|
Korapsyon, pagwawaldas at maling mga prayoridad ang tunay na nasa likod ng dambuhalang depisit sa pambansang badyet ng gubyerno
- Aabot sa P100-200 bilyon ang nawawaldas taun-taon dahil sa korapsyon. Ayon sa pag-aaral ng United Nations Development Program, 70% ng halagang nawawaldas ay bunsod ng mga anomalya kaugnay ng obras publikas at 30% ang kaugnay ng katiwalian sa pagbibili ng mga suplay at kagamitan.
- Mahigit 67% (o P600 bilyon) ng panukalang badyet para sa 2005 ay lalamunin lamang ng pagbabayad ng panlabas na utang ng Pilipinas.
- Mahigit P90 bilyon o humigit-kumulang 10% ng panukalang badyet para sa 2005 ay mapupunta sa Department of National Defense, AFP, PNP at badyet paniktik ng Malakanyang. Gagamitin ito para sa panunupil at paglabag sa karapatang-tao ng mamamayan. Di pa kabilang dito ang mawawaldas sa luho, kurakot at iba pang katiwalian ng mga punong upisyal ng militar at pulisya.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 07 Agosto 2004 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|