![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Lalong mapagkakaitan ng batayang serbisyong pangkalusugan ang mahigit 430,000 mamamayan sa Isabela dulot ng napipintong pagsasara ng 10 maliliit na pampublikong ospital sa prubinsya. Sa pamamagitan ng Memorandum No. 6, Series 2002, nag-utos ang pamahalaang prubinsyal na �isanib� na lamang sa mga pandistritong ospital ang 10 dahil kulang umano ang pondo ng lalawigan para imantine ang mga ito. Panimulang hakbang ito sa unti-unting pribatisasyon ng naturang mga ospital. Mahigit 260 malalayong barangay ang sineserbisyuhan ng nasabing mga ospital (tingnan ang talahanayan). Ang pagsasara ng mga ito ay mangangahulugang mapapalayo ang mga residenteng karamiha�y magsasaka kapag nangailangan sila ng atensyong medikal. Sa kaso ng Dinapigue, ang magiging pinakamalapit na ospital ay sa bayan na ng Palanan, isa�t kalahating oras na byahe sa dagat. Sinasabi ng pamahalaang prubinsyal ng Isabela na kinakailangan ang hakbanging ito para mamodernisa ang serbisyong pangkalusugan sa lalawigan. Matutugunan lamang umano ang pangangailangan para sa ispesyalisasyon at makabagong kagamitan kung dito ibubuhos ang kulang na pondo. Binabatikos ng prubinsyal na tsapter ng Alliance of Health Workers (AHW) ang ganitong pangangatwiran dahil lihis ito sa pangangailangan ng nakararaming mga taga-Isabela sa kasalukuyan. Anang AHW, batayang serbisyong pangkalusugan ang kailangan ng higit na nakararaming mamamayan. Ayon naman sa Danggayan dagiti Mannalon ti Isabela (DAGAMI), isang prubinsyal na samahang magsasaka, limitado na nga at atrasado ang serbisyong panlipunang nakaaabot sa mga magsasaka sa lalawigan, nais pa ito ngayong putulin nang tuluyan. Bukod sa malinaw nang pagpapabaya sa kalusugan ng mga magsasaka, ang pagsasara ng 10 ospital ay magreresulta rin sa pagkakatanggal ng mga manggagawang nagtatrabaho sa mga ito.
Ang kakulangan sa pondo na siyang idinadahilan ng pamahalaan ng Isabela sa pagpapasara at balak na pribatisasyon ng 10 ospital ay bunsod ng pagbitiw ng reaksyunaryong gubyerno sa responsibilidad nitong pangalagaan ang kalusugan ng mamamayan. Ipinatupad ng pambansang gubyerno ang debolusyon ng paghahatid ng serbisyong pangkalusugan para umano ilapit ito sa mamamayan. Ipinasa na sa mga lokal na pamahalaan ang responsibilidad na ito. Ngunit katulad ng ginagawa ngayon ng pamahalaang prubinsyal ng Isabela, lalo lamang inilalayo sa nakararaming mamamayan ang kalingang pangkalusugan.
Magkatuwang ngayon ang DAGAMI at AHW sa pagtutol sa pagsasara ng 10 hospital. Noong Abril, mahigit 250 mamamayan, kabilang ang mga doktor at iba pang manggagawang pangkalusugan ang nagmartsa tungo sa kapitolyo ng Isabela. Bilang tugon, isinuspinde ng gubernor ng lalawigan na si Faustino Dy Jr. ang 13 doktor na sumama rito. Binantaan, ginipit at binansagang mga komunista ang mga tumutol. ![]()
| ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|