Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Bigong pagsalakay sa kampo ng BHB

 Read this article in English

Noong Hunyo 12, matagumpay na nakadepensa at ligtas na nakaatras ang isang yunit ng BHB matapos pasukin at tangkaing durugin ng 11th IB ang kanilang kampo sa Tacpao, Guihulngan, Negros Oriental. Hindi lamang umuwing bigo ang AFP, walo ang napatay at pito ang sugatan sa kanilang hanay matapos mabaligtad ang sitwasyon at paulanan sila ng bala ng mga Pulang mandirigmang nag-aabang na sa kanila. Isang mandirigma ang naging martir sa labanang iyon.

Ayon sa Leonardo Panaligan Command (LPC), Hunyo 10 pa lamang ay namonitor na ng isang nakakampong yunit nito ang pagkilos ng isang reconnaissance platoon ng 11th IB at nasuri na rin ang pakay ng operasyon ng kaaway. Misyon ng platung ito ng kaaway na sagupain ang anumang pwersang matatagpuan sa naturang kampo ng BHB. Pagkilos tuwing gabi ang moda ng operasyon ng kaaway na platun. Ngunit nakaalerto na ang mga gwardya sa mga tago nilang postehan at ang buong kampo ng BHB.

Bandang 4:45 ng madaling araw ng Hunyo 12, habang nagmamaniobra pa lamang ang kaaway papasok sa kampo, nauna nang magpaulan ng bala ang BHB. Bumanat ang Sentry 1 ng kampo habang nagpaplangka sa kaliwa't kanan ang kaaway. Tatlo kaagad sa 11th IB ang napatay at marami pa ang nasugatan. Nagreimpors naman ang Sentry 2. Nabigla at nalagay sa depensibong pusisyon ang kaaway at agad napaatras. Gayunpaman, hindi nasusteni ng BHB ang inisyatiba para tuluyang malipol ang kaaway. Ito'y dahil hindi agad naipasa ang impormasyon sa kumand para mataya nito ang kabuuang takbo ng labanan at maiatas ang paghahabol at paglipol sa umaatras na kaaway.

Bandang alas-8 ng umaga, nakaatras na rin ang lahat ng pwersa ng BHB. Umabot pa nang tatlong oras bago nakarating ang reimporsment ng kaaway.

Ipinahakot ng militar sa apat na helikopter ang mga bangkay at sugatan sa pagtatangkang ilihim ang kanilang malaking kabiguan. Ipinagkalat na lamang ng umaatras na tropa ng 11th IB sa lahat ng dinaanan nilang baryo na marami raw silang napatay sa hanay ng BHB.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Agosto 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Dagdag na mga pahirap sa bayan

Korapsyon, pagwawaldas at maling mga prayoridad ang tunay na nasa likod ng dambuhalang depisit sa pambansang badyet ng gubyerno
Karagdagang buwis sa langis, ipapapasan sa mamamayan
Alyansa laban sa pagtataas ng buwis, binuo sa kongreso
10 hakbangin sa pagbubuwis ng rehimeng Arroyo
Mga ulat koresponsal:
Panibagong lakas ng armadong pakikibaka sa Negros

Bigong pagsalakay sa kampo ng BHB
CPLA at AFP, magkakumpitensya sa iligal na pagtotroso sa Apayao
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.