|
|
Salamin ng reaksyunaryong pulitika sa pambansang antas ang dumi at karahasan ng lokal na pulitika sa Isabela. Ngayon pa lamang ay makikinita na mula rito ang kahahantungan ng darating na pambansang eleksyon. Noong Mayo 12, garapal na dinaya ng dinastiyang Dy sa Isabela ang espesyal na halalan para piliin ang kapalit ni Antonio Abaya, ang namatay na kongresman para sa ika-apat na distrito ng prubinsya. Minanok ng mga Dy at ng Nationalist People�s Coaliton (NPC) ni Eduardo �Danding� Cojuangco si Giorgidi Aggabao, galamay nila at kamag-anak ni Cojuangco. Pinagtulungan nila si Dr. Asuncion Abaya, ang byuda ng nasirang kongresman. Isa sa mga pangunahing balwarte ni Cojuangco ang Isabela at mahigpit na pinangangalagaan ng sabwatang Cojuangco-Dy ang kanilang kapangyarihang pampulitika at pang-ekonomya rito. Inaasahan nila na sa pamamagitan ni Aggabao ay maipagpapatuloy ang mga anti-mamamayan nilang proyekto, pangunahin na ang malawakang pang-aagaw ng lupa para sa plantasyon ng kamoteng-kahoy, na nitong huli ay sumaklaw na rin sa ikaapat na distrito ng Isabela. Kailangan din nilang panatilihing solido ang lugar para sa mga balak nila sa eleksyon sa 2004. Sa kabila ng katakut-takot na panunupil at pandarahas ng sabwatang Cojuangco-Dy-Aggabao, pagbaha ng pera at pagbili ng mga boto, malinaw na tinalo ni Abaya si Aggabao batay sa bilangan ng mga boto sa mga munisipalidad. Pero nabaligtad ang resulta pagdating sa canvassing sa Ilagan, kabisera ng Isabela, kung saan binantayan mismo ni Dy at ng mga tropa ng pulis at 5th ID ang �pagbibilang� at pinagbawalang sumaksi ang publiko, pati na ang mga poll watcher at abugado ni Abaya. Di pa nagkasya rito, noong Mayo 15 ay pinatay ng mga tauhan nina Dy si Engr. Joaquin Soriano, ang campaign manager ni Abaya at municipal coordinator ng Bayan Muna sa Jones, dahil sa pagtanggi nitong suportahan si Aggabao. Buong kapal ng mukha pang sinikap ng kampo ni Dy na mangintriga laban sa Bagong Hukbong Bayan at palabasing ito ang pumatay kay Soriano. Nagpadala sila sa Bombo Radyo DZNC ng huwad na pahayag ni Ka Delio Baladon, tagapagsalita ng Benito Tesorio Command ng BHB sa timog Isabela, na umaamin umano sa pagpaslang kay Soriano. Subalit agad nahalata ng mga taga-Bombo Radyo na hindi totoo ang pahayag. Nakumpirma ring militar ang naghatid ng pahayag. Noong Mayo 24, muling naglunsad ng motorcade at dinaluhan ito ng libu-libong tao. Pagkatapos ay tumungo ang mahigit 1,000 mamamayan sa libing ni Soriano kung saan kinundena ng iba�t ibang tagapagsalita ang pangkating Dy. Nagsilbing pinal na bahagi ang pagbasa sa parangal ng Benito Tesorio Command kay Soriano. Ang gayong kalakas na pagtuligsa sa dinastiyang Dy, na noon lamang nasaksihan sa timog Isabela, ay tiyak na titindi pa habang papalapit ang eleksyon sa 2004 at mas pinarurumi ng sabwatang Cojuangco-Dy ang kanilang pagmamaniobra sa pulitika.
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|