Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga Ulat Koresponsal:
Produksyon at pangangalakal ng marijuana sa Cordillera, gawain ng militar at CPLA

 Read this article in English

Kunwa'y seryoso ang mga reaksyunaryong pwersang militar at pulis sa pagsugpo sa negosyo sa droga, ngunit ang totoo'y sila ang nasa likod ng pagpapalaganap at pagnenegosyo nito at nagbibigay-proteksyon sa mga sindikato ng droga sa Pilipinas.

Sa Cordillera, mismong sina PNP Supt. Eugene Martin ng Abra at Meyor Mailed Molina ng Bucloc, Abra at pinuno ng isang paksyon ng Cordillera People's Liberation Army (isang kontra-rebolusyonaryong grupong paramilitar), ang magkatuwang na pasimuno sa pagpapatanim ng marijuana at pagbebenta ng hashish.

Ang hashish ay prinosesong bulaklak at bunga ng marijuana na mas malakas ang epekto kaysa dahon nito. Mas mahal din ito, laluna't kalakhan ng produksyon nito sa bansa ay iniluluwas. Kakutsaba ang rehiyunal at lokal na AFP at PNP

, ang CPLA ay nagpapatanim ng marijuana at may pabrikang nagproproseso ng hashish sa Tinglayan, Kalinga. Aabot sa 15 ektarya ang bawat plantasyon ng CPLA sa mga lugar na kontrolado nila.

Napipilitan ang ilang katutubo na magtanim ng marijuana dahil sa pagtutulak at sulsol ng militar at mga kasabwat nitong mga pwersang paramilitar tulad ng CPLA at dahil sa kawalan ng oportunidad para kumita sila nang sapat sa mas matinong paraan.

Karaniwang ibinibigay ng mga ahente ng militar ang mga itatanim sa mga kakontratang magsasaka. Bukod pa ito sa mga binhing galing sa mga dating tanim.

Hindi maselan sa lupang pagtatamnan kaya't madaling mabuhay ang marijuana sa mabato, matarik at iba pang kalupaang di paborable sa produksyong agrikultural. Sa gayon, madali itong itago sa mga liblib na gubat at matatarik na gulod na bihirang puntahan ng tao. Hindi masyadong pagod ang magsasaka dahil pagkatapos itong itanim ay hihintayin na lamang mamulaklak bago anihin.

Bago ang anihan, ang mga plantasyon ay "nirereyd" ng Anti-Narcotics Unit ng PNP na kakutsaba rin ng mga sindikato sa droga. May paglilitrato ng pagsusunog ng ilang pananim para sa midya ngunit kalakhan ng "nakumpiskang" marijuana ay nauna nang naani at pinoproseso na.

Noong bukas pa ang mga base militar ng US, may isang US Army Major na siyang namamahala sa pagluluwas ng hashish. Ngayon, ang pagpoproseso, pag-eempake at paghahakot ay ginagawa na sa Cordillera. Mula rito, sa pamamagitan ng mga sindikato sa droga at sa proteksyon ng PNP at AFP, diretsong dinadala ang hashish sa Baguio, Olongapo o Maynila bago ieksport ang kalakhan at ikalakal ang iba nito sa iba't ibang lugar sa bansa.

Ang mga pinunong militar na nakatalaga sa Northern Luzon ang siyang nakikinabang sa kalakal ng droga sa Cordillera. Sangkot sa tinatawag na "Baguio Connection" ngayon sina Supt. Eugene Martin, Col. Ramsey Ocampo, Gen. Reynaldo Acop at Gen. Rogelio Aguana. Ang tauhan nila sa Buguias, Benguet ay si Sgt. Arsenio Tomas na kahit alam ng lahat na sangkot sa droga ay hindi ginagalaw. Sa Bakun, Benguet, sangkot si Sgt. Henry Dayag. Siya rin ang pusakal na pasistang pumatay kina Fr. Nilo Valerio at tatlo pang martir ng Bakun noong 1985.

Samantala, sa mga lugar na kinikilusan ng BHB sa Cordillera, epektibo nang nasusugpo ang pagtatanim. Tuluy-tuloy ang kampanya ng Partido, ng BHB at mga rebolusyonaryong organisasyong masa upang kumbinsihin ang mga magsasaka na huwag nang magtanim ng marijuana. Malaki na ang natatamong tagumpay, bagamat dahil may mga lugar na hindi pa nasasaklaw ng Pulang kapangyarihang pampulitika, malawak pa rin ang kabundukang napagtataguan ng mga tanim nito.

Epektibo rin ang propaganda at kampanyang pang-edukasyon ng BHB at rebolusyonaryong kilusan sa pagpapababa ng mga kaso ng paggamit sa marijuana. Maliwanag din sa masa sa Cordillera ang pagkakasangkot ng militar at malinaw din sa kanila na ang mga reyd sa mga plantasyon ng marijuana ay pawang palabas lamang at isinasangkalan upang mamilitarisa ang kanilang lugar.

Ang maliliit na galamay ay hinihikayat na kumalas sa mga sindikatong kriminal at kanilang antisosyal na aktibidad. Ang mga militar, paramilitar at sindikatong pangunahing nasa likod ng mga ito ay tinutugis at kinakalaban ng hukbong bayan at rebolusyonaryong kilusan.

Sa pamamagitan ng programa ng rebolusyong agraryo, sinisikap ng rebolusyonaryong organisasyong masa na paunlarin ang produksyong agrikultural upang punan ng mamamayan ang mga pangangailangang pangkabuhayan. Masigasig na tumutulong dito ang mga yunit ng hukbong bayan. Kabilang sa programa ng rebolusyong agraryo ang kooperatibang produksyon, pagpapaunlad sa pamamaraan ng pag-aalaga at pagpapadami ng mga tradisyunal na pananim, alternatibong mga produkto at iba pang mapagkakakitaan.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Agosto 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Samantalahin at patindihin ang hidwaan sa loob ng AFP

Pilit tinatabunan ng rehimen ang ugat ng pag-aalsa sa Makati
SONA 2003, pantasya ni Arroyo
Pananalanta ng pasistang estado:
Mga tala ng paglabag sa karapatang-tao ng rehimeng US-Arroyo

Mga Ulat Koresponsal:
Mga tagumpay sa paglalansag ng mga CAFGU sa Cordillera

Mga Ulat Koresponsal:
Produksyon at pangangalakal ng marijuana sa Cordillera, gawain ng militar at CPLA
Matatagumpay na opensiba ng BHB
Balita:
PKP, nagpugay kay Chairman Salamat Hashim

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.