|
Pagtatayo ng balangay ng MAKIBAKA sa Kamaynilaan
Hulyo noong nakaraang taon nang malathala sa AB ang pagbubuo ng balangay ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA) sa isang baryo sa Bikol. Isa lamang iyon sa marami nang nabubuong balangay nito sa kanayunan sa iba't ibang bahagi ng bansa. Ngayon, halaw sa isang artikulong lumabas sa pahayagang Malayang Pilipina ng MAKIBAKA, naririto naman ang tungkol sa pagkakabuo ng isang balangay nito sa Kamaynilaan.
Hunyo 15, 2003 nang mabuo ang isang balangay ng MAKIBAKA sa Barangay Alitaptap. Labinlimang kasapi ng MAKIBAKA ang nagtipun-tipon para rito. Ayon kay Kasamang Malaya Libertad, tagapagsalita ng MAKIBAKA, makasaysayan ang pagbubuo ng balangay na ito dahil ito ang kauna-unahang balangay na pormal na nabuo sa Kamaynilaan matapos ang Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto.
Katulad ng iba pang maralitang komunidad sa Kamaynilaan, karamihan sa mga nakatira sa Barangay Alitaptap ay lumikas mula sa prubinsya dahil sa militarisasyon at kahirapan.
Kababaihan ang unang naorganisa sa barangay na ito. Gumampan sila ng gawaing bahagi ng komiteng tulong-ugnay sa loob ng dalawang taon. Mayo 2003 nang buuin ang grupong pang-organisa (GP) ng kababaihan sa Barangay Alitaptap. Di nagtagal, pinagpasyahan na ang pagbubuo ng balangay ng MAKIBAKA. Bilang paghahanda, naglunsad sila ng mga pag-aaral kabilang ang Kalagayan ng Rebolusyonaryong Kilusan. Tinalakay din ang oryentasyon ng MAKIBAKA.
Malaking ambag ng balangay ng kababaihan sa Barangay Alitaptap sa lahatang-panig na pagsusulong ng rebolusyon ang pag-oorganisa ng mga kasapi nito sa kani-kanilang pamilya at iba pa sa komunidad. Naging susi sa pagbubuo ng iba pang organisasyong masa ang kababaihan. Mula sa kanilang mga pagsisikap, nakatakda nang buuin sa Barangay Alitaptap ang balangay ng KASAMA (organisasyon ng mga manggagawa at mala-manggagawa sa mga maralitang komunidad sa lunsod).
Nakatakda ring buuin ang ilan pang balangay ng MAKIBAKA sa iba pang komunidad sa Kamaynilaan sa susunod na mga buwan.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 07 Marso 2004 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|