|
|
Inianunsyo ni US State Sec. Colin Powell nitong Agosto 9 na ibinibilang na nito sa mga itinuturing na Foreign Terrorist Organization (FTO o dayuhang teroristang organisasyon) ang PKP at BHB. Ang hakbanging ito ay bahagi ng paghahanda ng imperyalismong US sa tuwirang panghihimasok sa kontra-rebolusyonaryong digma. Ibinilang sa mga tinaguriang FTO ang BHB dahil umano sa mahigpit na pagtutol nito sa "anumang presensya ng US" sa Pilipinas at pagpatay sa ilang mamamayang Amerikano sa bansa. Ayon kay Powell, umaasa siyang ang naturang desisyon ng US ay makahihikayat sa iba pang gubyerno na umaksyon din para ihiwalay ang PKP at BHB, barahan ang pinagmumulan ng pinansya ng mga ito at hadlangan ang kanilang paglalakbay sa iba�t ibang bahagi ng mundo. Kaugnay nito, magkahiwalay na hiniling ng US at ng rehimeng Macapagal-Arroyo sa gubyerno ng The Netherlands na ipitin ang mga "pag-aari ng PKP at mga lider nito" sa naturang bansa. Bilang tugon, inianunsyo ng foreign ministry ng The Netherlands nitong Agosto 13 na haharangin nito ang mga deposito ni Ka Jose Ma. Sison at ang mga ari-arian ng NDFP. Nitong Agosto 17, naghayag din ng gayong desisyon ang United Kingdom.
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|