Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga ulat koresponsal:
Muling sumisibol ang rebolusyonaryong gawaing pangkultura sa Panay

 Read this article in English

Sumisigla ngayon ang rebolusyonaryong gawaing pangkultura sa Panay makaraan ang mahigit isang dekadang pananamlay nito. Maraming lumalaganap ngayong lathalain mula sa rehiyon na naglalaman ng mga tula, awit, anekdota, maikling kwento, komiks at dibuho. Nasimulan na rin ang paggawa ng mga bidyo dokumentaryo.

Noong Pebrero 2004, muling inilathala ang Sublak o "sibol,� isang rebolusyonaryong magasing pangkultura sa rehiyon. Tumiklop ito noong 1989 nang mamayani ang maling linya ng adbenturismong militar at insureksyunismong lunsod at napabayaan ang gawaing pangkultura. Layunin sa muling paglalabas nito ang pagpopularisa ng mga rebolusyonaryong adhikain at karanasan ng mga Pulang mandirigma, masang anakpawis at iba pang demokratiko at patriyotikong sektor sa pamamagitan ng panitikan at likhang-sining.

Kalipunan ng mga awit at tula. Nahahati sa apat na bahagi ang bagong edisyon ng Sublak.

Sa unang bahagi, may 23 tulang nakasulat sa Hiligaynon. Ilan sa mga ito ay may salin din sa Ingles at Pilipino. Mapapansing karamihan sa mga nag-ambag ng kanilang mga tula ay bagong sibol na mga manunulat�mga kadre ng Partido, upisyal at Pulang mandirigma, mga organisador ng mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, maralita ng lunsod at pambansang minorya.

Binubuo ng apat na ambahanon (awit) ang ikalawang bahagi. Sa estilo ng popular at tradisyunal na composo, sugidanon o ismayling, epektibong naipahayag sa "Igpahu," "Kasaysayan sang Baryo," "Grupong Binuligay" at "Ambus sa Malinao" ang mga saloobin at adhikain at pakikibaka ng mamamayan sa pagsusulong ng rebolusyong agraryo, pagpapaunlad ng produksyon at paglaban sa militarisasyon, sapilitang ebakwasyon, pangangamkam ng lupa at ang kagitingan ng BHB, sabay ang paghihikayat na sumanib sa lumalawak na hanay ng pambansa-demokratikong kilusan. Nilikha ang mga awiting ito ng mga grupong pangkultura ng BHB sa Central at Southern Front.

Mga sugilanon. Naglalaman ng dalawang maikling sugilanon (kwento) ang ikatlong bahagi. Inilarawan ng Dalugdog sa Septyembre ni Rio Roja ang praktika ng isang bagong buong SYP sa Northern Front noong maagang bahagi ng dekada 1970 mula sa kawalang-karanasan nito sa pagbubuo ng base at hukbong bayan hanggang sa pagtambang nito sa kaaway sa unang pagkakataon. Sinariwa naman ng Tinipik sang Kasaysayan ni Maya Mor ang pagmasaker ng mga pasistang tropa ni Magsaysay sa 37 kadre, kumander at kasapi ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HMB) na nagpupulong noong Abril 27, 1953 sa Taruytoy, Libacao, Aklan. Dalawa sa mga nakaligtas dito, sina Kumander Coronacion "Waling-Waling" Chiva at asawa niya, ay gumanap ng malaking papel sa pagpapalawak ng BHB sa Border Area ng Iloilo-Capiz-Aklan noong 1972.

Panghuling bahagi ng Sublak ay komiks tungkol kay "Caduy," ang batang naging popular na karakter sa komiks na nagsimulang lumabas noong 1982 sa mga pahina ng Daba-Daba, ang pahayagang masa ng rehiyon.

Rebanek. Hindi sa lahat ng oras ay seryoso ang mga rebolusyonaryo. Sa araw-araw nilang buhay-at-kamatayang pakikibaka, marami ring sumusulpot na nakatatawang insidente, sadya man o hindi. Upang kunan ng mga aral, inipon ang mga ito nina Rubio Rus Lucha at Maya Mor sa 44 na dagli at pinamagatang REBANEK o mga rebolusyonaryong anekdota.

May ilan pang kalipunan ng mga sulatin tulad ng Poems, The Enemy's Son and Other Poems from the Warfront (23 tula) at Hiwalaybay nga Walay Prosodyo (30 tula)�lahat ni Maya Mor�at Pila ka Binalaybay kag Ambahanon ang akon Gin-gikanan (mga liham, awit at tula) ni Bayani Obrero.

Inaasahan sa muling pagsibol ng rebolusyonaryong gawaing pangkultura na marami pang mahihikayat at makakikita ng panahon na magpahayag sa masining na paraan ng kanilang mga saloobin tungkol sa sarili, sa mga minamahal, sa lipunan at sa rebolusyon kahit sa gitna ng pakikipaglaban sa kaaway at paggampan ng iba't iba pang mga praktikal na gawain sa rebolusyon.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Hulyo 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Lumalala ang pagkakahiwalay ng rehimeng Arroyo sa mamamayan

Tagumpay ng mamamayan ang pagpapalaya kay Angelo dela Cruz
Pagbuwag sa rali, binatikos
Mga kaso laban kay Palparan, ipupursige
Lumalalang paglabag sa karapatang-tao sa Eastern Visayas
Mga ulat koresponsal:
Matagumpay na depensa ng BHB sa Northern Samar: Apat, di nagapi ng apatnapu

Mga ulat koresponsal:
Laban sa matinding militarisasyon sa Quezon

Mga ulat koresponsal:
Muling sumisibol ang rebolusyonaryong gawaing pangkultura sa Panay
Maikling bidyo
Sa Ibayong Dagat:
Lumalakas ang pagtutol sa patakarang panlabas ng US: Sunud-sunod na dagok

Iligal ang security barrier ng Israel
Balita:
Abusadong mga tropa, pinalalayas sa Negros

Balita:
Pagbabayad-pinsala sa mga biktima ng batas militar, binalewala ng rehimeng Arroyo

Balita:
US, binatikos sa kumperensya ukol sa AIDS

Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.