Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Ilang malaking kaso ng korapsyon sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo

 Read this article in English

� P1.4 bilyong tinabo ng CODE-NGO, isang NGO na pinamumunuan ng mga nasa gabinete ni Macapagal-Arroyo at mga "Soc Dem" na malalapit sa kanya. Maanomalyang binigyan ito ng solong prangkisa at malaking komisyon sa pagbebenta ng P10 bilyong PEACe bonds (bono). Laway at mahigpit na kuneksyon lamang sa Malakanyang at Department of Finance ang naging tanging puhunan ng CODE-NGO para masolo ang PEACe bonds at malaking kita mula rito.

� Pakikialam ni Mike Arroyo, asawa ng presidente, sa mga pondo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office at paggamit ng milyun-milyon mula sa mga ito para tustusan ang gastos sa eleksyon noong Mayo 2001 at iba pa.

� Pag-apruba sa kontrata ng Industrias Metalurgicas Pescarmona SA (IMPSA), isang kumpanyang Argentinian, para sa rehabilitasyon ng Caliraya-Botocan-Kalayaan hydroelectric power plant, limang araw lamang pagkaluklok ng bagong gubyerno. May mga akusasyong kumita nang malaki si Department of Justice Sec. Hernando Perez at si Macapagal-Arroyo mismo sa aregluhan para rito.

� Paghingi ng kalahati ng sapi ng Philippine Communications Clearinghouse Inc. (PCCI) mula sa may-ari nitong si Pacifico Marcelo, kapalit ng pagbawi ng veto(pagdisapruba) ni Macapagal-Arroyo sa prangkisa upang mamonopolisa ng PCCI ang pangangasiwa sa interconnection ng lahat mga kumpanya sa telekomunikasyon, na tinatayang magkakahalaga ng mahigit P53 bilyon taun-taon. Naganap ito noong lihim na ipinatawag ni Macapagal-Arroyo si Marcelo sa Malakanyang. Hindi pumayag si Marcelo kaya itinuloy ang pagsasampa ng mga kaso laban sa kanya. Ayon sa pangangatwiran ni Macapagal-Arroyo, ang hiningi niya ay hindi para sa sarili, kundi "para sa gubyerno".

� Pakikipag-areglo kay Danding Cojuangco kaugnay ng pondong coco levy, mga sapi at kontrol ng gubyerno sa San Miguel Corporation (SMC) at iba pang pinuhunanan mula sa naturang pondo, kapalit ng pampulitikang suporta at malaking pinansyal na kontribusyon ni Cojuangco para sa kampanya ni Macapagal-Arroyo sa 2004. Kamakailan ay hinirang ni Macapagal-Arroyo si Conrado "Dodie" Limcaoco, tagapagsalita at deputy campaign manager ng People Power Coalition, bilang presidential assistant dahil sa naging susing papel niya sa pakikipag-areglo kay Cojuangco. Pangunahing tungkuling ibinigay ni Macapagal-Arroyo kay Limcaoco ngayon na "buksan sa lalong madaling panahon" ang 16-taon nang natipong pondong coco levy. Isa sa inaareglo nila ngayon ay ang mga paraan para maibigay na kay Cojuangco ang lubos na pag-aari sa SMC.

� Di pagpapatuloy ng kaso ng gubyerno laban sa paglusot ni Lucio Tan sa dapat na binayarang buwis, kapalit ang pagbaling ni Tan ng suporta mula kay Estrada tungo kay Macapagal-Arroyo.

� Pagiging tagapamagitan ni George Baviera, isang taong malapit kay Macapagal-Arroyo at Presidential Spokesman at Press Secretary Rigoberto Tiglao, sa mga negosasyon sa pagbabayad ng ransom ng mga hostage ng Abu Sayyaf.

� Pagtanggap ng mga senador at kongresman maging sa kampo ni Macapagal-Arroyo ng suhol mula sa mga Estrada, kapalit ng pag-endorso nila sa kahilingan ng nakakulong na dating presidente para mapayagang pumunta sa US upang diumano magpagamot ng tuhod.

� Paghawak ngayon ng Malakanyang sa aktibong nagpapatuloy na operasyon ng hweteng sa pamamagitan ng mga jueteng lord at mga pinuno ng AFP at PNP na malalapit kay Macapagal-Arroyo.

 


Previous articleBack to topNext article

Marso 2002
Edisyong Pilipino


Editoryal: Pagkaisahin ang bayan laban sa pagkapapet, kalupitan at korapsyon ng rehimeng Macapagal-Arroyo!
Ilang malaking kaso ng korapsyon sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo
Umiigting at humahantong sa kaguluhan at karahasan ang alitan ng mga reaksyunaryo
Ang panunumbalik: Armadong panghihimasok ng imperyalismong US sa Pilipinas
Kababaihan laban sa Balikatan
Balik-tanaw sa Kasaysayan: Ang digmang agresyon ng US sa Mindanao(1899-1913)
Kampanyang psywar laban sa BHB, pakana ng CIA
Ang propagandang anti-BHB ng AFP
Paninira ng AFP, pinabulaanan ng BHB sa Abra
Mining Act of 1955, epektibong nilalabanan ng mamamayan
Pananalanta ng pasistang estado
Mga pasistang atake laban sa Bayan Muna
Mga salot sa Leyte, pinarusahan ng BHB
Usapang pangkapayapaan, isinaisantabi ng rehimeng Macapagal-Arroyo
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.