Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Pananalanta ng pasistang estado:
Mga paglabag sa karapatang-tao(Mayo-Agosto 2002)

 Read this article in English

Agosto 18. Pinatay ng mga tropa ng 8th Special Forces Battalion (SFB) na pinamumunuan ni Maj. Alexis Gopico si Amay "Ka Ronson" Espeja, isang Pulang mandirigma, nang kubkubin ng mga sundalo ang mga gerilya sa Sityo Nursery, Barangay Binondo, Baganga, Davao Oriental. Buhay at walang sugat na nadakip si Ka Ronson. Tatlong bata ang napatay sa pagkubkob. Pinagbubugbog din ng mga berdugo at ninakawan ng dalawang chainsaw, P9,000 salapi at iba pang ari-arian ang mga residente.

Noong unang linggo ng Agosto, pinagbubugbog naman ng naturang mga sundalo at CAFGU ang 15 lalaking pinaghihinalaang tagasuporta ng BHB sa parehong barangay. Pinaghukay din sila ng mga sundalo ng libingan at binantaang papatayin kung hindi ituturo ang kinaroroonan ng mga gerilya. Inireklamo rin ng mga residente ng kalapit na Barangay Matanog ang pang-aabuso sa kanila ng mga sundalo ng 8th SFB.

Agosto 18. Pwersahan at iligal na inaresto ng PNP sa Boac, Marinduque si Ginoong Prestores, tagapangulo ng Pinag-isang Lakas ng Magbubukid sa Quezon, Bise Presidente ng Bayan Muna at masugid na tumutulong sa mga biktima ng Marcopper Mining sa prubinsya. Ipiniit siya mula 12:30 ng tanghali hanggang alas-10:00 ng gabi nang hindi sinasampahan ng anumang kaso. Ipinagbabawal ng batas ang pagpipiit nang lampas sa pitong oras nang walang isinasampang kaso.

Agosto 15. Marahas na binuwag ng Military Police ang piket ng daan-daang pambansang minorya sa tapat ng Camp Aguinaldo. Nasugatan sa ulo si Benilda Coplangen, 45, nang salagin niya ang batutang ipapalo sana ng mga pulis kay Baket Indena, isang nakatatandang babae mula sa Sagada, Mountain Province.

Ang pagkilos na pinamunuan ng Kalipunan ng mga Katutubong Mamamayan ng Pilipinas ay inilunsad upang tutulan ang tumitinding militarisasyon sa kanayunan na bumibiktima sa libu-libong mga pambansang minorya at magsasaka sa buong kapuluan.

Sugatan at pasa-pasa rin ang ilan pang nakatatandang nagsasayaw ng pattong (katutubong sayaw sa Kordilyera) nang umatake ang pulisya. Ito ay sina Lakay Longan ng Kalinga, Lakay Simplico Sikuan ng Itogon, Magno Dumas ng Abra, at mga lider ng Cordillera People�s Alliance na sina Joseph Torafing Jr. at Windel Bolinget. Naputulan naman ng daliri si Robert Laplana na mula sa Timog Katagalugan.

Ikalawang linggo ng Agosto. Pinagsisira ng mga tauhan ni Bayani Fernando, tagapangulo ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ang mga pwesto ng mga sidewalk vendor sa iba�t ibang lugar sa Kamaynilaan. Nagbabanta rin si Fernando na bubuhusan ng gaas ang kanilang mga paninda kung hindi sila titigil sa pagtitinda sa bangketa. Tinawag pa niyang mga parasitiko ang mga nagtitinda na karapat-dapat lamang umanong gamitan ng dahas upang mapatigil. Ipinagtatanggol ng Malakanyang ang mga aksyon ni Fernando.

Agosto 5. Inaresto ng mga tropa ng 4th ID si Zenaida Llesis, 40, buntis at pinaghihinalaang kadre ng PKP matapos ng isang operasyon sa Rocky Village, Pangantukan, Bukidnon. Sinampahan siya ng samut-saring kasong kriminal subalit pinagkakaitan ng karapatang kumuha ng abugado. Bukod rito, kahit dinudugo si Llesis at nanganganib na maagasan, tuluy-tuloy siyang isinailalim sa interogasyon ng militar. Hindi rin isinaalang-alang ng militar ang pagkakaroon ni Llesis ng tachycardia, isang abnormalidad sa puso na nangangailangan ng pahinga.

Agosto 5. Iligal na inaresto ng mga tropa ng 74th IB ang tatlong kabataan sa Barangay San Pablo, Catanauan, Quezon. Sina Resty Buen, Rogelio de Roxas at Romeo Resureccion ay pinaratangang mga Pulang mandirigma dahil natagpuan silang kasama ng isang pinaghihinalaang gerilya.

Isa namang anim na taong gulang na batang lalaki ang dinakip ng mga tropa ng 7th ID sa Barangay Sto. Rosario, Masinloc, Zambales pagkatapos ng isang engkwentro sa pagitan ng militar at ng BHB.

Agosto 3-4. Dinemolis ng mga gwardya ng Manila Water Works and Sewerage System (MWSS) ang bahay ng 25 pamilyang magsasaka sa Area 4, Sityo Seedling, Barangay Macabud, Rodriguez, Rizal. Tinutukan ng mga gwardya ang mga residente, pinagbubunot ang kanilang mga tanim at pinagnakawan ng bigas at salapi. Kinabukasan, sinunog ang mga bahay ng mahigit 100 residente. Apat na magsasaka pa ang dinakip at pinwersang pumirma sa isang dokumento. Ang erya ay bahagi ng 2,700-ektaryang La Mesa Watershed na inaangkin ng MWSS at ABS-CBN Foundation.

Agosto 2. Sampu ang nasugatan nang marahas na harangin at tangkaing idispers ng mga tropa ng Western Police District ang 500 nagpoprotesta sa tapat ng US Embassy kaugnay ng pagbisita ni US State Sec. Colin Powell sa Pilipinas.

Hulyo 20-28. Hinaras at sapilitang pinalayas ng mga bayarang maton ng San Roque Power Corp. ang daan-daang residente ng Sityo Bolangit, Barangay San Felipe, San Nicolas, Pangasinan upang bigyang-daan ang pagkumpleto sa San Roque Multi-Purpose Dam Project. Noong Hulyo 22, pwersahang pinaiwan ng mga maton sa mga residente ang kanilang mga tahanan at ari-arian. Pilit pinasakay sa helikopter ang mga babae at mga bata habang ang mga lalaki ay pinaglakad. Pinilit din silang pumirma sa ilang papeles na nagsasaad ng boluntaryo nilang paglisan sa lugar. Noong Hulyo 28, pinagsusunog ng demolition team ang 11 bahay ng mga lumikas. Dahil dito, lumaganap ang takot sa hanay maging ng mamamayan sa mga kalapit-baryo.

Hulyo 24. Dinemolis ng Anti-Squatting Team ng Baguio City ang mga bahay ng mahigit 20 pamilya sa Barangay Dontogan. Mahigit 60 pang bahay ang nakatakdang wasakin ayon sa utos ni Mayor Bernardo Vergara, na nagsasabing pawang mga iligal na iskwater ang mga nakatira rito. Ito�y sa kabila ng pagkakaroon ng mga residente ng titulo sa lupa. Walang ibang nasilungan ang mga pamilyang nawalan ng bahay kundi ang mga pine tree matapos wasakin ang kanilang mga tahanan sa gitna ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Hulyo 24. Winasak ng goons ng Manila Banking Corp. at ng 25 pulis na pinamunuan ni Insp. Jose Costello ng Mabolo Police Station ang bahay ng 27 pamilya sa North Reclamation Area ng Cebu City. Tatayuan ng sangay ng naturang bangko ang 1,640 metro kwadradong lote. Napwersang magtirik ng mga temporaryong silungan ang mga pamilya sa mga lansangan. Ayon pa sa gubyernong lunsod ng Cebu, kailangan pa munang matupad ng mga nawalan ng bahay ang ilang rekisitos bago mapagkalooban ng anumang tulong.

Hulyo 1. Tatlong demonstrador ang nasaktan nang marahas na idispers ng may 40 pulis ng Region 11 sa pamumuno ni Chief Supt. Eduardo Matillano ang rali sa Tagum City nang dumalaw dito si Macapagal-Arroyo. Karamihan sa 200 demonstrador ay mga babae at bata. Sinaktan sila ng mga pulis at kinumpiskahan ng mga gamit gaya ng megaphone, mga baterya at amplifiers. Ang ilan sa kanila ay iligal na dinakip.

Hulyo. Kahit walang ebidensya, isinangkot ng pulisya si Ador Pulido, pinuno ng Bayan Muna sa Gerona, Tarlac at pangulo ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap doon, sa pagpatay sa isang Herman Dugay ng Barangay Tagumbao sa parehong bayan. Si Pulido ay organisador din ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Tarlac. Paulit-ulit siyang inaaresto at ipinipiit ng mga pulis kahit walang malinaw na kaso laban sa kanya.

Hunyo. Paulit-ulit na hinaras ng mga sundalo ng 204th Brigade, sa pangunguna ni Col. Jovito Palparan, si Juvy Magsino, abugada at bise alkalde ng Naujan, Oriental Mindoro. Binalaan si Magsino na siya ay minamanmanan na dahil pinaghihinalaan siyang tagasuporta ng BHB.

Mayo 17. Pinagbabaril ng mga tropa ng 15th Special Forces Company at ng PNP sa Barangay Casigaran, Balilihan, Bohol ang tahanan ng 70-taong-gulang na si Cecilia Tambis na pinagpapahingahan ng mga mandirigma ng BHB. Tinakot pa ng mga sundalo na papatayin ang dalawang mandirigma na nadakip nila.

 


Previous articleBack to topNext article

Setyembre 2002
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Labanan at biguin ang todong digma ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo!

All-out war ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo:
Sa utos ng imperyalismong US:
All-out war laban sa rebolusyon, idineklara ng rehimen

All-out war ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo:
PKP, BHB, ibinilang ng US sa listahan ng mga `terorista'

All-out war ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo:
Dagdag na ayuda sa AFP, ipinangako ng US

All-out war ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo:
Defense Policy Board, bubuuin

All-out war ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo:
Panggigipit ng US at The Netherlands, binatikos ni Sison

All-out war ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo:
Usapang pangkapayapaan, winawakasan na ng rehimen

All-out war ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo:
Mga ligal na organisasyon, target din ng panunupil

Guingona, tutol sa doktrina ng panggegera ng US
Maniobrahan para sa 2004:
Alitan nina Macapagal-Arroyo at Roco, tumambad sa publiko

Pananalanta ng pasistang estado
Ilang estadistika

Pananalanta ng pasistang estado:
Mga paglabag sa karapatang-tao(Mayo-Agosto 2002)
Pananalanta ng pasistang estado:
Sa Basilan at Zamboanga

Pananalanta ng pasistang estado:
Pinsalang hatid ng CARAT

Kalupitan sa kamay ng Malaysia at ng rehimeng Macapagal-Arroyo
Pang-uupat ni Bush ng gera sa Iraq, umaani ng batikos
Isinasangkalan ng US ang weapons of mass destruction ng Iraq upang bigyang-katwiran ang panibagong digmang agresyon laban dito
Pagmimina sa Mt. Diwalwal kinontrol na ng Malakanyang
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.