|
Ipagtagumpay ang armadong rebolusyon sa ika-21 siglo
Mensahe sa ika-31 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan ni Armando Liwanag Tagapangulo,Komite Sentral Partido Komunista ng Pilipinas
Sa ngalan ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng sambayanang Pilipino, nagpupugay ako sa mga Pulang kumander at mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan sa kanilang rebolusyonaryong pagkakaisa at magigiting na pakikibaka, mga sakripisyo at mga tagumpay sa pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan. Ipinagbubunyi natin ang dakila at maningning na kasaysayan ng Bagong Hukbong Bayan at binabati namin kayo sa kasalukuyang mga pagsulong sa rebolusyonaryong pakikibaka. Napalaki at nakonsolida ninyo ang ating armadong lakas at rebolusyonaryong baseng masa sa pagpapatupad ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto. Nagkamit kayo ng makabuluhang mga tagumpay sa pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa mamamayan at sa paglulunsad ng mga taktikal na opensiba laban sa kaaway.
Nasisiyahan kaming lahat na ang BHB ay nagkaisa sa pagtalima sa panawagan ng Partido na paigtingin ang armadong rebolusyon at kamtin ang ganap na tagumpay sa ika-21 siglo. Handang-handa ang BHB na magkamit ng marami pang mga tagumpay dahil sa natipon nitong mga karanasan at lakas at dahil patuloy na lumulubha ang krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista at ng lokal na naghaharing sistema.
Sagradong tungkulin ng BHB na isulong ang matagalang digmang bayan hanggat kinakailangang ipaglaban ang pambansa at pan- lipunang kalayaan laban sa pang-aapi at pagsasamantala. Hinahangad ng malawak na masa ng sambayanan ang ganap na tagumpay ng rebolusyong Pilipino. Dapat nating gapiin ang imperyalismong US at ang lokal na mga mapagsamantalang uri at kumpletuhin ang pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya. Mula sa tagumpay ng bagong-demokratikong rebolusyon, tayo ay tutuloy sa sosyalistang rebolusyon at susulong pa patungong komunismo.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 29 Marso 2000 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|