang lugar, tulad ng Pangasinan, umaabot nang hanggang 95% ng diumano�y pagpapatupad ng CARP ang idinaraan sa maanomalyang iskemang VLT/DPS.
Sumusunod ang ilan sa mga karaniwang anyo ng katiwalian sa iskemang VLT/DPS na nailantad:
- Marami sa mga ginawang "benepisyaryo" ay di kwalipikado, kabilang ang mga nasa murang edad pa na anak at iba pang kamag-anak ng mga panginoong maylupa o kaya�y mga dummy (prente) ng mga panginoong maylupa. Ayon nga sa AMIC-PARC, "ang ilang naiuulat na pamamahagi ng lupa ay paraan ng pagpapamana."
Sa Agno, Pangasinan, 95% ng iniulat ng Municipal Agrarian Reform Officer na "pinamahagihan" ng mga lupain ay sa pamamagitan ng VLT/DPS at na karamihan ng mga ito�y mga kamag-anak at tauhang pinili ng mga panginoong maylupa.
- Sa maraming kaso, nag sabwatan lamang ang mga panginoong maylupa at naglista ng kung kanikaninong mga pangalan nang hindi na ipinaaalam sa mga "benepisyaryo". Sa maraming kasong inimbestigahan, ni hindi magsasaka ang mga "benepisyaryo" at walang balak magsaka; ni hindi nila kilala ang panginoong maylupa na pumili sa kanila bilang "benepisyaryo"; at hindi rin nila alam kung nasaan ang tinutukoy na mga lupain.
Sa Iligan City, halimbawa, natuklasang hindi magsasaka ang 26 "benepisyaryo" ng VLT/DPS. Kabilang sa mga ito ang isang manidyer ng botika, isang manidyer ng imprenta, siyam na estudyante at dalawang matagal nang nakatira sa US.
Sa Esperanza, Agusan del Sur, natuklasang ang anim na "benepisyaryo" ng VLT/DPS ay di magsasaka at di man lamang nakatira sa lugar: dalawa ang nasa Maynila, dalawa sa Bohol, isa sa Sarangani at ang isa pa ay dalawang taon nang nagtatrabaho sa ibang bansa.
Laki ng pag-aaring lupain ng ilang pinakamalalaking panginoong maylupa noong 2000
Hasyenda/Panginoong may lupa
| Pag-aari (ektarya)
| Lugar
|
---|
Danding Cojuangco | 19,000 | Isabela, Negros, Pangasinan, Mindoro |
Hacienca delos Santos | 9,700 | Nueva Ecija |
Hacienda San Antonio and Sta Isabel | 8,000 | Isabela |
Hacienda Roxas | 8,500 | Batangas |
Hacienda Yulo | 7,100 | Laguna |
Pamilya Tinio | 7,000 | Nueva Ecija |
Hacienda Luisita | 6,000 | Tarlac |
Pamilya Floirendo | 4,500 | Mindanao |
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|