Patuloy na paglulunsad ng mga taktikal na opensiba ng BHB-Bikol
�Mumunting pagwawagi kung ating iipunin Malaking tagumpay ang makakamit natin.�
Walang patid ang paglulunsad ng mga taktikal na opensiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa iba�t ibang prubinsya ng Kabikulan. Mula Hunyo hanggang Agosto, 14 ang napatay at 20 iba�t ibang kalibreng armas ang nakumpiska sa walong opensiba.
Nitong Agosto, nagulantang ang mga pwersa ng Philippine National Police ( PNP) at Citizens� Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa inilunsad na taktikal na opensiba ng pinagsanib na pwersa ng komiteng pamprubinsya ng Partido sa Masbate at yunit gerilya ng BHB sa rehiyon. Pinarusahan ng BHB ang isang ahente ng PNP, inambus ang sumaklolong PNP at CAFGU, at kinumpiska ang 18 armas mula sa mga ito.
Pinarusahan noong Agosto 1 sa Sityo Bat-og, Balite, Aroroy, Masbate si Baryo Kapitan Roberto Inopia, aktibong espiya ng PNP at may mahabang listahan ng mga krimen laban sa mamamayan. Nakumpiska sa kanya ang isang M16, isang .45, isang .357, isang .22 at dalawang riot shotgun.
Kinabukasan, alas-2 ng madaling araw, sumugod sa pinagparusahan kay Inopia ang tropa ng PNP sakay ang isang dyip, isang trak at dalawang motorsiklo. Tinambangan ng mga mandirigma at ikinonsentra ang putok sa dyip at isang motorsiklo, habang mabilis na tumalilis ang trak at ang isa pang motorsiklo. Limang pulis at isang elemento ng CAFGU ang napatay. Tatlo pang sugatan ang sumuko. Kinumpiska ng BHB ang anim na M16, dalawang garan, isang M14, dalawang .45, isang .38, maraming magasin at mga bala.
Ang mga sugatang PNP ay pinainom ng gamot, tinrato bilang mga bihag ng digma at pinayuhang umalis na sa serbisyo.
Noon ding Agosto 2 ng umaga, sa Lukbanan, Capalonga, Camarines Norte, pinarusahan ng espesyal na tim ng BHB si Nilo Elip y Rosas, na napatunayang dalawang beses na nagsuplong sa kaaway ng kilos ng BHB. Aktibo rin siyang naggiya sa mga operasyon ng kaaway. Pinarusahan siya nang binalewala niya ang pagkakataong ibinigay sa kanya ng kilusan upang magbago, at dahil sa kahilingan ng mamamayan sa lugar.
Gayundin, noong Agosto 2 ay ginawaran ng rebolusyonaryong hustisya ng espesyal na tim ng BHB si PNP Sr. Insp. Nomeriano Relorcasa. Pinarusahan siya dahil sa pagiging sagadsaring kontra-rebolusyonaryo at sa utang na dugo sa mamamayan ng Tomolin, Ligao, Albay.
Ang mga nabanggit ay pinakahuli lamang sa mga taktikal na opensibang inilunsad sa rehiyon. Matagumpay ang espesyal na operasyong isinagawa ng BHB sa Sorsogon noong Hulyo 30. Pinarusahan ng BHB si SPO1 Alfredo B. Baraquiel, isang abusadong pulis sa Barangay Bacolod, Juban. Nakumpiska mula sa kanya ang isang M16 at isang 9 mm.
Noong Hulyo 10, pinarusahan ng BHB si Ronald Creer, dating gerilya ng BHB na sumuko sa kaaway at naging impormer ng 203rd Bde at sangkot sa mga pagnanakaw, panghoholdap at pagpatay.
Isa pang operatibang paniktik ng 203rd Bde ang pinarusahan ng BHB noong Hulyo 3. Si Sarhento Toreret, isang espiya, ay tagalatag at tagakoordina ng lambat paniktik sa mga baryo ng Camarines Norte. Bukod rito, pasimuno siya sa sindikatong nagtutulak ng shabu, kidnap for ransom, pagkarnap at iligal na pagtotroso. Responsable rin siya sa pagpapamasaker sa mga inosenteng mamamayan sa Kanapawan, Labo noong Marso 1999. Tinambangan ng isang espesyal na tim si Toreret sa Sityo Cucod Kabayo, Barangay. Bagong Silang I, sa bayan ng Labo.
Noon namang Hunyo 27, pinarusahan ng BHB si Bong Acula sa bayan ng San Vicente, Camarines Norte. Si Acula ay dating mandirigma ng BHB na sumuko at nagpagamit sa kaaway. Aktibo siyang naggiya sa mga operasyong militar at nagpasuko sa mga dati ring Hukbo. Nanulsol din siya sa mga magulang na pasukuin o akiting sumuko ang mga anak na Pulang mandirigma.
Hanggat pinagsasamantalahan at inaapi ang masang anakpawis, paiigtingin ng BHB-Bikol ang pakikidigmang gerilya batay sa lumalawak at lumalalim na baseng masa, kasabay ang rebolusyonaryong mamamayan ng buong bansa.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|