Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Itakwil ang mga gumagamit sa OPML para walang tigil na siraan ang Partido —Ka Basil

 Read this article in English

Ang artikulong ito ay halaw sa pinakahuling salaysay ni Kasamang Mabini Permalu Fabon na mas kilala bilang Ka Basil sa Southern Tagalog. Nasa ikalawang araw na siya ng kanyang malubhang karamdaman nang isulat niya ang salaysay. Sa kabila ng kahirapang dinaranas niya noon, pinilit pa rin niyang magawa ang sulatin at maipadala sa Ang Bayan para masagot ang mga taksil na gumagamit sa mga naiwasto nang kamalian sa walang-tigil na malisyosong paninira sa Partido. Noong Pebrero 6, makaraan ang anim na araw ng malubhang pagkakasakit, yumao siya at itinanghal na bayani ng rebolusyong Pilipino.

Sinimulan ni Ka Basil ang kanyang salaysay sa pamamagitan ng direktang pagpangalan sa mga salaring nagpasimuno sa Oplan Missing Link (OPML), ang kampanya sa hibang at walang batayang paghahanap ng kaaway sa loob ng Partido sa Timog Katagalugan noong 1988. Pangunahin sa mga ito ang kalihim noon ng komiteng rehiyon na si Miel Laurenaria (kilala noon bilang Tibs o Amanda). Sinariwa ni Ka Basil ang mga nasaksihang kahibangan ni Laurenaria. "Pinayagan niyang hulihin at parusahan ang mga kasama, kabilang ang mga kagawad ng komiteng rehiyon na inihalal ng katatapos lamang na kumperensya ng Partido sa rehiyon." Si Ka Basil ay isa sa mga ipinaaresto ni Laurenaria na kakolektibo niya sa komiteng rehiyon.

Pinangalanan din niya ang iba pang namumunong kadreng humahawak ng matataas na pusisyon. Hinangaan at pinuri niya ang mga mapagpakumbabang tumanggap ng aksyong pandisiplina mula sa Partido, nanatiling matapat sa rebolusyon at puspusang nagsisi at nagwasto.

Sa kabilang banda, matindi ang pagkamuhi niya sa iba, laluna kay Laurenaria, na hindi marunong kumilala ng sariling pagkakamali, nagkunwari lamang na tumanggap ng aksyong pandisiplina at sa iba't ibang pagkakataon ay iginigiit na tama siya at ang OPML. Sa dulo ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto (IDKP), tahasan na ring nagtaksil si Laurenaria sa Partido at rebolusyonaryong kilusan at sumanib sa "MLPP-RHB" (Marxist-Leninist Party of the Philippines-Rebolusyonaryong Hukbong Bayan). Walang karapatan ang grupong ito sa bansag sa sarili dahil nilalapastangan lamang nito ang Marxismo at Leninismo, ang rebolusyon at ang bayan. Nakikipagkutsaba at nagpapakasangkapan ito sa mga reaksyunaryong pwersa at militar, nagsisilbing bayarang private army ng mga bulok at pasistang pulitiko, umaatake sa Partido, hukbong bayan at rebolusyonaryong kilusan at nanlilinlang, nanggugulo at nagmamalupit sa masa.

Gayundin ang pagkamuhi niya sa mga namuno sa Task Force Missing Link, ang yunit na nagpatupad ng OPML sa Timog Katagalugan. Pangunahin na rito si Kenny, pinuno ng TFML, na umiwas sa pananagutan, umalis at di na nagpakita pagkatapos maipatigil at maideklara ng Partido na isa itong malaking kamalian.

Sa mga nabiktima naman, ipinahayag ni Ka Basil ang kanyang matinding pagkamuhi kay Manuel Quiambao Pe�a (mas kilala sa pangalang Taning). Alam niyang si Pe�a ang isa sa mga pinakamatinding napahirapan sa OPML. Sa kabilang banda, malinaw kay Pe�a at marami pang nabiktima ng OPML na labag ito sa mga prinsipyo at patakaran ng Partido, Bagong Hukbong Bayan at rebolusyonaryong kilusan.

Personal na saksi si Pe�a at lahat ng iba pang naisalbang biktima ng OPML sa maagap at mapagpasyang interbensyon ng sentro ng Partido noong mga huling buwan ng 1988 para imbestigahan, ipatigil at ideklarang isang malaking kahibangan at kamalian ang OPML. Saksi rin sila sa pagpapataw ng aksyong pandisiplina sa mga pasimuno nito batay sa bigat ng paglabag sa mga patakaran at alituntunin ng Partido, hukbong bayan at rebolusyonaryong kilusan at mga karapatan ng mga kasama, at sa pagwawasto sa mga kamalian ng OPML at katulad na mga kahibangan.

Pero sa katunayan, ang mas malaki at mas saligan pang usapin kay "Taning" ay ang pagkalulong niya sa NGOismo at iba pang malalalang disoryentasyong matinding puminsala sa Partido at rebolusyonaryong kilusan noong dekada 1980. Habang nalululong sa NGOismo, humantong siya sa pakikipagsabwatan sa estado at iba pang taksil sa pang-aatake sa Partido at rebolusyonaryong kilusan. Para rito, ang pangunahing pinagtutuunan niya ay ang mga naiwasto nang kamalian sa OPML at mga katulad na kahibangan noong dekada 1980.

Isang kabalintunaan na nagkapareho na sila ng landas ng mga salaring nagpasimuno ng OPML at mga katulad na kahibangan at iba pang malalaking kamalian at ayaw magwasto, kaya't itiniwalag o itiniwalag ang sarili mula sa Partido. Pare-pareho silang hindi matanggap ang IDKP na nagwasto sa mas masasaklaw na kamalian noong dekada 1980. Pare-pareho nilang piniling magpatuloy sa pagpapakalulong sa malalalang disoryentasyong mapagpasya nang itinakwil at iniwan ng Partido. Pare-pareho nilang nilalabanan ang Partido at rebolusyonaryong kilusan sa halip na ang mga reaksyunaryong naghaharing uri at estado.

Nakareserba ang kanyang galit at pagkamuhi sa mga pasimunong walang pagsisisi at tuluyang nagtataksil na sa Partido at gayundin sa ilang biktimang nagpapakasangkapan na sa kaaway.

Katuwang si Robert "Bobby" Garcia, isa pang naging biktima ng OPML na wala ring tigil sa paninisi sa Partido mismo sa halip na sa mga nagkamaling nagpasimuno ng OPML, ang pangunahing misyon ni Pe�a ngayon sa buhay ay ang tuluy-tuloy na paghahanap ng mga pagkakataon at paraan para buhayin muli ang usapin ng OPML, palabasin na ang Partido ang may kagagawan nito at na likas ito sa Partido at sa Marxismo-Leninismo at gamitin ito sa pang-aatake at tangkang pangwawasak sa Partido.

Matagal nang naghahanap at nambubuyo si Pe�a sa sinumang mahihimok nila upang magsiwalat ng bersyon sa mga pangyayari sa OPML ayon sa kagustuhan at antikomunistang layunin nina Pe�a. "Natatandaan ko noong 1999 nang ako'y dumadalaw sa upisina nina Pe�a sa Cubao, kinukumbinsi niya akong ipahayag ang mga kalupitan at kasamaang naganap sa OPML at ipalathala ito sa Inquirer sapagkat ako raw ay isa sa mga nabiktima nito." May kausap sila sa pahayagang ito para sadyang gamitin ang OPML sa paninira sa Partido.

Noon pa ma'y tinanggihan na ni Basil ang pambubuyong ito ni Pe�a, gayundin ang parehong kahilingan ni "Bobby" Garcia na lumapit sa kanya noon ding panahong iyon. Buo ang paniniwala ni Ka Basil na walang mabuting idudulot ang maiitim na balakin nina Pe�a at Garcia laban sa Partido at rebolusyonaryong kilusan, at maging sa mismong mga nabiktima ng OPML. Ani Ka Basil, "Ang kanilang mga plano ay magbibigay lamang sa kaaway ng mga mapanirang impormasyon. Ang mga ginagawa nila at gusto nilang ipagawa sa mga biktimang sinisikap nilang linlangin ay walang pinagkaiba sa mga antikomunista at kontra-rebolusyonaryong itim na propaganda at Pulang pananakot na ginagawa na ng reaksyunaryong estado." Kasabwat nila rito ang mga pinakamasugid na nagtaksil sa Partido at rebolusyon, mga kontra-rebolusyonaryong pseudo-repormista at mga ahente ng reaksyunaryong gubyerno at militar. Pinopondohan ng ilang prenteng institusyon at ahensya sa paniktik ng US at ng papet na gubyerno ang mga ginagamit nilang institusyon, inilalabas nilang publikasyon at idinaraos nilang aktibidad.

Mariing kinundena ni Ka Basil ang mga mapanirang maniobra at pang-iintriga nina Pe�a at Garcia. "Sa halip na ipokus ang sisi sa mga nagtaksil at salaring nagpasimuno ng mga kahibangan at kamalian tulad nina Laurenaria, Ricardo Reyes na nag-apruba sa Kampanyang Ahos —ang naunang bersyon ng OPML sa Mindanao, Arturo Tabara na naglunsad at personal pang nanortyur at nang-abuso sa mga biniktima nila sa Kabisayaan at Nilo de la Cruz na kasama ni Popoy Lagman na namuno sa katulad na kahibangan sa Metro Manila, mas ginusto pa nilang makipagsabwatan sa mga ito at sa kaaway at pare-parehong ituon ang paglaban sa Partido at rebolusyonaryong kilusan."

Isa si Ka Basil sa mga dumanas ng pinakamalalalang pisikal na tortyur at hirap sa OPML, ngunit hindi kailanman nawala sa kanya ang mapagkasamang pakikitungo sa mga nagkamali ngunit puspusang nagwasto at nanatiling matapat sa Partido at rebolusyon. Nakareserba ang kanyang galit at pagkamuhi sa mga pasimunong walang pagsisisi at tuluyang nagtataksil na sa Partido at gayundin sa ilang biktimang nagpapakasangkapan na sa kaaway.

Sa patuloy na pagkakalat ng mga kasinungalingan at pambabaluktot ng mga datos at kongklusyon tungkol sa OPML, ayon kay Ka Basil, pinatutunayan ng mga taksil na sila'y mga espesyal na ahente ng kaaway at bayarang propagandistang kontra-Partido. Bilang pangwakas, nanawagan si Ka Basil sa mga kapwa niya biktima at sa mga pamilya ng mga biktima na itakwil ang mga katulad nina Pe�a at Garcia na walang pinagsisilbihan kundi ang malisyosong propaganda ng naghaharing uri laban sa Partido at rebolusyonaryong kilusan.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Mayo 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Walang pundamental na pagbabagong idudulot ang eleksyon sa Mayo 10

Panggigipit sa mga progresibong partido:
Walang tigil ang paninira at pamamaslang

Mga kandidatong lumabag sa PTC, dinisarmahan ng BHB
Imperyalismong US, nanghihimasok sa eleksyon
Koleksyon ng mga litrato ng BHB, inilunsad
Itakwil ang mga gumagamit sa OPML para walang tigil na siraan ang Partido —Ka Basil
Mga ulat koresponsal:
Mga tulisan, instrumento ng AFP sa Northeastern Mindanao

Mga ulat koresponsal:
Cordillera Day 2004:

Kasaysayan ng magiting na pakikibaka sa Cordillera, ipinagbunyi

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.