![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Idinaos sa Iraq nitong Enero 30 ang eleksyong idinisenyo at kontrolado ng US. May maitim itong layunin na likhain ang ilusyon ng demokrasya at magtatag ng gubyernong magiging instrumento ng US sa Iraq at Middle East. Inihalal sa eleksyon ang 275 kinatawan sa transisyunal na National Assembly na magbabalangkas ng bagong konstitusyon ng Iraq. Dahil sa patuloy na pangingibabaw ng kapangyarihan ng US sa pamamagitan ng presensya ng humigit-kumulang 150,000 armadong tropa, anumang hakbangin ng National Assembly na ito ay tiyak na papabor sa interes ng US sa ekonomya, pulitika at militar sa Iraq at buong Middle East. Ito ang inaasahang magpapatibay sa kontrol ng US sa langis sa Iraq at magpapahintulot sa permanenteng pagbabase doon ng militar ng US. Nakatakdang ilabas ang borador ng konstitusyon sa Agosto na aaprubahan umano ng mga Iraqi sa isang referendum sa Oktubre. Kapag naaprubahan, magkakaroon ng eleksyon para sa panibagong gubyerno sa Disyembre. Sa pamamagitan ng eleksyon, nais ng US na lumikha ng ilusyon ng demokrasya, estabilidad at kapayapaan sa Iraq at ng pagsasarili ng mamamayang Iraqi. Pinalalabas ng US na ang transisyunal na gubyerno sa Iraq ay may basbas ng mamamayan kahit pa, sa katunayan, ay ginanap ang eleksyon sa ilalim ng kolonyal na kapangyarihan ng US kung saan yaong naghahayag ng paglaya sa kontrol ng US ay tinutugis at pinapatay. Sa gitna ng pagtatambol sa demokrasya at pagsasarili ng mamamayang Iraqi, walang kahihiyang sinabi ni Bush na mananatili ang mga tropang Amerikano at magpapatuloy ang pakikialam ng gubyernong US sa Iraq. At para rito, ipinahayag ni Bush ang plano ng kanyang administrasyon na magdagdag ng $80 bilyon para sa pondo sa gera sa Iraq (at sa Afghanistan). Hindi isang bogus na eleksyon ang kailangan ng mamamayang Iraqi kundi ang mapalayas ang mga tropang Amerikano at mawakasan ang arogante at mapandambong na pananakop at pagkontrol ng US sa Iraq. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|