![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Magkakasunod na sampal sa ekonomya ang tinanggap ng rehimeng Macapagal-Arroyo nitong huling hati ng taon. Hirap na hirap si Macapagal-Arroyo na ilarawan nang maganda ang kalagayan ng ekonomya sa harap ng sumusunod na mga estadistikang nagpapatampok sa umiigting na krisis sa Pilipinas: Pagbagsak ng dayuhang pamumuhunan. Para sa ikatlong kwarto ng taon, umabot lamang sa P4.7 bilyon ang kabuuang pumasok na dayuhang puhunan. Ito ay 81% pagbagsak mula sa P25 bilyong pumasok noong nakaraang taon. Ang lumaki lamang ay ang portfolio investments na umabot ng $692 milyon (Enero-Setyembre 2002) mula $208 milyon noong 2001. Ang portfolio investments ay nakatuon lamang sa pagbili ng mga bono ng gubyerno � isang instrumento sa pinansya para makapangutang ang gubyerno sa madla � at walang kabuluhan sa produksyon at paglago ng ekonomya.
Disempleyo. Nagtala ng 10.2% pagtaas ang upisyal na tantos ng disempleyo mula sa 9.8% noong nakaraang taon. Mula Hulyo hanggang Oktubre, mahigit 243,000 manggagawa ang nawalan ng trabaho at hindi nakakita ng trabaho. Sa konserbatibong estadistika ng gubyerno, naitalang umaabot na sa 3.5 milyon ang mga Pilipino na walang trabaho. Mahigit 4.6 milyong Pilipino naman ang walang sapat na trabaho (underemployed). Dahil sa pagbagsak ng dayuhang pamumuhunan, mahigit 17,000 bagong trabaho lamang ang tinatayang nilikha ng mga dayuhang empresa, mas mababa nang 37% kumpara sa 27,000 bagong trabahong nalikha noong nakaraang taon. Samantala, patuloy ang malawakang tanggalan ng mga regular at kontraktwal na mga manggagawa dulot ng pagbagsak ng produksyon. Lagpak na lagpak ang planong "one million jobs" ni Macapagal-Arroyo matapos na mabunyag na 60,000 bagong trabaho lamang ang nalikha sa agrikultura. Depisit sa badyet. Tinatayang aabot sa P223 bilyon ang depisit sa badyet ngayong taon bunsod ng kakulangan ng kita ng gubyerno. Mas mataas ito nang 65% sa unang target na P130 bilyon. Lumolobong utang. Patuloy na lumolobo ang utang ng gubyerno habang lumalaki ang binabayaran nitong interes. Ayon sa pinakahuling kalkulasyon, nasa P3.26 trilyon na ang pangkabuuang utang ng gubyerno (kabilang na ang P535 bilyong ginarantiyahan ng gubyerno na mga utang ng mga pribagong kumpanya sa ilalim ng iskemang build-operate-transfer), mas mataas nang 17% kaysa nakaraang taon. Ang pagbabayad pa lamang ng minimum na P411 bilyon na taunang interes ng mga utang na ito ang magpapalobo sa depisit sa badyet sa susunod na tatlo hanggang apat na taon. ![]()
| |||||||||||||||||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|